Sense

4.1K 194 7
                                    

Chapter 8
Roian’s POV
Nakatayo sina Yuri, Yvie at Cyrll nang tawagin ko sila. Pagbaling ng mgs mata nila sakin si Yuri parang nagnining ning yung mga mata nya habang nakangiti sakin. Si Yvie yung lumapit sakin at yinakap ako tapos si Yuri nakipagbeso sakin. Si Cy ayun kiber pero parang iba yung mga mata nya ngayon.
Ayokong mag assume pero parang ang lagkit nyang tumingin sakin kaya parang nailan ako..nakita ko na napangisi siya. Nagsalubong yung kilay ko sa kahayupang kinikilos nya.
“Upo kayo…” sabi ko at tinuro ko yung isang bakanteng table.
Naupo si Yuri sa may malapit sa salamin at katapatan nya si Yvie. Si Cy naman naupo na sa tabi ni Yvie kaya no choice ako kundi sa tabi ako ni Yuri.

Great! Yung kabog ng dibdib ko sagad.
“You look tense…” sabi ni Yuri. Si Yvie busy sa pagtingin sa menu tapos si Cy arggh! Ganun pa din ang landi landi nyang tumingin tapos itong dalawa parang hindi nila napapansin.
Parang may bara sa lalaluman ko dahil sa lintik na babae sa harapan ko.
“Ayos lang ako…anong gusto nyong kainin?”tanong ko.
Napangiti lang si Yuri na para bang hindi sya kombinsido.
“Yvie sa tingin mo?” tanong ni Yuri kay Yvie na hindi makapagdecide.
“Parang ang sasarap lahat…Owner’s choice na lang.” sabi ni Yvie.
“Best idea. Ikaw Cy?” tanong ni Yuri sa katapat ko.
Napangisi ito at talagang ang landi ng mga mata nya habang nakatingin sakin.
“How about the owner alone…” saad nito. Fuck! Gago!
Napatawa yung dalawa.
“Parang ikaw lang yung matutuwa sa bagay na yan Cy.” Natatawang sabi ni Yvie.
“Just relax…talagang ewan lang to si Cy.” Saad ni Yuri na nagpipigil ng ngiti.
Di na ko nakatiis.
“Hindi ka ba magtitino?” naiinis na tanong ko sa kanya at talagang tinaasan lang nya ko ng kilay.
“Sino bang nagsabi na matino ako?” sarcastic na sabi nya at yung dalawa talagang di na napigilan yung tawa nila.
“You know what Roian,nag aalis lang ako ng tensyon dito…” parang bagut na bagot nyang sabi.
“Nag aalis ka ng tensyon? Papatayin mo naman ako sa galit! Anong pinagkaiba?” iritang sabi ko sa kanya. Ngayon yung tingin nya para bang amaze na amaze sya kase galit ako sa kanya.
“Tama ka Yvie nakakakilig silang mag away.” Sabi ni Yuri at ngiting ngiti.
“See? I told you…” sabi ni Yvie habang nakatingin sakin na may mapanuksong mata. Patay ka sakin Yvie mamaya.
“Parang gusto ko ng buttered shrimp.” Sabi ni Cy kay Yuri at tumango naman ito sa kanya.
Napakunot yung noo ko. The hell! Hindi ba nila alam na alergic sa hipon si Cy. Ah bahala nga sila yung mangisay itong isang to dito.
Tinawag ko yung isang waiter at sinabi sa kanya na maghanda ng set A with buttered shrimp na good for 4.
Nagkukwentuhan kaming tatlo nina Yuri pero si Cy tahimik na nakikinig actually tahimik syang nakatingin sakin. Promise nakakailang at yung kabog ng dibdib ko grabe. Noong isang araw hindi sya ganito, ngayon ganito na akala mo hinuhubaran na nya ko sa isip nya.

Napaka!
Pagkadating ng pagkain yung dalawa hindi halatang gutom kase naglantak na ng pagkain at mga hindi na namansin.
Si Cy heto nakatingin sakin habang inaayos nya yung plato nya. Gago talaga to kakain ng hipon. Talagang magpapakamatay sya sa harap ko.
Napahawak akong maigi sa kubyertos ko ng isusubo na nya yung hipon sa bibig nya.
Promise sa inaasal ng babaeng to sa harap ko malapit na kong mabaliw.
‘Kung ganyan ba naman kaganda yung kababaliwan mo worth it na.’ sagi ng isang sulok ng isip ko.
“Stop it!” pagalit ko kay Cy.
Sina Yuri at Yvie ngumunguya habang nanunuod sa amin.
Kinuha ko yung tinidor na may nakatusok na shrimp at yung plato nya at ipinalit ko yung plate ko sa kanya.
“Please! If you trying to kill yourself wag sa harapan ko.” Saad ko.
Napapailing na ko sa sarili ko. So what kung mahimatay yan sa harap ko? Bakit? Bakit? Ang gaga mo Roian.
Habang kumakain kami ni Yuri yung nagkukwentuhan.Mayamaya narinig ko yung mahinang mura ni Cy.
“Yvie you’re such a…” mahinang saad ni Cy habang pinupunasan nya yung parte ng katawan nyang natapunan ng orange juice.
Napalunok ako. Napatingin ako sa ibang direksyon. Ang init bigla sa loob ng resturant. Para kong lalagnatin sa view sa harap ko. Shit! Roian ang manyak mo!
Promise hindi ko na mahawakan maigi yung kutsara at tinidor ko tapos parang natutuyuan ako ng laway.
Peste ka Roian ano yan sobrang hayok lang?
Basang basa yung bandang dibdib nya. Napatingin ako doon sa bandang leeg nya na basa din ng orange juice..parang ang sarap. Leche! Mamamatay talaga ko sa nangyayare ngayon. Napayuko ako. Diyos ko bakit nyo po ako pinahihirapan ng ganito? Promise magbabait na po ako wag nyo lang ako bibigyan ulit ng ganitong sitwasyon.
“May extra shirt ka ba?” tanong ni Yvie sakin.
“M-meron…nasa loob ng office ko.” Sabi ko at tumayo ako at sinenyasan ko si Cy na sumunod sakin.
Nagpatiuna akong pumasok sa opisina ko at naramdaman ko na nakasunod na sya sakin. Binuksan ko yung isang drawer dahil may mga extrang damit ako dito na iniiwan dito just incase na maabutan ako ng ulan kapag papasok ako ng trabaho. Napasilip ako kay Cyrll. Nakatingin sya doon sa isang basket na puting rosas sa table ko.
“Wag kang magkakamaling pakielaman yan…” sabi ko at humugot ako ng isang plain white V-neck shirt sa drawer pero bago pa ko makalingon narinig ko na parang may tinapon sya basurahan.
Pagkita ko yung isang basket na puting rosas yung tinapon nya at parang tuwang tuwa yung mga mata nya sa ginawa nya.
“Leche! Bakit mo ginawa yun?” binalibag ko sa kanya yung shirt at heto hindi ko na mahugot yung basket sa basurahan dahil sakto yung laki nito sa bibig ng basurahan.
Umupo sya sa ibabaw ng table ko at hinubad nya yung damit nya tapos binaba nya yung t shirt na binigay ko sa tabi nya. Grabe nangatog yung tuhod ko dahil sa nakikita ko ngayon. Is she trying to seduce me? Papa God please give me strength to fight the urges na ma rape yung babaeng to sa harap ko. Kase konti na lang eh….
She’s looking directly to my eyes. Parang nangungusap ang mga ito sakin. Parang may gusto syang sabihin na hindi nya maituloy tuloy.
Hindi ko alam bakit nagpatangay ako ng hilahin ako ni Cyrll papunta sa pagitan ng mga hita nya at kinulong na nya ko sa mga bisig nya. Napalunok ako dahil ramdam ko yung init ng katawan nya. Ang bango nya kaya parang nawawala ako sa mga senses ko.
Ano bang nasa isip mo ngayon Cy? Ilang araw na kong nalilito dahil sa mga kinikilos mo.
Yung mga mata nya ngayon puno ng emosyon hindi katulad nittong mga nakaraan.Ito. Ito yung Cyrll na kilala ko.
The next thing I knew, magkalapat na yung mga labi namin at maingat nya kong hinahalikan at sinasabi nito na hindi nya ko kayang saktan. Gumanti ako ng halik sa kanya. Anim na taon bakit ngayon ko lang ulit naramdaman ito na para bang nakauwi na ko.
After nya kong halikan ay yinakap nya ko at bumulong sa tenga ko.
“I miss you…” bulong nya at doon ko di napigilan yung luha ko. Ito yung Cyrll na nawala sa buhay ko.
……………………
Thanks for Reading.
Vote and comment kayo guys
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon