Like

4.1K 148 2
                                    

Chapter  15
Roian’s POV
Nagluluto ako ng breakfast at hindi ko na muna ginising si Cy para makabawi sya ng lakas.
‘Magic Moment…’
Napangiti ako. Gumagawa sya ng paraan para maayos kami.
‘For the second time around, ready ka ba na masaktan ulit sa taong nanakit sayo? Don’t forget Roian you have Yuan. Dalawa kayong masasaktan.’
Yan yung sigaw ng kabilang isip ko.
Napailing ako. As far wala pa naman syang ginagawa sakin at sa anak ko ng masama.
“Nandito ka Tita Cy…” boses ng anak ko galing sa kwartong tinulugan namin ni Cyrll.
“You should go out little monkey…mahahawa ka sakin…” sagot ni Cy.
Pinuntahan ko sila at nakita ko yung anak ko kinukulit nya si Cy at tuwang tuwa sya na nandito si Cy.
“You promise we will watch movie… a date with Mom.” Sabi ng anak ko habang yakap yakap  nya si Cy na nakatalukbong ng kumot.
“Really? Did I said that?” takang tanong ni Cyrll.
Napatawa yung anak ko.
“I was the one that set that date..but you said yes.” Sabi ng anak ko kaya napailing ako. Napakapilyo talaga ng anak ko.
Lumapit ako at naupo ako sa kama. Kinuha ko yung anak ko at yinakap ko sya.
“Nak..ang aga aga ang kulit kulit mo…nagpapahinga si Tita mo para gumaling sya.” Sabi ko at hinalikan ko sya sa pisngi.
Napa upo sa kama si Cy at nakatingin samin.
“Mana sya sayo…ang galing mang blackmail.”  Saad ni Cy.
Mayamaya lumipat ng yakap yung anak ko kay Cy nagpumiglas kase sya kaya wala akong nagawa nung nakatawid sya ng yakap kay Cy.
Tuwang tuwa yung anak ko sa pangungulit kay Cy.
“Tita, huh? Lalabas tayo nina Mommy…Kahit hindi mo na ko paglaruin ng games sa unit mo…” sabi ng anak ko at doon ako nagulat.
“Nagpupunta sya sa unit mo?” tanong ko kay Cy at parang natense yung anak ko kaya pilit nyang tinatakpan yung bibig ni Cy.
Natatawa si Cy sa ginagawa ni Yuan.
“Mark Yuan! Isa…” banta ko
“Mommy…” natatawang paninimula ng anak ko.
“Roian…” isa pa itong si Cy parang pagtatakpan pa nya yung kalokohan ng anak ko.
“Cy bakit hinayaan mo itong si Yuan na invade yung unit mo?” pagalit ko kay Cy.
“Hindi na ibang tao si Yuan, anak mo sya kaya pwede naman sya sa unit ko.Relax Roain hindi sya nanggugulo sa akin.” Saad ni Cy at medyo hindi ako kumbinsido dahil kabisado ko yung anak ko. Sobrang lakas nya makabasag ng mga display ni Mama sa mansion.
“Yuan why are you laughing? Anong nabasag mo sa unit ng Tita mo?” tanong ko kay Yuan.
“Promise Mommy isa lang yun…” paninimula ni Yuan kaya lalo akong nahilo sa batang to at napatawa si Cy sakin.
“Cy!” kita nagtatakpanan silang dalawa sa harap ko.
“It just a painting Roian.kalma lang.” saad ni Cy at nagtawanan silang dalawa.
“Hindi sya basta painting Cy! Naninira na ng gamit yung anak ko sa lugar mo…” naiinis talaga ako sa babaeng to bakit hinahayaan nyang magkulit doon yung anak ko nakakahiya.
“Wala namang problema yun Roian…” sagot nya at nagtanguan sila ni Yuan. Napaka talaga.
Mayamaya ay may kumatok sa hamba ng pintuan at napatingin kaming tatlo…si Mama na sobra ang ngiti sa amin.
“Kain na tayo…kamusta pakiramdam mo Cyrll?” tanong ni Mama.
“Medyo okay na po ako,Mama.” Sagot ni Cy at nakangiti sya sa nanay ko.
“Bakit Mama tawag mo kay Lola Mama huh tita Cy?” takang tanong ni Yuan at palipat lipat yung tingin nya sa amin.
“Eh..anak ko din sya…busy lang sya sa work kaya di sya nakakadalaw sa atin..” sagot ni Mama.
“So…you are both sisters?” tanong ni Yuan sa amin ni Cy. Napatawa si Cy.
“Hindi anak…kapag big boy ka na saka ko na lang papaliwanag. Sa ngayon kakain muna tayo ng breakfast…” sabi ko at yinakag ni Mama si Yuan na mauna na sa dining.

“Sorry dun sa kalokohan ng anak ko…” sabi ko kay Cy.
“Wala yun….We should watch movie in cinema…para di mabroken hearted si Yuan…” saad nya at napataas yung kilay ko.
“Para-paraan lang Cy?” sabi ko at hinila ko na sya patayo para kumain na kami kase parang okay na sya.
“No. It just your son like me..” mayabang na sabi nya.
“Paano ka di magugustuhan ng batang yun dahil hinahayaan mo syang halughugin yung unit mo at personal na guluhin ka.” Sabi ko at ng makatayo sya tinuro ko yung CR.
“Hindi ko sya kayang pigilan para syang ikaw..gagawa ng paraan sa lahat ng magustuhan. Pareho kayong matigas ang ulo.” Natatawang sabi nya bago pumasok sa CR. Muling bumukas yung pintuan at nakangiti.
“Saka di mahirap mahalin si Yuan dahil galing sya sayo….”
And that momment, hindi ko mapigilang hindi mapangiti…arghhh! Kinikilig ako!
……………
Mark Jayson’s POV
Nakasunod ako kay Mommy papuntang board room,
“Nagkita na ba ulit kayo ng kapatid mo?” tanong ni Mommy sakin.
“Nung isang araw po, alam nyo po ba nagkita na si Cy at Roian?” tanong ko kay Mommy.
“Oo..pero hindi ko pa nakakausap si Roian. Ikaw ang aasahan ko na magpoprotekta kay Cy…hindi ko na kakayanin kung bibigay ulit yung kapatid mo.” Sabi ni Mommy.
“Makakaasa po kayo ako na pong bahala sa kanya.” Hindi talaga ako papayag na masaktan si Cy.
Mayamaya ay nakasalubong namin si Mrs . Reigh, yung Nanay ni Gale. Hindi ko alam bakit hindi ko magustuhan yung ngiti nya sa tuwing nakakasalamuha namin sya.

Napahinto si Mommy at kaswal na binati nya si Mrs. Reigh. Ngumiti sya sa nanay ko pero hindi sagad sa mga mata nya.
“Sobrang nakakalungkot bakit umurong ka sa deal Olivia.” Saad ni Mrs. Reigh
“Ayaw ng Cyrll ko kaya sinunod ko lang…” sagot ni Mommy.
Parang di sya makapaniwala sa tinuran ni Mommy.
“How come na dapat si Cy ang magdesisyon eh si Mark Jayson ang Presidente…” takang turan ni Mrs. Reigh.

“Sumang ayon din si Mark ukol dito…besides hindi sila tauhan sa kumpanya dahil anak sila ng may ari kaya ang bawat desisyon eh mabubuo sa amin mag anak.” Paliwanag ni Mommy.

Biglang change topic yung nanay ni Gale bago ito nagpaalam  na aalis na.
“Hindi ko alam kung kakayanin ni Cy kung malalaman nya na yung nanay ng kaibigan nya ang kabit ng tatay nyo.”
Napalunok ako ng marinig ko ito. Wala pa ding alam si Cy na hindi pa maayos yung pamilya namin at hawak lang ni Mommy si Daddy sa leeg kaya hindi ito makagawa ng mga bagay na against sa amin.
Sila ang isa sa dahilan kung bakit bumigay yung isip ng kapatid ko.
“Hindi ko hahayaan na may gawin ulit sila Mommy sa pamilya natin at lalo na kay Cy…” saad ko at ngumiti sya sakin at hinawakan ni Mommy yung pisngi ko.
…………
Gale’s POV
“Ayokong madamay ka…” plain na sabi ko kay Yvie.
“Handa kang manakit ng kaibigan mo dahil sa mga bagay na pinaglalaban mo na ni isa walang makaintindi?” tanong nya sakin at medyo inis na sya sakin.
“Hindi na sya yung Cyrll na kaibigan ko…” hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng sumingit ulit sya.
“at hindi na rin ikaw yung Gale na kaibigan namin…pwede mong mahalin si Roian na hindi ka mananakit ng ni isa sa amin na kaibigan mo…hindi mo lang kami kaibigan Gale…para na tayong magkakapatid…” hinanakit ni Yvie sakin. Kahit ganito ako sila yung hindi ko kayang saktan pero mapipilitan ako kung ganito sila.

“Sorry Yvie…Sa lahat ng tao…si Cyrll yung hindi ko kayang mapatawad. Marami syang inagaw sa amin.” Saad ko at bakas sa mukha ng kaibigan ko yung dismaya at wala na kong magagawa doon.
Dudurugin ko si Cyrll hanggang sa makuha ko ang lahat sa kanya.
……………….
Thanks for Reading
Vote and Comment guys.
~dark19



Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now