Journal

3.8K 161 3
                                    

Roian's POV

Kasalukuyan kong kausap yung anak ko sa telepono at nagwawala sya. Napapangiwi ako sa topak nya sa kabilang linya.

"Hindi mo ko sinamaaaa....." umiiyak na hinampo nya sakin. Napahilot ako ng sentido ko.Biglaan naman kase ito at nasa bahay sya ng mga Lola nya.

"Anak....papasalubungan kita ng marami promise..." alo ko kay Yuan at pagtingin ko sa harap ko ay nakataas ang isang kilay ni Cy at naiiling kaya inirapan ko sya. Ayaw tumulong kainis.

"Mommy ayoko nun! Gusto ko sama koooooo...I want to be with Tita Cyrll..." lalo syang nagwala.Tumikhim si Cy at sumenyas sya na ibigay ko sa kanya yung Phone kaya wala akong nagawa dahil sobra yung maktol ng anak ko sa kabilang linya. Ang hirap hirap magpaalam talaga sa anak. Ngayon lang sya nagwala ng ganito ng hindi ko sya sinama.

"Hello...Yes baby this is Tita Cy...No...No...hey little monkey don't be mad next time WE will going to Disneyland...Yup!" Pinapakinggan ko lang sila mag usap. Sobrang panatag talaga ng anak ko sa kanya kaya di ko mapigilang mapangiti.

Cyrll's POV

I know Yuan...Yvie and Yuri told me about him. At may ilang notes sa phone ko ng mga ginawa namin na bonding.

"Tita...secret code..." mahinang saad nya sa kabilang linya at hindi ako nakakibo. Hindi ko maalala.

"Huh?"

Ilang segundo sya natahimik.
"We have secret code.....you are sleeping again..." malungkot nyang saad. Feeling ko nabrokenhearted din ako na marinig na malungkot na boses nya.

"May I know it?" Malambing na tanong ko at pasulyap sulyap ako kay Roian na tahimik na nakikinig sa amin. Pero parang di naman nya naririnig si Yuan.

"Sa pag uwi nyo na lang Tita......"
We are really close to the point na alam nya yung kalagayan ko. Kailangan ko syang makausap right after namin dito sa Palawan.

Roian's POV

Pagkababa ng tawag namin kay Yuan ay parang tahimik ni Cy.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko at tumabi ako ng upo sa kanya.

"Gusto ko maalala lahat..." saad nya.

"Maalala mo din ang lahat sabi ni Yuri...wag ka ng malungkot....bumalik man o hindi yung alaala mo andito pa din ako sa tabi mo." At mabilis ko syang hinalikan sa pisngi at napangiti sya.

Magkahawak kamay kaming naglalakad sa tabing dagat habang kinukwento ko kung paano kami nagkakilala. Gusto ko hanggang sa pagtanda ay ganito kami..yung magsasalo kami sa pagkukwento lahat ng good memories na iipunin namin.

"I was madly in love with you...from the start hindi ako nagkaroon ng relasyon sa iba..." proud nyang sabi.

"Wow! Paano ako nakakasiguro? Ang tagal nating hindi nagkita..." saad ko.
"Yuri told me...she's my bestfriend.

Saka wala naman nahabol para makipagbalikan..." natatawang sabi nya. Totoo yata kase sabi din ni Yvie never nakipagrelasyon o nakipagfling si Cy.

Kinagabihan ay sumali kami sa isang bonfire party. Lahat kami nakapaikot dun sa bonfire.. yung iba ay nagsheshare ng story nila. Aliw na aliw kami ni Cy na makinig sa mga kwento nila. Nakasandig yung ulo ko sa balikat ni Cy habang nakikinig  sa mga kwento nila.

"You guys are couple?" Nakangiting tanong sa amin ng emcee. Napaayos kami ng upo ni Cy. At nakangiti akong tumango. Pagtingin ko sa paligid parang wala namang violent reaction mula sa kanila. Like sanay na sila sa ganitong set up ng relasyon.

"Ilang taon na kayo?" Tanong ulit ng emcee.

"Kakasagot lang nya ulit sakin actually monthsary namin ngayon...baduy nga nito ayaw nya ng monthsary..." nakangusong sabad ni Cyrll kaya pasimple ko syang kinurot. Loko to!  At narinig ko nagtawanan ang lahat ng dumaing si Cy.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now