Wish

4.1K 163 1
                                    

Chapter 13
Roian’s POV
“Si Mommy na din yung nagdesisyon na wag ng isapubliko yung kay Daddy…Sya din yung nag utos na wag ng sabihin sa inyo.” yan yung katwiran ni Gale sa amin bago sya mabad trip at layasan kami. Lahat kami nabigla parang ano yun. Sobrang labo nya. Lalo akong nagduda,tama si Ivan may tinatago sila sakin.
Bakit nagkaganito yung mga kaibigan ko? Bakit parang sobrang dami nilang nililihim sakin.
Nakasakay kami ni Cyrll sa elevator papunta sa kanya kanya naming unit.
“Sinong kasama ni Yuan?” basag ni Cy sa katahimikan namin
“Nandyan si Mama ngayon…nasa businesstrip kase si Papa.” Sabi ko. Ganun pa din yung mga mata nya. Parang wala na naman sya sa sarili nya.

“Ayos ka lang?” tanong ko.
“Yep…” sagot nya pero alam kong hindi.
“Kapag may one wish ako, gagamitin ko iyon sayo…” sabi ko at napatingin sya sakin at tinaasan nya ko ng kilay.
“Gusto kong malaman kung ano yung iniisip mo..” sabi ko.
Nakita ko napangiti sya saglit at kasabay nun yung pagbukas ng pintuan ng elevator. Bago pa ko makalabas ay hinila nya ko pabalik at pinindot nya yung pa-Penthouse.
Pagkarating namin doon,ganun na lang yung mangha ko. May mini garden at tanaw mo yung syudad. Nagsisisi tuloy ako sa alok ni Yuri dati.
“Kay Yuri yung pwesto na ‘to…” sabi ni Cy.
Naupo kami sa duyan na gawa sa ratan at nakatingin kami sa maraming ilaw ng syudad.
“Cy…ikwento mo naman yung lugar na pinuntahan mo.” Sabi ko
Napayuko sya at napangiti sya ng mapait.
“Nagpunta ako sa lugar na hindi ko alam yung tawag. May mga naging kaibigan din ako dun. Tinutulungan nila kong mag alaga ng mga rosas sa umaga pero nawawala sila sa gabi. Sana nga kahit si Yvie nandoon para kahit papaano nakilala nya yung mga nakilala ko dun.” Saad nya.
“Sa anim na taon yun yung ginawa mo?” takang tanong ko.
“Oo..nag alaga ako ng mga rosas. Hindi ko malubos maiisip bakit ganun yung pinag gagawa ko nun. Pero kagandahan ng ginawa ko di naghiwalay sina  Mommy.” Sagot nya.
“Hindi ka lumabas ng bansa…” sabi ko na nakatingin sa kanya.
Napatingin sya sakin na para bang wala lang.
“Yvie told me na sa abroad mo ginugol yung anim na taon mo…ano bang totoo?” dugtong ko. Sya at si Gale ang nagpapasakit ng ulo ko ngayon.
“May magbabago ba kapag nalaman mo?” tanong nya pabalik.
Hindi ko alam bakit ang sakit sakit ng tanong na iyan. Hindi ko alam kung saan kami na stuck up. Kung sa nakaraan ba o sa mga tinatago nila sakin ngayon.
“We need to move forward…Si Yuan ang isipin mo kailangan mo syang protektahan.” Saad nya at tumingin sya sakin. “Wag mo kong isipin dahil lagi lang ako nakamasid sayo.”
Paano nya magagawa iyon eh madalang sa isang beses sa isang linggo lang kami magkita?
“Di naman kita iniisip…” bulong ko at napatawa sya.
“Di iniisip….kaya pala sobrang curious ka kung saan ako nagpunta this past six years….Stalker ka noh?” nang aasar na tanong nya sakin.
“Hindi noh! At saka sa gusto ko lang malaman…para kaseng di na kita kilala.” Saad ko.
“Ako pa din to…yung dati na ako.” Saad nya.
“Kung ikaw yung dating ikaw bakit hindi mo ginawa yung bagay na ginagawa mo kapag nag aaway tayo?” tanong ko. Kung kailangan pilitin ko sya para lang sabihin nya sakin lahat gagawin ko. “Bakit hindi mo ko hinabol?”
“In that question, parang gusto mo pa kong bumalik sa buhay mo ah…” sabi nya parang nalulon ko yung dila ko at hindi ko maidepensa yung sarili ko.
“That time…Roian, I fall down when I’m on my way to you….hanggang sa hindi na kita nahabol. At kung hahabulin kita ngayon sobrang laking gap ng anim na taon para makabawi sayo. At walang kasiguraduhan sa kapasidad ko na hindi kita masaktan….ngayon nga sa tuwing nahahawakan kita feeling ko nababasag ka sa mga kamay ko. Kaya ang kaya ko lang gawin ay yung magmasid sayo at sa anak mo.”
Tumayo sya at nag inat.
“Okay that too much information baka hindi ka na makatulog  nyan….” Sabi nya.
“So,takot ka sakin?” pagkabawi ko sobrang nasasaktan talaga ko sa mga pinagsasabi nya.
“Takot?” natatawang tanong nya sakin. “Ikaw ang takot sakin…” sabi nya at tumingin sa mga mata ko. This is how she looked at me way back six years ago.
“Ibang takot ito Roian, sa tingin mo maaatim ko pang mabasag yung kulang na parte ng buhay ko?” at sa pagkakatitig nya sa mga mata ko at sa nararamdaman ko doon ko na realize na mahal na mahal ko pa din pero tama sya yung anim na taon na yun mahirap punan dahil puro yun puro sa pagkakamali namin na hindi na namin matama tama  umikot. Bakit masakit na marinig sa kanya na ako yung pirasong kulang sa buhay nya? Bakit nawala lahat sa amin? Bakit nya hinayaan na mangyare yun?
“I hate you..” bulong ko at duon na tumulo yung luha ko.
“I hate you for not telling me anything I want to know. I hate you for all dissapointment that you gave to me…I hate you…Ni hindi mo man lang pinakinggan yung part ko six years ago……Cy I really hate you sa lahat ng ginawa mo sakin at sa anak ko! I fvcking hate you…pero bakit ganon sa likod ng masasakit na ginawa mo sakin mahal pa din kita….”hindi ko na napigilan yung iyak ko at frustration ko sa kanya. Gusto kong malaman lahat lahat ng pinag gagawa nya bakit hindi sya nakasunod. At yung sulat na natanggap ko sa hospital na kinasusuklaman nya ko at yung anak ko. Gusto kong malaman kung sya ba talaga yung nagpadala non.
Pagkatingin ko sa mga mata nya nandoon yung panghihinayang, guilty at galit.
“Yung sulat…” hindi ko na naituloy yung sasabihin ko
“Hindi sakin yun…..nakaalis na ko nung dumating yung sulat sayo sabi ni Yvie.” Hinila nya ko patayo at yinakap nya ko at duon na ko lalong bumigay.
“Hahanapin ko yung taong gumawa ng lahat ng ito…at ibabalik ko sa kanya lahat ng ginawa nya sa atin.” Saad nya at doon ako nabigla. May ibang tao yung gumawa ng lahat ng ito para masaktan kami.

Yuri’s POV
Kasalukuyan kaming nasa mall ni Yvie dahil sinasamahan nya kong mamili ng gamit ko at may pinabibili din si Cy sakin.
“Shan dito!” kaway ni Yvie at pagtingin ko ganun na lang yung pagmumura ko sa isip ko.
Si Miss Fajardo na naman.
“Ah! Shan kilala mo naman sya di ba…” sabi ni Yvie ng makalapit si Shan sa harap namin.
“Oo..” plain na sabi nung Shan.
“Nagthank you ka ba dito kay Yuri nung hinatid ka nya?” at duon parang nanlaki yung mata nya kaya napaismid ako.
Mayamaya nagring yung phone ni Yvie kaya naiwan sa harap ko itong si Shan.
“Panaginip yun di ba?” kinakabahang tanong nya.
“Alin dun? Yung ‘I Love you’” walang ganang tanong ko.
“Yung k-kiss?” natatarantang tanong nya.
“Gosh! Akala mo panaginip yun? Well sad to say Miss Fajardo…” nakangising saad ko at napasapo sya ng noo nya at naiiling.
“Ako yung nahalikan mo at hindi si Yvie. Pinagpapantasyahan mo pala yung kaibigan mo?” nang aasar na tanong ko sa kanya.
Nagsalubong yung kilay nya. Pakaarte ng babaeng to..maganda sya pero hindi sya maganda sa paningin ko.
“Hindi pantasya tawag dun…” galit na saad nya.
“Okay sabi mo eh….” Nakaismid na sabi ko at naglakad na ko palapit kay Yvie. Hinawakan ko yung kamay ni Yvie at ngumiti ako kay Shannon at kitang kita ko yung galit sa mga mata nya. Hindi napansin ni Yvie iyon dahil may kausap pa din sya sa phone nya.
“Bitaw!” she mouthed to me.
And I mouthed back the word ‘NO’. Talagang ayoko sa babaeng to. Saksakan ng arte.
Hinding hindi ko ibibigay sa kanya yung bestfriend ko! Alisin nya muna yung kaartehan nya sa katawan bago nya makuha si Yvie sakin.

………
Kainis na trangkaso…
Salamat sa pagbabasa.
Vote and comment kayo guys.
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon