Deception

2.9K 109 6
                                    

Shann's POV

"Kapag nagalusan sya malilintikan kayong lahat sa akin!" Mahinang pagbabanta ko habang naglalakad papasok ng airport. Napatingin ako sa hawak kong dokumento. First stop ko ang Austrial to meet my family after nun ay lilipad naman ako papuntang Budapest para katagpuin si Yuan.

Napabuga ako ng hangin habang iniisip ko na mahihirapan si Yuan sa biyahe mula Berlin to Budapest dahil syam na oras ang gugulin nya sa travel through train. Alam nina Yvie na ngayon ang balik ko pa Australia para suportahan yung mga magulang ko sa krisis ng kumpanya namin doon na gawa ni Cyrll para mapilitan ako sa gusto nyang mangyare.

Napakaimpluwensya mo Cyrll para mailabas ng bansa si Yuan ng ganun ganun na lang....

"Nasan ka na?" Si Cy mula sa kabilang linya.

"Airport." Walang emosyon kong sabi.

"Good." Sagot nya.

"Papatayin kita soon makabalik ako....ibabalik ko ang lahat ng ito sayo." Walang ganang saad ko. Wala na kong maramdaman na kahit na ano sa puso ko. Gusto kong sumabog sa galit! 

Sa buong buhay ko ngayon lang ako humiling, bakit hindi ako napagbigyan? Si Yuri lang naman ang gusto ko.

"You can do all you want..hindi kita pipigilan." Natatawa nyang sagot bago nya ibinaba.

Nang makarating ako ng Australia ay tinupad ni Cy lahat. Naging okay na ulit yung kumpanya na parang walang nangyare. Sinabihan ko ang mga magulang ko na kapag may naghanap sakin ang isagot lang nila ay iniikot ko ang buong Australia.
Isang araw lang inilagi ko doon at pagkatapos ay lumipad na ko papuntang  Budapest. Sobrang sama na ng pakiramdam ko sa biyahe, sa pag iisip at sa paglamon ng guilty sa puso at isip ko. Malamang nagkakagulo na sa Pilipinas ngayon.

At ang pinakamasakit, kinamumuhian na ko ni Yuri sa lahat ng ginawa ko sa kanya. Nanghihina akong napasandal sa may gilid ng bintana.

"Yuri...I'm sorry..." piping saad ko at yung luha ko isa isa ng nagbabagsakan.

Pagkakarating ko doon ay may naghihintay sakin na sundo.

"How is he?" Pagkasakay ko ng kotse.

"He is sleeping Madame...." sagot ng tauhan ko.

Napatingin sya sakin mula sa rear mirror.

"Are you okay Madame? You look pale..." nag aalalang tanong nya. Bata palang ako sya na yung bantay ko.

"I'm not fine...this situation is killing me." Pag aamin ko.

Bakas sa mukha nya ang pag aalala at nginitian ko lang sya.

"Where's the phone?" Tanong ko dahil nagpabili ako sa kanya ng bagong cellphone na gagamitin ko.

At may iniabot sya sakin na box at nilagay ko iyon sa bag ko. Sa isang kalye kami nagpunta. Agad akong bumama ng sasakyan at lumapit ako sa tatlong tauhan ko na nakatayo malapit sa isang itim na sasakyan. Yumukod sila sa akin ng makita ako.

"Sa Australia kayo bumalik....sundin nyo yung susunod na utos ni Dad." At inabutan ko sila ng isang envelope at tuluyan na silang umalis. Pumasok ako sa driver's seat. Parang binibiyak ang puso ko sa palahaw na iyak ni Yuan.

"Hey Luv....." saad ko at napatingin sya sakin mula sa passenger's seat dito sa harap.

Lalo syang umiyak at sumugod ng yakap sakin. Yuan sorry....naiiyak din ako.

"N-ninang Shann...." umiiyak nyang sabi at nanginginig ang katawan nya sa takot.

"Hey....It's okay I'm here for you...." alo ko.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now