Art of Betrayal

3.4K 150 4
                                    

Yuri's POV

Simula ng iwan nya ko halos patayin ko na yung sarili ko sa trabaho at magmamadaling araw na ko uuwi ng condo at kung mamalasin hindi pa ko dinadapuan ng antok. Naaalala ko kase sya sa bawat sulok ng unit ko. Yung mga gamit nya...hindi ko magawang alisin. Wala pa kase akong lakas ng loob na galawin iyon.

Hindi ko alam kung bakit sa likod ng ginawa nya sakin ay hindi ko magawang magalit....nakakainis! Sobrang mahal ko talaga sya. Kahit minsan naiiyak ako sa pag iisip ko sa kanya hindi parin tumutubo yung galit sa puso at isip ko. Si Shann kase yung pinakamagandang nangayre sakin. Ang kailangan ko lang gawin ay mapagod sa pag aantay sa pagbabalik nya...

Napatingin ako sa wallclock ng opisina ko. 12:43 am na pala...hindi pa ko kumakain. Saktong papatayo na ko ng tumunog ang pager sa buong hospital. Lahat kaming duktor ay na-page para magmadaling magpunta sa emergency area ng hospital.

Yung mga nurses katulad namin ay maagap na nagpunta doon. Parang bumigat ang puso ko ng natanaw ko ang ipinasok na pasyente sa emergency entrance.

Parang nabibingi ako at bumagal yung paghinga ko. Naunang dumalo si Jacque sa ipinasok na pasyente. Wala itong malay, namumutla ang labi at sobrang daming dugo ng damit nito. Tinamaan sya ng bala ng baril.

"Yuri...ako ng bahala sa kanya...." wala akong nagawa ng lumagpas na sila sa akin.

Pumasok sina Yvie na may mga galos din. Si Cyrll naman ay inasikaso na ng isang duktor dahil may sugat ito na malalim sa tagliran ganoon din si Gale. Sina Yvie at Carol ay inaasikaso na ng mga nurse dahil mga galos lang ang tinamo nila.

Lumapit ako kay Roian habang yakap yakap nya si Yuan na natutulog sa kandungan nya. Napatingin ako sa mga mata nya dahil parang hindi pa nya ko namamalayan sa harap nya. My Ghad! Nasa traumatic state sya ngayon. May hiwa sya sa gilid ng sentido nya malapit sa isang scars at sa may bandang leeg. At may ilan din syang galos.

"Roian...." mahinahong tawag ko at ipinatong ko yung kaliwang kamay ko sa balikat nya. Lumingon ako kay Cyrll na hindi iniinda ang paglilinis sa kanyang sugat dahil nakatingin lang sya kay Roian. Sobra ang pag aalala nya sa girlfriend nya.

Tumikhim ako at hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya at sinalubong ko titig nya sa kawalan. At parang doon sya natauhan. I manage to smile at her.

"Gamutin natin yang sugat mo sa office..." parang pagod na pagod syang tumango kaya ang ginawa ko kinarga ko si Yuan at hinila ko sya papasok sa opisina ko.

Inihiga ko si Yuan sa sofa at sinigurado kong hindi sya malalaglag. Walang maramdaman si Roian habang ginagamot ko yung sugat nya at kay lalim na naman ng iniisip nya.

"Roian.." tawag ko at parang nagulat pa sya...napatitig sya sakin at parang nag aamba syang maiyak.

"Yuri....why pain is still here?" Pumiyok na yung boses nya at tumulo na yung luha sa gilid ng isang mata nya. Masama ito! She need to release it bago sya magbreakdown.

Hinawakan ko yung mga kamay nya at marahan kong pinisil iyon.

"You can trust me....tell me everything para kahit papaano mabawasan yang bigat sa puso mo..." saad ko. Napayuko sya at mayamaya ay umaalog na yung balikat nya dahil umiyak na syang tuluyan.

"That night....it change my life....nagkasakitan kami ni Cyrll at nawala sya sakin at nasira yung buhay namin....I thought that was the worst.....mas masakit pa pala yung pinagtulungan ka nilang paglihiman at tinago nila sakin ng anim na taon....Yuri......nandidiri ako sa sarili ko! Nandidiri ako dahil narape ako! Nagagalit ako dahil pinakasalan ko sya! Hinayaan ako ng mga kaibigan ko ng magpakasal ako! Tang ina! Nandoon silang lahat pero wala silang ginawa ni isa para matigil iyon.." ngayon ay humahagulgol na sya kaya yinakap ko sya.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon