Perception

3.5K 156 13
                                    

Yuri's POV

Nang maging stable na si Cyrll ay nagpa assist na ko sa management ng hospital na pinagdalhan sa kanya upang mailipat na ito sa hospital namin kaya after lunch ay nadala na sya sa amin.

Si Jacq ang nagdoble check sa mga sugat ni Cy. Galos sa noo at ilang bahagi ng magkabilang braso nya ang may sugat din at pilay yung kanang kamay ni Cy dahil sa aksidente.

"Hindi kumagat yung brake..." saad nya. Nagtaka ako eh bagong bili nya yung sasakyan nya.

"Papacheck ko yung cctv sa basement ng Condominium....bagong bili yung kotse mo imposibleng masira agad yung preno nun." Saad ko.

"Recently, nakakatanggap ako ng iba't ibang sulat...they want me to die..." walang emosyong saad nya.

Mayamaya ay bumukas yung pintuan at niluwa noon ay si Hunter. Naupo sya, nagpapasalamat din ako kase hindi rin ito inaatake kase ako ang mauutas ng maaga mas mahirap kontrolin 'tong si Hunter.

"Ayaw nila atang makapasok ulit ako sa Tower..." sabi ni Cy tukoy sa kumpanya nila.

"Hawak ko na yung taong sumira ng preno mo...." sabi ni Hunter at napatingin kami sa kanya. Wala na namang kabuhay buhay yung mga mata nya.

Napalunok ako.
"Hunter wag mong sasaktan..." saad ko at ngumisi lang sya.

"Paaminin mo..." pagtingin ko kay Cy sya naman yung parang nawala sa sarili.

"Yes! That's the signal..." tumayo si Hunter na parang giliw na giliw. At lumabas ng kwarto.

"Ang sakit sa ulo ng mga pasyente mo..." nakasimangot na saad ni Jacq bago lumabas din ng silid ni Cy.

"Alam ko si Gale ang may kagagawan nito...She's my friend...she want me bloody kneeled to her feet...Gale is a sister to me...how come she want me to be like this..."saad ni Cy.

Nasasaktan sya. Pinakamahirap talagang kaaway ang pinakamatalik mong kaibigan.

"Hangga't maaari gumawa ka ng paraan para maibalik sya sa dati...." saad ko dahil hindi mararapat sa dahas daanin lahat.

"Ayoko na din yung manakit...tama na yung nangyare anim na taon na ang nakakaraan..." saad nya.

"Hindi ka gagaling kung puro galit yung nasa puso mo....ang kailangan nating gawin ay alamin kung bakit nag kaganun si Gale...." sabi ko.
Yun ang umiral sa pagkakaibigan nila. Galit na hindi nila alam kung paano nagsimula.

Roian's POV

Hindi ko na maintindihan yung pinagsasabi ng pamilya ko sakin ngayon dahil lumilipad ang isip ko sa sitwasyon ni Cy. Gusto ko na syang makita. Hindi mapanatag yung loob ko although sabi ni Yuri sakin na galos lang ang nakuha ni Cy sa aksidente.

"Anak...kailangan ka namin ng ate mo sa negosyo natin." Yun lang yung naintindihan ko.

"Kelan ba yung kasal nina Ate?" Tanong ko. Ikakasal kase yung stepsister ko at yung kuya ni Cy para sa merge ng isang kumpanya nila na under kay Kuya Jayson.

"Next month na..." saad ng nanay ko.
"Pakisabi kay Ate na baka sa mismong kasal na lang kami makapunta....may inaasikaso kase ako..." sabi ko.

"May problema ba anak?"
"Wala po, Ma." Sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

Hindi ko nga alam kung makakabalik pa ko sa kumpanya namin gayong ang laki ng problema ko sa pamilya ni Alvin. Kung alam ko lang na magkakaganito dapat pala di na lang ako nagpakasal. Lumabas yung mga ugali nila nung nawala yung tatay ni Yuan.

Pagkatapos kong makipag usap kay Mama ay dinaanan ako ni Yvie para sabay na kaming pupunta ng hospital.

"They knew...balak nilang kunin yung custody ni Yuan sayo...." saad ni Yvie habang nagmamaneho.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now