Epilogue

4.3K 152 29
                                    

Author's note: pakibasa ulit yung chapter na A Paper sa part ng POV ni Roian. Ito yung kadugtong nun. Salamat😃

Cyrll's POV

Nanginging ang mga kamay ko sa galit habang pinapakinggan kong lahat ng excuses ng tatay ni Alvin kay Roian. Yung iyak nya ngayon ay kulang sa lahat ng pinagdaan ng taong mahal ko sa kamay ng pamilya nya. Naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko. Si Hunter na walang emosyon sa mga mata.

"Relax." anas nya at napangisi sakin.

"Tsk!"

Mayamaya ay may mga pulis ng nagdatingan kaya halos magkumahog itong nagmamakaawa kay Roian na may pagkadisgusto sa mga mata nya ang makikita mo. Sinira ng pamilya nyang lahat ng pangarap namin ni Roian kaya Hindi ko mahanap sa sistema ko kung paano ko sila mapapatawad dahil hindi lang sa amin ni Roian sila may malaking kasalanan kundi kay Yuan na kadugo nila. Sinakripisyo nila ang tatay ni Yuan para sa sariling interest nila at hindi ko malaman kung paano ang gagawin at ipapaliwanag kay Yuan kapag lumaki na sya at magtanong regarding sa nangyare sa pamilya ng tatay nya.

Magmumulto at magmumulto ito sa kanya sa paglaki nya. For sure, kakamuhian nya ang sarili nya kapag nalaman nyang sya ang bunga ng pang rerape ng tatay nya sa nanay nya at galit sa akin dahil gamuntikan ko na silang mapatay noon.

Ihahanda ko ang sarili ko marahil sa mga oras na yun. Pero sobrang nasasaktan na ko sa ngayon pa lang dahil sobrang napamahal na sya sa akin. Kung hindi lang talaga bumaligtad ang mundo ko ng mga panahon na yun marahil natanggap ko silang mag ina na ako yung isa pang tatayong magulang nya at marahil ipagdadamot ko pa sila ng Mommy nya sa lahat dahil ngayon pa nga lang halos magpakabaliw ako sa paligid ko mapasaakin lang sila.

"I'll call Yvie para maayos na 'tong kaso ni Samaniego..." turan ni Hunter bago sumunod sa mga pulis.

Lumapit ako kay Roian na tahimik na humihikbi.

"Natapos din..." anas ko at hinawakan ko ang isang kamay nya at marahang pinisil iyon para iparamdam sa kanya na nandito lang ako para sa kanya.

Umuwi kami ng hindi pa din sya kumikibo kahit noong dumating yung mga magulang nya para kamustahin sya at galing ito sa presinto para makaharap yung tatay ni Alvin. I was so damn worried kapag ganito sya. Alam kong napakadami na naman na tumatakbo sa isip nya sa mga oras na 'to.

Pagkaalis ng mga magulang nya ay dumeretso na sya sa kwarto. Parang wala sya sa sarili nya. Kaya ako na muna ang nag ayos kay Yuan pero ng matutulog na ito ay gusto daw nyang kumain ulit.

Inasikaso ko muna si Yuan dahil bigla itong nagutom kaya pinagluto ko ng makakain nya. Tahimik akong pinapanuod sya habang kumakain sya dito sa tabi ko.

"Mommy will be going to be fine right, Tita Cy?" tanong ni Yuan na kinagising ko. Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Yeah...She will." nakangiting sagot ko.

Biglang may pumasok sa isip ko.

"You want to bake cookies?" tanong ko sa kanya at too late na ng malaman ko na pasado alas otso na ng gabi. Hindi ko na mababawi dahil madi-disappoint sya sigurado.

"Yes!" masiglang sigaw nya. Lihim akong napangiwi dahil panigurado sasakalin ako ng nanay nito mamaya kapag nalaman nitong hindi pa natutulog itong anak nya.

...
"Gosh! This is a mess...." I said under my breath. Napakagulo na ng buong kusina at nagsabugan na yung mga harina sa paligid.Hindi ko malaman kung anong uunahin ko. Ang maglinis ba ng mga kalat o itong pagbebake!

"Tita this is so fun!" tili nya habang hinahalo nya yung pinagsama sama naming mga ingredients. Para syang nag lalaro sa may park sa mga pinaggagawa nya ngayon.Hindi ko na din maintindihan kung anong itsura ko dahil nung sinabog ni Yuan yung harina sa ere dalawa kaming sumakop nun!

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon