Truth

3.7K 169 5
                                    

Yuri's POV

"Bukas ko na lang sila papayagang makita ka..you need to rest Cy..." alam ko na hindi sya matutulog kaya gumawa na ko ng remedyo para makatulog sya.

Lumabas ako ng kwarto nya at dumeretso  sa office ko. Parang dinagukan ako sa dibdib ko.
Roian is crying. Walang magawa si Yvie at sinenyasan nya ko na ready na si Roian.

"Yuri...pwede ko na sya makita?" Pinipilit nyang tumahan sa pag iyak.

"Maybe tomorrow, she need to rest at mabuo yung tulog nya. She's shaking due of lack of sleep at sobrang stress..." sabi ko at napayuko sya.

"H-hindi ko man lang namalayan...." bulong nya. Pareho silang nasasaktan na hindi nila namamalayan. This is the right time para malaman na nya at para makapag desisyon na sya kung magstay sya sa tabi ni Cyrll.
Kung ano naman yung maging desisyon nya ay dapat tanggapin ni Cy....kailangan na nyang mag move on sa buhay nya na hindi nya ginawa 6years ago.

Roian's POV

Naguguluhan na ko sa nangyayare kay Cyrll. Yung sakit nya hindi ito yung sa epekto ng dengue lang eh.
Yung lack of sleep nya alam ko yun pero yung Stress nya...bakit hindi ko napansin? Naupo si Yuri.

"Wanna know the truth?" Parang suko na din si Yuri sa nangyayare.

"Pumayag na si Cy?" Takang tanong ni Yvie at tumango si Yuri.
Nanghihina ako.

"Kapag ba nalaman mo ng lahat mag stay ka pa din ba sa tabi nya?" Diretsang tanong sa akin ni Yuri.

"Oo." Walang alinlangan na sagot ko dahil mahal ko yung tao.

"Really? Sa tingin ko hindi mo kaya..." saad nya. Si Yvie napayuko.

"Hindi mo ako kilala Yuri...." hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng humirit ulit sya.

"I know you... a lot...this is not between the two of you...Yuan is also involve here.. decide until morning kung mananatili ka sa tabi nya. Isama mo si Yuan sa desisyon mo. This is really risky." Seryosong saad nya.

"Napagdesisyunan na namin na magsasama na kami kasama si Yuan...as a family no matter what...6years is enough... I'm badly want Cy to be in my life again..."

"Cyrll is mentally broke...she had mental breakdown since magkahiwalay kayo." walang gatol na saad ni Yuri.

My heart stop. My mind doesnt absorb the thing she said. Yung luha ko kusang naglandas.

"6years namin syang tinago sa lahat...hindi sya nakahabol sayo sa abroad dahil hindi kinaya ng isip nya lahat ng masasakit na pangyayare sa buhay nya. Sa Isang araw nagsabay sabay lahat ng masasamang pangyayare...Ikaw yung last outlet nya nung gabing iyon....tatanggapin sana nya lahat ng iyon basta kasama ka nya pero she found out you are pregnant. Bumigay ang isip nya. That was the first collapse....nakarecover sya and she decided to find you....she found you but not in good scene....she found you in your weeding day. Right before our eyes....she...she collapse again...No! that is shutdown, totally hindi namin sya nakausap, tumakas yung isip nya sa paraisong binuo ng isip nya. Everything fall apart for her.Ngayon lang sya nagising....Roian, kung hindi mo kayang panindigan si Cyrll....abusuhin mo yung pagkakataon na ito na tumakbo ka na palayo sa kanya....hindi sya nagmove on gaya ng ginawa mo...6 na taon ng buhay nya yung nasayang sa 'hospital'." Yung luha ni Yuri bumagsak na at pati si Yvie umiiyak na din.

It's my fucking fault! I'm madly hate myself! Yung luha ko di ko mapigilan na. Ang tanga ko!
Yung pakiramdam ko namanhid. Yung sobra yung sakit  pero parang namamanhid na yung dibdib ko sa nangyayare.

"Kung nagtataka ka kung bakit hanggang ngayon hindi pa din sya okay....ni isa sa mga nanakit sa kanya walang nag sorry....sya at sya lang yung nagsosorry. Nakalimutan ng lahat na hindi din nya ginusto ang lahat.At sa buong duration na ginagamot ko sya iisa ang bukang bibig nya, she need to back your life." nasasaktang saad ni Yuri. Si Yvie tumayo at lumabas ng silid.

Paano ba ko babawi sa kanya? Gusto kong saktan yung sarili ko dahil wala akong nagawa para sa kanya 6years ago. Tang ina! Ako yung kumuha ng buhay nya! Bakit hindi ako nag isip noon? Bakit nagpalamon ako sa sarili kong galit? Paulit ulit kong sinasabi ko sa sarili ko na mahal ko sya pero wala ako ni isang hakbang na ginawa para sa kanya! Pinaligan ko pa yung isang kapirasong papel na iyon kesa yung pakinggan sya ng personal.

"S-she's not capable to be a parent to Yuan because of her mental issue...." parang kinakapos na saad ni Yuri.

In that moment my heart really broke. Hindi pwede? Yuan want her for our family! Dalawang taong pinakamamahal ko ang masasaktan sa part na 'to. Dapat may gawin ako. Yung luha ko di na napagod sa pagragasa sa mga mata ko.

'Promise! Magpapagaling ako.' Biglang sumagi sa isip ko yung pangako ni Cyrll. Nabuhayan yung puso ko. Hindi sya nagbabali ng promises! Mahal din nya yung anak ko. Isa iyon sa pinanghahawakan ko...

"No! She promise me....magpapagaling sya para sa amin ni Yuan...I'll take the consequences...."pinipilit kong ngumiti pero yung luha ko dire-diretso. Sobrang sakit tang ina!

"Magsisimula kami ulit ni Cyrll....magsisimula kami ni Cyrll sa part na mahal na mahal namin yung isa't isa.Sabay namin aayusin yung mga buhay namin. Mahal ko sya gagawin ko ang lahat para makabangon sya.Hindi ko alam kung paano sisimulan at paano ko gagawin basta....alam ko mahal na mahal ko sya at gagawin ko ang lahat para umayos sya..." Saad ko.

This pain...magtutulungan kami ni Cy na burahin to. Tatabunan namin to ng pagmamahal. Walang hindi kayang gamutin ang pagmamahal.
Pinunasan ni Yuri ang luha nya at ngumiti sa akin.

"Isa lang yung maipagmamalaki ni Cy sa mundo....iyon ay mahal na mahal nya kayo ni Yuan.....You can see her...bantayan mo syang matulog." Nakangiting saad ni Yuri.

Kahit papaano gumaan yung puso ko. Malalapitan ko na sya ng walang sikreto. Ako yung dahilan ng pag guho nya kaya ako din ang tutulong na makabangon sya.

Ipaglalaban namin sya ni Yuan.

.........
Thanks for reading
Vote and comment kayo guys.
~dark19



Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon