Hint

4.3K 168 2
                                    

Chapter 9
Roian’s POV
Ilang araw na simula ng mangyare yung kiss namin ni Cy. Para akong naengkanto kase ilang araw na kong balisa dahil doon. Namiss nya daw ako at ewan bakit ako naniwala. Yung emosyon na pinakita ng mga mata nya yun kase alam ko yun yung dating sya,
“Nakikinig ka ba?” sabi ni Carol at pinitik nya ko sa braso.
Napakunot ang noo ko sa kanya.
“O-oo naman.” Sabi ko
“O cge nga anong sinabi ko?” mahaderang tanong nya. Doon na ko napabuga ng hangin at umiling ako sa kanya.
“Anong problema mo?” tanong nya.
Dapat ko bang ikonsulta sa kanya to? Baka alaskahin nya ko.
“Promise di kita aasarin or what…sabihin mo na…” sabi nya.
“Promise?” tanong ko at tumango sya. Humugot ako ng malalim na hininga at nag ipon ako ng lakas ng loob.
“Hinalikan ako ni Cy sa office ko.” Dire-diretso at mabilis  kong sinabi .
Namilog yung mga singkit na mata ni Carol at nabitawan nya yung hawak nyang tinidor na gamit nya sa pagkain ng cake.
“S-saan ka nya hinalikan?” di makapaniwalang tanong nya. Grabe nakakahiya bakit ko ba sinasabi to sa kaibigan ko.
“Sa labi…” mahinang sabi ko kase alam ko pulang pula na yung mukha ko sa hiya.
“oh! My god! Nagkaayos na kayo?” usisa nya.
Umiling ako. “Parang wala syang balak na pag usapan namin yung nangyare…hindi nga nagsorry…parang wala lang…kaya naiinis ako sa sarili ko bakit ako nagpahalik sa kanya.” Nanghihinang sabi ko.
“Baka di pa sya ready…” saad ni Carol
“Sya pa yung hindi ready huh?” nakakahiya naman sa babaeng yun.
“Wala na ba syang sinabi sayo after?” tanong ulit ni Carol.
“Wala na…” sabi ko at napadukdok ako sa lamesa.
“Seryosong sagot huh? Anong naramdaman mo nung hinalikan ka nya?” tanong ni Carol.
Napatingin ako sa kaibigan ko at sobrang naguguluhan kase ako sa isip ko at sa damdamin ko.
“Carol…naramdaman ko dun sa halik nya na hindi nya kayang saktan ako. Naiinis ako sa sarili ko kase parang pinaniniwalaan ko iyon na dapat hindi…na dapat layuan ko sya kase kapag nagkaayos kami tapos mauulit ulit yung dati hindi lang ako yung masasaktan kundi pati si Yuan.” Sabi ko.
“Mahal mo pa din si Cy…mahal mo pa din yung taong muntik ng makapatay sayo…” saad ni Carol.
“Hindi ko lang alam kay Cy kung mahal ka pa din nya kase isipin mo sa loob ng anim na taon hindi man lang sya nag abalang sundan ka para magkaayos kayo. Kung tutuusin willing naman si Alvin mag give way sa inyo pero walang anino nya ang lumitaw. Tapos ngayong nakita natin sya wala man lang ni isang bakas ng pagmamahal sa mga mata nya nung nagkita kayo at yung kilos nya parang walang pake. Kahit kaibigan ko din sya parang alangan din ako kung may nararamdaman pa ba sya sayo…” sabi ni Carol at sobrang tumama sakin yun. Tama kase sya. Si Cy kase parang wala lang sa kanya lahat eh.
“Wag ka na lang kaya umasa friend? Alam mo yun iwas sakit…” sabi ni Carol.
Tama sya dapat siguro i-off limit ko yung sarili ko kay Cy. Magaling kase syang manakit ng damdamin ng tao. Talent na nya eh.
Nag aantay ako ng taxi para umuwi dahil nasa talyer ngayon yung kotse at ang malas ko lang parang uulan pa.
Lahat na ng kamalasan nasa akin na.
Mayamaya ay may humintong sasakyan sa harapan ko. Pagbaba ng driver…ganun na lang yung kabog ng dibdib ko…hindi ko maintindihan kung dahil ba sa takot o ano. Gusto na ayaw ko syang makita eh.
Lumapit sya sakin at hinawakan nya yung kamay ko at take note sobrang ingat nyang hinawakan yung kamay ko.
“Ihahatid na kita…” sabi nya at nakatitig na naman sya sa mga mata ko.
“Magkaiba ng way yung bahay natin…” sabi ko dahil ayokong umasa sa lahat ng ginagawa nya kase sobrang taksil ng puso ko pagdating sa kanya.
“It doesn’t matter…tara na.” sabi nya at kinuha na nya yung mga dala ko at pinagbuksan nya ko ng pintuan ng kotse nya sa harap.
Habang nagmamaneho sya di ko napigilang itanong sa kanya.
“Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito?” tanong ko.
“Para di ka matakot sakin kapag ako yung nasa paligid mo. Gusto ko kaseng patayin yung sarili ko nung mga panahon na halos humakbang ka palayo sakin dahil sa takot.” Seryosong sabi nya.
Natahimik ako. Gusto lang pala nya na mapalapit sakin at hanggang doon lang yun.
“Anong pinag gagawa mo this past 6years?” lakas loob kong tanong sa kanya kase ayaw magkwento ni Yvie sakin.
“Wala….nakahinto kase yung mundo ko ng mga panahon na yun…” sabi nya kaya lalo akong naguluhan.
“Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko.
“Tinanggap ko yung buhay ko na dalawang beses na huminto. Una nung umalis ka tapos yung ikalawa eh yung kinasal ka…lumayo akong mag isa and in that place I don’t feel pain…” sabi nya at heto na naman blangko na naman yung mga mata nya. Hindi ko na naman sya mabasa basa dahil sobrang galing nya magtago ng emosyon sa mga mata nya.
“Lalo akong nagsisisi dahil bakit kita hinintay nung mga panahon na yun….nagtapon lang pala ko ng panahon at oras…” saad ko at yung luha ko heto na naman. Sarili lang nya ang inisip nya that time wala syang pakialam sa mga taong sinaktan nya.
Ngayon di ko alam kung magsosorry ba sya matatanggap ko kase para talagang wala lang sa kanya.
Napahinto kami sa gilid ng daan at yung maririnig lang eh yung mahinang hikbi ko. Lalo akong nasaktan ng napatingin ako sa kanya. Walang buhay yung mga mata nya na para bang natutulog sya na mulat lang yung mga mata nya at parang di nya alam na tumutulo yung luha nya. Cy ano ba talaga yung nangyare sayo?
‘Bayad na si Cy sayo at higit pa.’  ito yung laging sinasabi ni Yvie sakin at ngayon eh naalala ko.
“Cyrll tell me anong nangyare?” tanong ko.
“Nothing.” Saad nya at muling nagmaneho. Alam kong meron nangyare sa kanya at sobrang iniiwasan nyang pag usapan namin.  Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula kay Cy dahil hiling ko din magkaayos kami kahit magkaibigan dahil iisang sikulasyon yung mga kaibigan namin at sobrang tali ng bawat mga pamilya namin kaya di kami pwedeng mag iwasan habang buhay.
Sobrang nababahala a ko kase parang di nya nararamdaman na tumutulo yung luha nya at parang pinipiga yung puso ko sa nangyayare sa kanya. Parang wala sya sa sarili nya kaya nung dumating kami sa bahay nag galit galitan pa ko para mapapayag ko syang pumasok sa bahay ko.
“Wag kang aalis..” saad ko at pinaupo ko sya sa salas. Mabilis akong nagbihis kase mamaya takasan nya ko at alam ko na hindi sya okay.
Inaya ko sya sa kusina at pinaupo ko sya sa upuan at nagsimula na kong maghanda ng mga sangkap na lulutuin ko. Nagulat ako ng kunin nya yung kutsilyo sa kamay ko at ewan nakaramdam ako ng kaunting takot sa kanya.
“Maupo ka…ako ng magluluto.” Sabi nya.
Tumalima ako at ako yung naupo habang pinapanuod ko syang magluto. Napangiti ako ng mapit dahil ganito kami dati, lagi nya kong pinagluluto kahit hating gabi na at antok na antok sya babangon sya para gawin yun para sakin. Bakit sobrang bilis magbago ng tao?
“Kamusta ka na?” tanong nya habang naghihiwa ng carrots.
Natigilan ako. Kase simula ng magkita kami ngayon lang nya ko kinamusta.
“Ayos lang…malungkot na masaya. Nung nawala si Alvin medyo nahirapan ako sa pag aalaga sa anak ko ng mag isa.” Saad ko at iniwasan ko na magtanong sa kanya kapag about sa past namin kase parang nawawala sya sarili nya.
“Nung kasal nyo ni Alvin…nanduon ako.” Saad nya at tumalikod sya para kumuha ng kawali. Nabigla ako. Feeling ko pinamigay na nya kong tuluyan kase nanduon naman pala sya bakit wala syang ginawa. Pinanuod lang nya na gawin ko yung bagay na hindi ko ibig ko. Sobrang willing naman ako na patawarin sya noon pero ngayon parang malabo dahil sobrang tayog ng pader na ginawa nya sa pagitan namin.
“I know what are you thinking…Alvin way better than me kaya hinayaan ko na makasal ka.” Saad nya at sinimulan na nya magluto.
“We cant be together again…sobrang magkaiba na ng pananaw natinat hindi na kita kilala…” sabi ko at may parte ng puso ko yung nasasaktan dahil doon.
“Tama ka,kahit ako wala na din akong tiwala sa sarili ko sobrang nag iingat ako na hindi kita masaktan ngayon kase gusto ko kahit sa part na maging kaibigan tayo maisalba ko saka…. Maraming sitwasyon sa mga buhay natin na hindi dapat tayo magkasama bilang tayo.” Saad nya at sa tono ng boses nya parang sobrang suko na sya.
Sa pag uusap namin parang ito na yung closure sa relasyon namin at na delay lang ng anim na taon.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko at naputol yun ng hainan nya ng pagkain yung table sa harap ko.
“Can we still be friends?” kaswal na tanong nya at nakatitig sa mga mata ko.
“Yeah! Ofcourse..saka di naman natin maiiwasan ang bawat isa..sobrang attache ng mga pamilya natin at mga kaibigan natin..” sabi ko. Is this the better idea? Sapilitang paglimot sa nakaraan namin kase ayoko din mahirapan yung mga kaibigan namin gawa naming dalawa.
Kumakain kami ng tahimik ng bigla syang nagsalita.
“Roian…” tawag nya sakin at nung napatingin ako sa kanya at nakatingin na pala sya sakin. At yung mga mata nya nababalot na ng pag sisisi.
“Roian…I’m Sorry…” saad nya at bakas sa boses nya yung pagsisisi. Hindi ko alam bakit nakukulangan ako? Yung pagsasabi nya ng sorry parang hindi buo.parang kulang.
‘Kase gusto mong malaman lahat yung nangyare sa kanya kaya ka nakukulangan.’ Saad ng kabilang isip ko.
After namin kumain hindi ko na hinayaan si Cy na magdrive pauwi sa bahay nila kase parang wala sya sa sarili nya. Taob pa nya yung lasing eh sa sobrang dami nyang iniisip na ni isa wala akong alam.
Sinabihan ko si Cy na kaKausapin  ko lang yung anak ko at sinabi ko sa kanya na matulog na sya sa kwarto at tumalima naman sya kase parang pagud na pagod sya.Mga kalahating oras after ko tawagan yung anak ko pagpasok ko sa kwarto…mahimbing yung tulog nya at doon ko malayang napagmasdan yung mukha nya. Mas lalo syang gumanda ngayon. Biglang may pumasok sa isip ko. Tinawagan ko yung kaklase namin nung high school.
“Hello…Ivan…Can you do me a favor? Please…bigyan mo ko ng record ni Cyrll kung saan sya nagpuntang bansa this past six years…at sana sa ating dalawa lang to..thank you.”
Kung ayaw nila ko bigyan ng hint pwes  ako ng gagawa ng paraan para malaman ko.
Cy ano bang talaga yung nangyare sayo?
…………
Vote and comment kayo guys
Thanks for Reading
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now