FEAR

4.6K 188 6
                                    

Chapter 3

Roian’s POV
Simula nun hindi na maalis lahat sa isip ko yung sinabi ni Yvie sakin. Sa paanong paraan binayaran ni Cy yung mga kasalanan nya sakin?
“It doesn’t matter anymore Roian….may sarili ka ng buhay kasama ang anak mo.” Out of nowhere na sabi ni Gale at inabot nya sakin yung isang basong alak at tumingin kami sa ibaba dahil busy lahat ng kaklase namin party. Sina Shannon busy sa kakasayaw kasama yung iba naming kaklase. Si Yvie wala pa din. Napaka anong babae.

“Hindi ko na alam kung ano yung gusto ko…” saad ko
“You want to see Cy in pain…katulad ng nangyare sayo past six years.” Saad ni Gale kaya napahinto ako at napatingin sa kanya. Yun ba yung kulang sa pakiramdam ko? Yung makaganti ako?

“Dapat talaga sa ibang bansa na lang kami ng anak ko eh…doon hindi ko gaano naiisip to. “ at inubos ko yung alak sa baso ko.

“Ikaw yung ginawan ng masama pero ikaw yung magtatago sa ibang bansa?” sabi ni Gale at pinagsalin ulit ako ng alak.
“Gusto ko ng matahimik na buhay kasama ang anak ko…sa gabi minsan pumapasok sa panaginip ko yung gabing yun..” saad ko at ewan bakit parang nawalan ng lasa yung alak sa baso ko at muli ko itong naubos.
“Harapin mo yung takot mo. Hindi magandang takbo ka lang ng takbo….”
Mayamaya ay nagring yung phone ni Gale kaya naiwan ulit ako dito sa balkunahe ng resort.
Mayamaya parang huminto yung puso ko ng maamoy ko yung pamilyar na pabango. Parang di ako makahinga ng maramdaman ko na nakatayo lang ito sa likod ko. Napakuyom ako ng kamao ko dahil nahihirapan akong huminga. Yung epekto ng alak sakin kani kanina lang parang nawala.
“Roian, ayos ka lang ba?”
Pagharap ko si Yvie. Nakahinga ako ng maluwag at hinampas ko sya sa braso.
“The heck! Yvie..” inis na sabi ko kay Yvie at napatawa lang sya.
“Ano bang ginawa ko?” natatawang sabi nya at kumuha ng baso ng alak at nagsalin.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong ko at inabutan nya ko ng alak. Arrgh! Ang dami ko ng nainom.
“May hinatid lang ako..” saad nya at tumingin din sya sa ibaba at ng makita sya ni Shannon ay kumaway ito sa kanya at tinaas nya yung basong hawak nya.
“Sino?” tanong ko kase gusto kong malaman baka kasama nya si Cy.
“Sinundo ko si Yuri at hinatid sya sa bahay nya malapit lang dito….tulog kase si Cy hindi na namin inistorbo.” Kwento nya at tumungga ng alak.
Parang sobrang close nilang tatlo.
“Yvie anong nangyare kay Cyrll after nung sa amin?” ewan marahil sa alak na ininom ko kaya ang lakas ng loob ko na magtanong sa kanya.
Seryoso syang tumingin sa akin.
“Nothing.” Plain na sagot nya.
“Paano syang nakabayad sakin? Sa lahat ng ginawa nya paano sya nakabayad?” tanong ko.
“You really want to know?” tanong nya at napatango ako.
Napangiti sya at napailing.
“Ask her…sya ang dapat magkwento sayo kase never akong nakapunta sa lugar na pinuntahan nya…” saad ni Yvie.
“Saan ba sya nagpunta?” frustrated kong tanong.
“Saan ba nagpupunta yung taong gustong tumakas? “ mapaglarong tanong ni Yvie at talagang naiinis ako.
“If you want to give her pain just give it to her….mapapagod lang kayo gumanti kase paulit ulit lang syang tatakas. Isa lang yung gusto kong ibigay mo sa kanya para matahimik tayong lahat….” Lumapit sakin si Yvie at hinawakan nya ko sa balikat at parang buong puso syang tumingin sakin dahil parang sya yung hirap na hirap para kay Cy.
“Give back her life…” saad nya pero bago pa ko makapag react eh humahangos si Carol papalapit sa amin.
“Roian si Gale…sa parking lot….” Hindi matapos tapos ni Carol yung sasabihin nya.
“Anong problema?”nag aalalang tanong ni Yvie.
“Si Gale…at Cyrll…” hindi pa natatapos ni Carol yung sasabihin nya ng tumakbo na papalayo si Yvie.
Yung ragasa ng dibdib ko hindi ko mapigilan kase nasa iisang lugar lang kami ni Cy. Wala akong marinig ni kahit na ano sa paligid ko dahil naiisip ko nasa malapit lang si Cy.
Pagdating namin sa parking lot ang naririnig ko lang eh yung boses ni Gale na nagmumura at kagustuhan nyang mapatay yung taong nakaaway nya. Nakapagitna na si Yvie sa dalawa.
Pagtingin ko kay Cy bigla akong natakot dahil iyan yung mga mata nya nung gabing iyon. Malalim at walang kabuhay buhay. May tumutulong dugo sa gilid ng mukha nya. Mas lalo syang gumada kahit nasa ganito syang sitwasyon.
“Lumaban ka!” hiyaw ni Gale at pilit kumakawala kina Shannon.
“Stop it Gale!” awat ni Yvie.
Si Cy ganun pa din wala syang emosyong tumingin kay Gale na nagwawala sa galit.
“Kapag nilabanan ba kita kakayanin mo?” sobrang lamig ng boses ni Cyrll at walang bakas na natatakot sya. Yung awra nya parang walang kabuhay buhay at nakakatakot.
“Oo at talagang lulumpuhin kita!” sigaw ni Gale.
Pinamulsa ni Cy yung dalawang kamay nya at parang bagot na bagot tumingin kay Gale. Mayamaya ay nagbaling yung mga mata nya sakin. Napasinghap ako dahil ito yun..itong ito yung mga mata nya nung gabi na muntik na nya kong mapatay. Halo halo yung nararamdaman ko sa mga oras na ito at parang nanlalamig yung sikmura ko sa takot.
Naglalakad papalapit sakin si Cy at halos lamunin ang puso ko ng kaba. At kita ko kung gaano nagwawala si Gale sa gilid. Parang wala lang kay Cy yung buong paligid nya. Mayamaya napahinto sya ng may tumawag sa pangalan nya.
“Cyrll…” mahinahon yung boses nung babae.
Napalingon sya at saglit na parang natauhan sya at pumihit sya naglakad papunta doon sa babae.
Habang naglalakad sya papunta doon sa babae at palayo sakin hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Maiinit sa dibdib at parang nahihirapan akong huminga.
“Uwi na tayo…” hinawakan nito yung magkabilang pisngi ni Cy.  Tumango si Cy bilang pagsang ayon.
Lumingon yung babae kay Yvie.
“Yvie sorry…” saad nito.
“Ayos lang…iuwi mo na sya Yuri…” saad ni Yvie.
They walk across the street kase mukhang doon yung condo unit ni Yuri. She’s a fine woman I guess..sa boses at haplos nya napapasunod nya yung matigas na ulo na si Cy.
“Bakit parang pinagtatanggol mo yung gagong yun!?” sigaw ni Gale kay Yvie.
“You should stop…this is nonsense! Hindi ka nilabanan nung tao ano ka ba?!” saad ni Yvie
“Hindi mo ba alam yung pinagdaanan ni Roian sa taong yun?!” galit na galit na saad ni Gale.
“At ni isa sa inyo may alam ba kayo sa pinagdaan nung tao?” sigaw ni Yvie lahat kami napatigil.
“Wala ni isa di ba?” parang pagod na pagod na saad ni Yvie
“Ano bang pinagdaanan nya?” walang ganang tanong ko. Napatingjn sakin si Yvie at parang pinipigilan yung sarili nya.
“Patayin nyo na lang si Cy ng matapos na…putang ina!” kita ko sa mga mata ni Yvie yung nahihirapan na din at tumulo na yung luha nya at nagwalk out sa harap namin.
Hinabol ko si Yvie at humarang ako sa pintuan ng kotse.
“Sabihin mo sakin lahat…” saad ko at nagpunas sya ng luha.
“Bigyan nyo pa ng kaunting oras yung kaibigan ko para maibigay nya yung part nya sa inyo…ngayon lang sya nakabalik…” sabi nya at pilit akong inaalis sa pagkakaharang ko sa pintuan ng sasakyan nya.
“Paano ko ba papatawarin yang kaibigan mo? Buhay ko at buhay ng anak ko yung muntik na nyang kunin…sobrang simple lang ba non? Hindi ba unfair sa part ko ng ginawa nya na ni kahit na isang dispensa wala syang sinabi o ginawa?” saad ko kase parang limot na ni Yvie lahat.
“Hindi magagawa ni Cy lahat ng iyon kung wala ka ding ginawa? “ sigaw nya at doon nasampal ko sya at napatawa sya.
“Alam ko na balak mong gantihan si Cy…that’s better…just fucking kill her baka matahimik ka.” Walang ganang sabi nya.
“Durugin mo yung tao pero wag na wag kang titingin sa mga mata nya habang gumaganti ka…it just you might fall in love with her all over again…that’s not good idea of revenge.” Nakangising saad ni Yvie.
Fall in love with the person that almost killed you? That never happened!
………………
Vote and Comment kayo guys.
Thanks for reading
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now