Destruction

3.4K 151 3
                                    

Roian's POV

Nakahilata ako ng upo sa sofa dito sa loob ng opisina ni Shann, Ewan parang hindi naman nya naiintindihan yung mga paper works sa harap nya kase abot abot tenga yung ngiti nya tapos ayaw nyang bitawan yung cellphone nya.

"You know what I like Yuri....." hindi pa man din natatapos yung sasabihin ko ng batuhin nya ko ng pambura kaya grabe yung tawa ko. Yung mukha nya hindi maipinta.

"Selosa..." sabi ko at binalik ko ng bato yung eraser sa kanya.

"Kung tinotoyo ka dahil sa love life mo wag kang mandamay....." malditang saad nya.

"Ang sama mo! Hindi mo naman ako pinapatapos 'I like Yuri for you' yun ni hindi mo man lang ako pinatapos...." walang ganang saad ko at sya naman pagningning ng mga mata nya.
Bwiset!

"Nakakapagtaka lang sobrang bait nung taong yun para sayo...." natatawang sabi ko at napa-poker face na sya sakin.

"Tang ina lang Roian umuwi ka na kung pang aasar lang ang gagawin mo dito." Saad nya kaya lalo akong napatawa.

"Kaloka ka Shannon sa mga nababasa ko sa libro kapag nagkakalove life yung anti-social person eh bumabait...anyare?" Hindi ko alam bakit ang sarap sarap asarin ni Shan ngayon.

"Anong libro yan? Susunugin ko...." supladang saad nya.
Napasimangot ako.

"Selan nito...."  kinuha ko yung cellphone ko ng maramdaman kong nagvibrate ito. Nagtext si Mama na sa mansyon na muna matutulog si Yuan. Sinundo nya ito sa school.

Mayamaya ay dumating na yung pinadeliver na pagkain ni Shann. Habang kumakain kami....

"Hunter told me that...yung first kiss is taste like sweet wine. It's kinda true because that's what I taste nung first kiss namin ni Cy....Ganun din yung nalasahan mo?" Pagkukompirma ko kase talagang na aamaze ako sa sinabi ni Hunter na yun.

Nasamid sya at mabilis na uminom ng tubig.

"Lintik Roian! Papatayin mo ba ko?" Reklamo nya at pulang pula ang mukha nya sa pagkakasamid nya.

Nagkasalubong yung kilay ko.

"Pinagsasabi mo? Tinatanong ko lang yung naramdaman mo nung nagkiss kayo ni Yuri...arte feeling high school?" At pinagpatuloy ko yung pagkain ko.

"Arte ko? Feeling high school? Okay! So kamusta naman yung first time nyong magsex?" Inis na inis na saad nya. Napatigil ako..Tang ina!

"Ow! That? That's wonderful! Wanna try? Punyeta! Hubad." Kakainis kiss lang yung tinatanong ko napakapikon!

Napasimangot sya.

"Wag ka ng babalik dito sa office ko ah!" Saad nya at inirapan ako.Kapag talaga hindi mo pinantayan yung kamalditahan ng isang ito dadalhin ka talaga nya sa impyerno.

"Ang arte arte! Akala mo hindi pa sila nagkikiss...dalagang Filipina?" And there namula sya at biglang may pumasok sa isip ko.

"Don't tell me hindi pa kayo nagki-kiss?"

"Roian! Letse ka..." parang hiyang hiya sya kaya napatawa ako.

"Magsipilyo ka Shann para maakit naman si Yuri.....kahit ako si Yuri hindi din akong mag aabalang halikan ka, babaeng walang sweetness sa katawan....what the heck Shann!!!" Irit ko.

"Oopps! My bad...nangatog yung kamay ko." Sarcastic nyang saad.

Napaka talaga, tinapunan nya ko ng juice sa may bandang dibdib ko! At mayamaya ay natatawa syang binato ako ng isang t-shirt.

"Hindi ka isang anghel na hulog ng langit para kay Yuri..." kahit kaibigan ko ito talagang nagtataka ako bakit nagustuhan ito ni Yuri.

"Yes I am! Because I dug up myself from hell just to be with Yuri." Nakataas ang kilay nyang saad habang natatawa.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now