EX

4.3K 177 3
                                    

Chapter 6
Roian’s POV
Ganito ba yung feeling habang kasama mo yung Ex mo na wala kayong proper closure? Ang hirap gumalaw. Ang hirap huminga. Yung gusto mo syang kamustahin pero ni isang salita wala kang kayang pakawalan.Yung ang dami nyo namang pinagsamahan pero yung isang pagkakamali lang yung pumaibabaw parang nawala ng lahat.
Dati kapag ganitong nasa long drive kami para magbakasyon ang saya namin. Nagkukukwentuhan kami, nagtatawanan,kumakanta ng sabay sa paborito naming kanta kahit out of tune pero feeling namin iyon na yong pinakamagandang concert na nangyare sa buong mundo.Dati kapag tumitingin sya sakin punung puno ng saya at buhay yung mga mata na para bang kaharap nya yung buhay nya. Ngayon isang nakakabinging katahimikan na yung namamagitan sa amin at ewan bakit yung katahimikan na to yung dumudurog sa puso ko sa anim na taon na nanahimik sya. Dapat masaya ako kase di nya ko ginulo. Dapat itong muling nagkita kami dapat parang magkaibigan kami. Kaswalan lang pero bakit ngayon parang nakakasakal kapag malapit kami sa isat isa?
Kung hindi kaya nangyare yun, masaya kaya kami ngayon?
Tatlong oras na kaming bumibyahe pero never akong dinalaw ng antok. Ni yung paligid na dinadaanan namin hindi ko na napansin.
Mayamaya pinarada nya yung sasakyan sa gilid ng daan at ng mapansin ko malapit kami sa tabing dagat.
“Baba muna tayo saglit..nangangalay lang yung mga binti ko.” Saad nya at bumaba sya.
Pagkaalis ko ng seatbelt sakin nagulat ako ng bukas na yung pintuan sa gawi ko at nakatayo lang doon si Cy at waring nagmamasid ng paligid. Pagkababa ko sya na nagsara ng pintuan ng sasakyan.
Naglakad sya papunta doon sa dalampasigan. Buti medyo makulilim yung panahon at hindi tirik ang araw.
Nakatingin sya sa dagat na wari mo bang ngayon na lang ulit sya nakakita nito. Naalala ko sabi ni Yvie ngayon lang din nakabalik si Cy,marahil walang dagat doon sa pinuntahan nya.
“Bakit parang wala lang sayo?” hindi ko na napigilan at alam ko na alam nya yung tinutukoy ko.
“Kung didibdibin ko ba may magbabago?” walang ni kahit na emosyon nyang sinabi yung. First bullet to my heart for this day. Roian ano ba lahat ng salitang lalabas sa bibig nya ngayon ang dahilan ng sakit sa puso at isip mo.
Humarap sya sakin. This time hindi ko na alam kung anong emosyon yung bumabalot sa mga mata nya.
“Yung pag uwi ko sa bahay natin yung pag asa ko nung mga panahon yon…pero gumuho.” Saad nya huminga sya ng malalim at heto naman yung mga mata nya nagblanko na naman kaya lalo akong naguluhan. Natatakot at bakit ganun,guilty..yan yung nararamdaman ko pero dapat ako yung maano kase kaming mag ina yung nadehado nya.
“You know how much it hurt…na wala akong kapasidad na bigyan ka ng anak. Kaya di kita masisi kase yun yung kulang sakin. “ saad nya.
Doon na tumulo yung luha ko. Through out ng pagsasama namin dati, ito yung doubt nya? Paulit ulit ko naman sinabi sa kanya na tanggap ko na hindi kami magkakaanak basta magkasama kami. Hindi ko naman kase ginusto yung nangyare sa amin ni Alvin. Hindi ko alam kase parang na set up lang kami ni Alvin. Argh! Gusto ko din kase maalala yung pangyayare bago kami magising ni Alvin sa iisang kama. Hindi ako nagsisisi dahil nasa akin si Yuan. Si Yuan lang yung hindi ko pinagsisisihan sa nangyare.
“If I can turn back the time, yung pagdating mo sa buhay ko yung itatama ko at hinding hindi na kita hahayaan na makapasok sa buhay ko baka sakali na hindi ko nararamdaman yung sumpang nararamdan ko ngayon.” Saad nya na sobrang lamig.
And that’s it! Durog na durog na naman yung puso ko na pinagaling ko ng anim na taon na halos segundo lang nyang dinurog. Bakit ang galing nyang manakit? Yung luha ko heto na naman. Di na ko nakarecover.

“Pero may isang bagay lang akong gustong mangyare baka sakaling mawala yung sumpang ito….” Saad nya at parang wala lang sa kanya na nasasaktan na ko at talagang bibigay na yung puso ko kapag humirit pa sya ng isa.

“Ibabalik ko yung buhay mo…” saad nya doon na ko nalito. “Ibabalik ko yung buhay mo na sinira ko.”
Kahit hindi ko alam kung paano nya gagawin yun at sobrang walang emosyon yung pagkakasabi nya noon ay may part ng isip ko at puso ko ang hinaplos nito at umasa dito.
Inaya na nya ko na umalis na daw kami. Sa main gate lang nya ko hinatid at bago bumaba…
“Don’t trust anyone regarding to your son.” Hindi sya tumitingin sakin. Hindi na ko nagtanong at bumaba na ko.
Umalis na sya pagkapasok ko sa may gate dahil sinalubong na ko guard namin.
Pagpasok ko ng mansyon nagulat ako ng makita ko si Gale na nakikipaglaro kay Yuan ng playstation.
“Yuan…” tawag ko sa anak ko at sobra ang gulat nya kaya napatawa ako pero di nakaligtas sa sulok ng mga mata ko yung pagkabigla ni Gale pero mabilis na wala iyon.
“Mommy!” patakbo syang pumunta sa akin at kaya lumuhod ako para magpantay kami hanggang sa yumakap sya sakin.
“Grabe namiss kita..”sabi ko habang yakap yakap ko sya.
“Ako din Mommy…” sabi ng anak ko na tuwang tuwa.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko kunwari dahil nakakapagtakang bakit nandito si Gale ng hindi ko alam.
“Naglalaro po kami ng street fighter ni Ninang Gale…” masayang sabi ng anak ko kaya napatingin ako kay Gale.
Nakangiti na sya sakin kaya I manage to smile back to her.
“Nasa kabilang bayan kase yung project namin kaya naisipan ko na dalawin si Yuan dito.” Saad nya.
“Sinong kasama mo?” tanong ko.
“Si Shannon pero nandun sya dahil nirerevise nya yung plano.” Sagot nito. Shannon is here too. Di man lang sila nagsabi or what.
“Bakit parang wala kang dalang sasakyan? Wala akong narinig na pumasok.” Takang tanong nya.
“Nagbiyahe lang ako..ang hirap pala.” Kunwaring sagot ko at inaayos ko yung buhok ng anak ko at pagkatapos ay binuhat ko sya at naupo kami sa sofa.
Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Biglang nalito ako sa kinilos ni Cyrll at talagang nag abala pa syang ihatid ako dito para magkita kaming mag ina at yung madatnan ko si Gale dito.
Muling nagsuot ng headset yung anak ko at nanuod naman ng youtube gamit yung phone ko. Doon ako nakakuha ng pagkakataon na magtanong kay Gale.
“Nung party…bakit nga ba kayo nagpandali ni Cyrll noon sa parking lot? “ tanong ko at parang nabigla sya saglit. Kilala ko si Gale hindi sya masasagad sa galit kung walang ginawa o sinabi si Cy sa kanya.
“Nag usap kami…” saad nya at ako naman yung nabigla sa pag iiba ng emosyon ni Gale.
“Ano naman yung napag usapan nyo?” tanong ko.
Napadekwatro sya ng binti at parang relax na relax yung katawan nya. Tumingin sya kay Yuan at ngumiti.
“I told her that I like you…” saad nya at doon ako parang mabingi.
She what?
……………………
Thanks for reading.
Vote and Comment kayo guys
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now