Hunter's Show

2.9K 123 9
                                    

Roian's POV

Napaluhod ako sa puntod ni Alvin pero kahit gawin ko ito ay kulang...galit na galit ako sa sarili ko! Umiiyak ako sa harap ng puntod nya at yung buong mundo ko sobrang nayanig. Ang sakit!

"Alvin....please isama mo na lang din ako! Bakit si Yuan lang yung sinama mo!" Sobra yung hinagpis ko. I lost my Yuan!

"Sorry! Sobrang pabaya ko.....kung galit pala sila sakin dapat ako na lang! Alvin dapat ako na lang...." yung hapdi ng puso ko halos lamunin nito ang buong sistema ko. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ganito kabigat yung hiningi nilang kapalit! Sana ako na lang!

"Hahanapin ko sya....hahanapin ko ang tao na dumukot sa anak natin.....lahat ng ginawa nila sa anak ko ibabalik ko sa kanya..." pinipilit kong wag ng tumulo yung luha ko.

"Yuan anak antayin mo lang si Mommy....bago sumunod si Mommy...I will make them suffer first...." buo na ang disisyon ko. Isasama ko sila sa suicide ko.

......

"Akala ko ba nakahold sa lahat ng paliparan sa bansa ang mukha ni Yuan....how come sa Budapest sya natagpuan?" Nagagalit ako. Sobrang poot ng nararamdaman ko at ni isa ang walang may kayang ibsan itong nararamdaman ko. Gusto ko silang murahin lahat sa katangahan nilang ito.

"Ma'am sinisiyasat na po namin yung departamento namin at yung sa paliparan dahil may pumayag na ipuslit yung anak nyo palabas ng bansa...may mga kasabwat po sila sa loob. Bigyan nyo pa po kami ng kaunting panahon para mahuli sila. May lead na kami at konting ebidensya pa po at iisue na po namin ang warrant of arrest." Paliwanag nung pulis sa akin.

Walang kalaban laban ang anak ko at bakit sya? Hindi ko kayang asikasuhin yung papeles ni Yuan....hindi ko kayang asikasuhin yung ganung papeles ng anak ko. Wala akong lakas na walang buhay nya yung aasikasuhin ko. Si Cyrll ang gumagawa ng paraan para maiuwi na ang anak ko ng Pilipinas.
Kung hindi nila magagawa...ako na mismo ang hahanap sa kanila. Sinamahan ko sila hanggang doon sa gate at ng tuluyan na silang nakaalis ay may humintong sasakyan sa harap ko.

"Sakay."

That was Hunter at walang alinlangan akong sumakay. Hindi ko alam kung saan nya ko dadalhin at wala din syang imik sa buong biyahe namin. Pumasok kami sa isang parang resort type na lugar. Nung huminto yung sasakyan ay sinenyasan nya kong bumaba.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"This is Garden.....ito yung lugar kung saan naconfine si Cyrll. Kami lang ang naging pasyente dito...sarado na din ito." Paliwanag nya at inanyayahan nya kong sumunod.

Nakarating kami sa gitna ng Garden at may maliit na lamesang bilog doon at apat na upuan. Yung paligid napapalibutan ng magagandang rosas. Sa di kalayuan ay  may resthouse. Hindi sya mukhang hospital. Parang exclusive resort ang itsura nya.

"Lahat ng rose na nakatanim dito si Cy ang nagtanim nung wala sya sa sarili. Anim na taon na paulit ulit yun lang ginagawa nya." Kwento ni Hunter.

"Ikaw?" Tanong ko at sinabihan nya kong maupo kaya tumalima ako.

"Hindi naman talaga ako baliw....gusto lang ng kapatid ko na masolo nya yung yaman ng pamilya namin. Kaya nagpanggap ako kaysa mapatay ng kapatid ko....Sinasakyan ko lang si Yuri." Kwento nya habang natatawa.

"Pinagtangkaan kang patayin ng kapatid mo?" Hindi ako makapaniwala.

"Oo...kaya ang totoong pasyente dito ay si Cyrll lang.....Habang nandito sya ang nagbabantay sa kanya ay yung darkhorse... alam nyang lahat lahat kagaya ko kapag patungkol kay Cyrll." Saad nya.

"Si Yvie?" Tanong ko at napatango sya.
"Maraming nangyare sa lugar na ito...at maraming plano ang nabuo dito kung paano makakawala yung Demonyo  sa hawlang ito at makakabalik sa mundo na para bang walang nangyare...." kwento ni Hunter at kinakabahan ako sa bawat salitang lumalabas sa kanya.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now