Rose

4.4K 194 2
                                    

Chapter 5
Roian’s POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tuamatama sa mga mata ko. Napamulat ako ng maiigi ng maalala ko yung kagabi. Si Cyrll! Napabangon ako ng mapagtanto ko na nasa kwarto na pala ako. Nilinga ko yung buong kwarto ko.
Wala sya. Ni yung perfume nya wala na din akong naaamoy sa paligid. Napalinga ako sa side table at nakita ko ang isang pulang rosas na nakapatong doon kasama ang isang maliit na pirasong papel.Nanghihina akong kinuha yun. Bakit parang napakalaki ng pagbabago mo Cy? Pagbuklat ko mula sa pagkakatupi ng papel may isang salita doon ang nakasulat.
‘Life’
Napatingin ako sa rosas na iniwan nya. Paano ba kami magkakaayos nito kung makita ko lang at maamoy ko sya sa paligid halos lamunin ako ng takot ko? Ni maging magkaibigan parang malabo na maging kami.

Hindi ako pwedeng humarap sa anak ko at mga magulang ko na ganitong balisa ako. Ayoko na mag alala sila. Tinawagan ko yung anak ko at sinabi ko sa kanya na baka bukas na lang ako dadalaw sa kanyabsa Batangas.
Mayamaya ay may nagdoorbell kaya mabilis akong nag ayos ng sarili ko. Pagtingin ko sa wallclock, its 8:30 in the morning..sino to? At napakaaga. Pagbukas ko ng pintuan si Carol na nakasimangot ang sumalubong sakin at may dala dalang pagkain.
“The heck! Car bakit ang aga mo?” tanong ko at niluwagan ko yung bukas ng pinto indikasyon na pumasok sya.
“Ang aga ko? Ikaw ang dapat kong tanungin bakit  maaga mo kong pinapunta dito..” saad nya at dire-diretsong  pumasok at sumalampak sa sofa at binaba nya yung dala nya sa center table ng salas.
“Huh? Di kita pinatawag dito…baliw ka ba?” sabi ko habang sinasara ko yung pintuan at after nun tumabi ako sa kanya at binuksan ko yung kahon na dala dala nya.
“Seryoso ka? Ano to prank mo..’text your friend to come to your house early in the morning challenge’?...gaga ka ito oh!” sabay pakita nya sakin ng isang text message. Nagulat ako kase number ko nga yun. Dali dali kong kinuha yung cellphone ko at pagkita ko sa sent item..sakin nga mula yung text.
Arggggh! Lintik na babaeng yun pati cellphone ko pinakielaman din nya. Ngayon ko na pagtanto naka pangtulog akong damit. Shit! Argggh! Tang ina pinalitan nya ko ng damit! Napaka nya.
“Anong nangyare sayo?” takang tanong ni Carol.
“Nandito si Cyrll kagabi.” Saad ko at napangiti ng todo si Carol
“Talaga? Oh my God! Kinikilig ako…anong nangyare? Wait..sa kanya ba galing yung rose?” mahadera at masayang masaya na saad ni Carol
“Oo sa kanya galing..” sabi ko at muling naupo sa sofa at sumunod sakin si Carol.
“Shocks! Nagkausap kayo? Ano getting back each other’s arms ba?” masayang masayang tanong nya.
Nagsalubong yung dalawang kilay ko. Anong pinagsasabi nitong babaeng to.
“Hindi.” Sabi ko
“Ay! Bakit?” panghihinayang na boses nya.
“Nahimatay ako.” Sagot ko at ganun na lang yung tawa nya ng marinig yung dahilan ko.
Napakasamang kaibigan.
“lintik Roian sa dami mong gagawin sa harap nya talagang mamatay sa kilig sa harap nya yung gagawin mo.” Tawang tawang sabi nya.
“Tang ina bakit ba naging kaibigan kita?” seryosong tanong ko.
“Ako lang yung pasaya sa buhay mo itatapon mo pa ba?”  nang aasar na tanong nya pabalik sakin.
“Hindi ako nahimatay sa kilig Carol..nahimatay ako sa takot sa kanya…alam mo yun muntik na nya kong mapatay 6 years ago.” Kaswal na kwento ko sa kanya.
“Alam ko…pero di naman ginusto ni Cy yun. Malandi ka din kase kahit ako makakapatay dahil nagpabuntis yung kinakasama ko sa ex boyfriend nya..ang saya di ba..” mahaderang saad nya kaya kinurot ko sya.
“Ginusto ko din ba? Sana nakipagbreak na lang sya sakin ng hindi humantong sa ganun…muntik ng mawala si Yuan di ba?” saad ko.
“Bakit ba inaaway mo ko? Hindi naman ako yung nang ano sayo….saka yinakap nga ako ni Cy nung nagkita kami. Sabi nya hindi ka na bagay sa kanya.” Natatawang kwento nya.
“Wow huh!” kapal naman nya as if naman na gusto ko pa sya.
Mayamaya ay may nagdoorbell ulit. Tiningnan ko yung sent items ko mamaya nagtext na naman sya sa iba kagabi. Talagang si Carol lang yung pinapunta nya ngayong umaga.
Pagbukas ko ng pinto si Yvie at may dala ding pagkain. Food party in early morning. Hayop na Cyrll kase yan.

“Morning…” nakangiting bati sakin ni Yvie
“Good morning?” patanong na bati ko at pinapasok ko sya. Nagbatian sila ni Carol at parang di na nabigla si Yvie na makita nya si Carol sa bahay ko.

“Ano yang dala mo?” tanong ni Carol
Naglakad dire-diretso sa kusina na bahay ko at naghanda ng mga plato,kutsara at baso sa lamesa. Kumuha sya ng mga prutas sa ref ko at gumawa ng fresh juice.
What the fuck! Kung kumilos tong babaeng to sa bahay ko akala mo sya may ari nito.
“ah! Yvie is this your house?” takang tanong ni Carol.
“Nope…” saad nya at hindi sya natigil sa pag gawa nya ng fresh juice.
Tinuro nya yung lamesa at sinenyasan nya kami na maupo na at gaga naman kami ni Carol naupo naman kami. Pinagserve nya kami ng juice sa bawat baso namin at inayos nya yung dalang pagkain ni Carol at yung dala nyang pagkain sa lamesa.
“Tara kain na tayo…gutom na ko..” saad nya at pinaglagyan nya ko ng pagkain sa pinggan ko.
Wala na kong nagawa kase si Carol kumakain na. Pati si Yvie..
Mauubos na namin yung pagkain
“Ang sarap ng dala mong pagkain…” saad ni Carol
Ngumunguya ako ng pagkain habang nakatingin kay Yvie.
“Sarap pa din magluto ni Cy noh?” wala sa hulog na saad ni Yvie.
Doon ko nakagat yung dila ko. Tang ina! Namula ko sa sakit.
“Ayos ka lang?” tanong ni Carol. Si Yvie natatawa.
“Bakit di mo sinabi?” argggh! Minsan talaga nakakafrustrate na magkaroon ng mga ganitong kaibigan.
“Bakit pa? Sarap na sarap ka nga eh…di ba Carol?” tumango naman si Carol.
“Kahit na! Sana sinabi mo!” naiinis na sabi ko. Para akong pinagtaksilan kainis.
“Wag ng mag inarte di ka maganda.” Saad ni Carol
“Kahit na!” saad ko.
Hindi ko kinausap si Yvie hanggang sa makaalis sila. Pero parang wala lang sa kanila. Kiber lang silang dalawa. Parang todo sila sa pag build up kay Cy para sakin. Sa ayoko na wala na silang magagawa.
After umalis ng dalawa ay gumayak na ko para pumunta sa resturant. Pabukas na sana ako ng kotse ko ng may humawak sa pulsuhan ko at mabilis akong nahila papunta doon sa gate. Hindi ko alam kung sa takot o ano eh napatangay ako sa kanya. Yung pabango nya hindi ko alam bakit ang lakas ng epekto nito sakin.
“Get in.” plain na sabi nya at walang kabuhay buhay ngayon ko lang napansin na nakabukas pala yung pintuan ng passenger’s seat sa harap ng kotse nya. Nanginig ako sa takot at yung paligid ko parang naikot na. Pagkasakay ko heto na yung luha ko nagbabadya ng tumulo. Yung kabog ng dibdib ko sagad parang sasabog yung puso ko.
Nakasakay na sya sa driver’s seat at blangko yung itsura ng mga mata at wala ni lahit na ano sa awra nya. Hindi na sya yung Cy na minahal ko. Matagal na syang nawala.
“Same as old time…you are weak.” Walang ganang sabi nya. Bakit kapag ganitong malapit sya kahit wala naman syang ginagawa parang dinudurog nya yung puso ko.
“L-let me go..” mahinang daing ko anytime bibigay na naman ako.
“No…just this time. Be with me.” Saad nya at pinaandar nya yung sasakyan.
Nagulat ako ng may mainit na likido ang pumatak sa braso ko pagtingin ko, yung luha ko. Tumutulo na pala yung luha ko.

“Ihahatid lang kita sa Batangas…” saad nya kaya napatingin ako sa kanya. Paano nyang nalaman?
“Wag mong iwawaglit sa paningin mo yung anak mo.” Dugtong nya. Naguluhan ako sa kanya. Parang bakit? Eh safe naman si Yuan doon dahil kasama nya yung parents ko.

Inihinto nya sa gilid yung sasakyan at inabutan nya ko ng panyo. Ganun pa din yung mga mata nya at yung awra nya.
“Just calm down…Di kita kayang patayin…” walang emosyong saad nya kaya napatingin ako sa kanya ng masama.
“Ano yun muntik lang patayin?” inis na sabi ko sa kanya at kinuha ko yung panyo na inaalok nya dahil walang patid na yung luha ko. Great!
Napaismid sya.
“I can kill you through assassination habang nasa abroad ka pero di ko ginawa dahil naisip ko kung through rape na lang kaya para mas masaya…” hindi ko alam kung anong tono yung ginagamit nya ngayon habang nakangisi pero yung mga mata nya parang walang buhay.
“Fuck you! May ginawa ka kagabi sakin noh habang wala akong malay! Napakawalang hiya mo talaga!” inis na bulyaw ko sa kanya.
“Eh ano ngayon kung meron…dati lagi ko namang sinasamba yang katawan mo.” Parang wala lang sa kanya habang sinasabi nya yun..tang ina feeling ko ang pula ng mukha ko.
“ Napaka manyak mo!” hiyaw ko sa kanya at binalibag ko sa mukha nya yung panyo.
Napaikot lang yung mga mata nya at pinaandar yung sasakyan.
Paano ko ba papatawarin itong isang to kung ganito pa yung pinag gagawa nya sakin?
……………
Vote and comment Guys.
Thanks for reading
~dark19  



Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now