Devil beside me

4.4K 172 6
                                    

Chapter 10
Roian’s POV
Naalimpungatan ako nung madaling araw ng maramdaman ko yung katabi ko gising. Napatingin ako sa orasan sa side table. 2:30 am palang.
“Bakit gising ka?” tanong ko at napansin ko may pawis sa noo nya kahit nakadim light kami halata yung pawis nya sa mukha. Ang weird ng isang to eh may aircon naman.
“Nakaidlip na ko..”mahinahong sagot nya.
“What’s the matter?” tanong ko at pinapaayos ko sya na muling mahiga at sumunod naman sya. Alam ko dati napakatakaw tulog ng babaeng to.
“N-nothing…”saad nya at tumagilid sya paharap sakin. Ayan na naman yang nothing na yan..recently medyo napipikon na kong marinig yang salitang yan basta galing sa kanya.
“You can hug me as long  you tell me what’s wrong…” hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun….wala na nasabi ko na.
Parang nag isip pa sya kung sasabihin nya at mayamaya parang napahinga sya ng malalim at ngumiti sakin.
“Lagi mo kong ginigipit…” saad nya at ewan masaya akong makita sya na ngumingiti ng ganito kase ang tagal na ng huli kong nakita yung ngiti na to.
“Hindi ka na natatakot sakin?”tanong nya.
“Nakasanayan ko na….”saad ko mayamaya iniunat nya yung braso nya at ipinatong nya yung ulo ko kaya nahila na nya ko papalapit sa kanya.
“Nanaginip lang ako…masamang panaginip.” Saad nya. Ngayon nakasiksik na ko sa bandang leeg nya.
“Anong napanaginipan mo?” usisa ko.
“Nire-rape mo daw ako eh ayoko kase pagod ako..” natatawang kwento nya kaya kinurot ko sya sa tagliran at natatawa lang syang dumaing sa sakit.
“Yabang!” saad ko.
Pwede pala to, yung sobrang panatag yung kalooban ko habang yakap ako ng taong nanakit sakin o dahil mahal ko lang yung taong to kahit anong tanim sa isip ko  na kasuklaman sya nababalewa basta kaharap ko lang sya.
“Go back to sleep,Babe…inaantok na din ako.” Malambing na sabi nya at hinalikan nya ko sa noo.
Parang hinaplos yung puso ko ng tawagin nya ko ulit ng ganun. Tumingala ako sa kanya at sobrang wrong move kase hinalikan nya ko sa labi ko ng mabilis at napangiti sya.
“Break na tayo…” reklamo ko.
“Cheat time…” saad nya at pumikit sya at yinakap nya ko ng mahigpit.
Paggising ko ng umaga magkayakap pa din kami at payapa yung tulog nya. Kung natanggap siguro nya kaming mag ina siguro masaya kami. Mayamaya ay narinig kong may nagdodoorbell. Dahan dahan akong bumangon para hindi magising si Cy halata kaseng ilang araw syang walang maayos na tulog.
Pagbukas ko ng pinto. Patay! Sina Mama at Yuan at may mga bitbit silang grocery.
Patakbong yumakap sa bewang ko si Yuan kaya napatawa ako. Tapos si Mama nakataas yung kilay nya sakin.
“Bakit ayaw mo kong papasukin Roian Kaye?” nanunuksong tanong ni Mama tapos wala na ko nagawa kase tumakbo na papasok ng bahay si Yuan. I’m dead!
Wala na kong nagawa at pinapasok ko na si Mama at tinulungan ko syang ipasok yung mga pinamili nya.
“May tinatago ka ba Roian?” tanong ni Mama at sinisimulan na nyang ayusin yung mga pinamili nya doon sa ref. Hindi ako mapalagay baka mamaya makapasok si Yuan sa kwarto at baka mabigla sya na may ibang tao sa kwarto namin.
“W-wala Ma…” saad ko at parang di sya kumbinsido.
“Syanga pala…ring bearer  yung anak mo sa kasal.” Sabi ni Mama habang tinutulungan ko sya sa pag aayos ng pinamili pero di na ko mapakali dahil kay Yuan. Baka nasa kwarto na sya.
“Kasal? Nino?” tanong ko
“Ni Mark ano ka bang bata ka…” sabi ni Mama. Okay ayaw magprocess ng utak ko.Sinong Mark?
“Ah..Ma..sinong Mark?” tanong ko kaya nahampas ako ni Mama.
“Mark Jayson..bakit parang lutang kang bata ka?” pagalit ni Mama sakin. Ikakasal na pala yung kuya ni Cy.

“Sino bang fiance ni Kuya Mark?” tanong ko parang umid na umid na si Mama.
“Roian ano ba? Bakit parang wala ka sa sirkulasyon? Sa Ate Belle mo” saad ni Mama kaya nagulat ako. Sila pala ng half sister ko.
“Kailan yung kasal Ma? Bakit parang biglaan” tanong ko. Medyo di kami close ng ate ko kase 18years old na ko ng magkakilala kami. Mabait naman sya kaso ganun ata kapag di kayo sabay na lumaki.
“Buntis ang ate mo at ikakasal sila 6months from now.” Sabi ni Mama at nagsasalansan ng mga can foods sa cabinet.Sobarang patay na patay talaga si Ate kay Kuya Mark..At napatango ako.mayamaya bigla ko naalala si Cy at Yuan.P

“Ah…Ma magbibihis lang ako…” sabi ko at patakbo akong pumunta sa kwarto. At tama ako nasa loob na si Yuan at tahimik na nakatayo sa gilid ng  kama at parang amaze na amaze na nakatingin sa natutulog na taong nakahiga doon.
“Ah baby…” sabi ko ng mahina at pinaharap ko sya sakin.
“Mom she’s really pretty…she is the one that I’m telling you…yung babae na nakita ko sa condo…” mahinang bulong ng  anak ko. Jusko gusto kong mahimatay. Alam ko mag uusisa yung anak ko.
“Kilala mo pala sya Mommy..” sabi ng anak ko
“Kaibigan ko sya anak…” saad ko. At nangunot yung noo nya.
“Bakit wala sya sa album?” usisa ng anak ko. Alvin ano ba itong anak mo bakit kasing daldal mo?
“magpapaliwanag si Mommy mamaya…pero gusto ko silent ka kay Lola Mama na….” makikiusap sana ako sa anak ko na wag sabihin kay Mama na nadito si Cy kase baka atakihin yung nanay ko pero wala na nakatakbo na yung anak ko na sumisigaw kaya hinabol ko sya pero wala na.
“Lola…may magandang babae sa kwarto namin.” Sigaw ni Yuan at wala na nakalapit na sya kay Mama.
“Ano?” takang tanong ni Mama.
Yung anak ko pilyong ngumiti sakin. Nakakainis minsan yung ganito sya kakulit.
“Si Mommy..Lola may magandang kaibigan na natutulog sa kama namin at ngayon ko lang sya nakita..” sobrang daldal nya. Napasapo ako ng mukha ko sa sobrang inis.
“Jusmiyo!Roian!” pagalit ni Mama sakin.
“Ma..let me explain…” paumpisa ko pero may nagsalita sa likod ko.
“Goodmorning Mama…” pagharap ko si Cyrll.
“Cyrll?” nagulat si Mama at palipat lipat yung tingin nya sakin at kay Cy.
“Why you called ‘Mama’ my Lola Mama?” takang tanong ni Yuan kaya lalo na kong nahihilo sa mga nangyayare.
Mayamaya ay lumapit si Mama kay Cy kaya lalo akong natakot.
“Mag usap tayo.” Sabi ni Mama ng mahinahon at sumunod sa kanya si Cy.
“Dumito ka…ayusin mo yung mga pinamili ko.” Sabi ni Mama sakin at pumasok sila ni Mama doon sa working room ko.

Umupo ako para magpantay kami Yuan.
“Mapapatay mo ko ng maaga anak.”sabi ko at natatawa lang yung anak ko.
“Masamang mag lie Mommy…”
“Kaya nga pero…” arggh! Wala talagang suko na ko.
“Anong pangalan nya?” tanong ng anak ko.
“She’s Tita Cyrll.” Sagot ko at parang naguluhan sya.
“Bakit ngayon ko lang sya nakita kung friend mo sya Mommy?” tanong ng anak ko.
“Nag ibang bansa kase sya anak at ngayon lang sya bumalik.” Sabi ko.
Nakaayos na ako ng grocery at ang tagal lumabas nina Mama. Lalo akong nakucuriuos kung ano ba yung napag uusapan nila. Nakaupo ako sa may sofa tapos si Yuan naglalaro sa taas. Mayamaya ay bumukas na yung pintuan ng working room ko.
“Pakisabi kay Mommy mo na salamat doon sa pasalubong nya sakin.” Sabi ni Mama kay Cy.
“Makakarating po. Mag ingat po kayo sa pag uwi” sabi ni Cy at bumeso kay Mama.
Lalo akong nalito. Hindi sya galit kay Cyrll? Pero bakit?
“Tutuloy na muna ko Roian may kameeting lang ako sa hapon susunduin ko ulit yung apo ko.” Sabi ni Mama.
“Yes Ma.” Sabi ko at bumeso din ako.
“Wag kayong mag aaway. Kung ayaw nyong atakihin ako sa puso.” Paalala ni Mama.
“Ma ano ba?” saway ko.
“Sige na aalis na ko.” Paalam ni Mama at hinatid ko sya sa may gate. Wala syang binabanggit ni kahit na ano tungkol kay Cy.
Pagpasok ko ng bahay. Narinig ko yung dalawang boses na nag uusap doon sa may kusina.
“Cyrll pangalan mo hindi ba?. .ah hotdogs na lang for me please..” saad ng anak ko at para syang pulis kung makaintriga kay Cy.
“Yes. That’s my name. Why? Three hotdogs?” tanong ni Cy habang inaayos nya lahat ng lulutuin nya.
“Yes please that will be fine….”sabi ng anak ko. Umayos sya ng upo at muling nagsalita.
“Ikaw kase yung sinasabi ni Ninang Gale na devil beside Mommy..”sabi ng anak ko kaya nagulat ako. Gago talaga si Gale bakit nya kinukwento si Cy kay Yuan? Talagang malilintikan na sya sakin.
Tinukod ni Cy yung dalawang braso nya sa lamesa at naglean forward yung mukha nya sa anak ko.
“Tell me kiddo, do I look like devil to you?” natatawang tanong ni Cy sa anak ko.
“No. You are too beautiful to be a devil. Sometimes Ninang Gale is out of her mind telling me crazy things that I didn’t understand and it make me feel confuse.” Saad ng anak ko at napatawa si Cy.
“You are smart just like your mother… if you didn’t understand things it is better to ask it to your Mom. She knows everything.” Nakangiting sabi ni Cy at ginulo nya yung buhok ng anak ko. Bakit ang saya ng loob ko na makitang ganito na parang magkagaan ng loob silang dalawa?
Natuwa ako kay Cy dahil hindi nya siniraan pabalik si Gale sa anak ko.
“Mahilig ka ba sa video games?” tanong ni Cy habang  nagluluto.
“Yes..bawal nga lang kapag kaharap si Mommy.” Sabay silang napatawa. Napailing ako sa sobrang pilyo ng anak.
“Anong pinag uusapan nyo?” basag ko.
“Nothing Mom.” Saad ng anak ko at sumenyas sya na may ibubulong kaya lumapit ako.
“Mommy…she’s so cool and I like her.Crush ko sya” Bulong ng anak ko. Para akong lalagnatin sa mga pinagsasabi ng anak ko.
Paano ko kaya maipapaliwanag sa anak ko na ex-girlfriend ko yung babaeng crush nya sa mga darating na panahon?

Mga 10am na nakaalis si Cy ng bahay namin dahil sa kakulitan ng anak ko sa kanya. At panay panay sabi ng anak ko sa kanya na sana lagi silang magkita. 
Nung bandang 7pm nagkita kita kaming magkakaibigan sa bar ni Shannon.
“Gale ano ba? Bakit kung ano ano yung mga pinagsasabi mo sa anak ko? “ sobrang naiinis kong sabi sa kanya. Sina Yvie tahimik lang nakikinig.
“Dapat mas maaga malaman na nya kung sino si Cy.” Simpleng sabi nya. Akala ko pa naman babawi sya sa mga pinag gagawa nya pero bakit dinadagdagan nya.
“Nagkabalikan na ba kayo?” wala sa hulog na tanong ni Gale sakin.
“Ano?”  ano bang problema ng babaeng to? Bakit nagkakaganito sya.
“Para kaseng nakalimot ka na sa ginawa ni Cy sayo. Yung ayos lang sayo na kalimutan na nyang lahat ng yun at bumalik sa buhay mo na para bang wala lang.” sabi nya ng diretso sa mata ko.
“You know what Gale that’s enough…wag kayong mag away.” Saad ni Carol.
“Pareho kaming nakagawa ng mali kaya humantong kami sa ganito. Nagkausap na kami at napagdesisyunan namin na tama na. We should stop wasting our time hurting each other because we’ve been hell together. Paulit ulit lang na ganun. At sobrang maiipit lang kami dahil yung kuya nya at yung ate ko ikakasal na this year. How come na kaya ko syang iwasan? Alam namin na maraming masasaktan kung paulit ulit kaming mag aaway sa  harap nyo…sa harap ng anak ko at sa harap ng mga pamilya namin. At saka…lipas na yung sa amin. Marami ng nangyare.” Saad ko at parang pagud na pagod na yung damdamin ko. Tadhana na yung umaayaw sa amin ano pa bang magagawa namin.
Saka saan ba kami magsisimula kung sakali dahil si Cy na mismo yung gumagawa ng pader sa pagitan namin. At hindi ko na sya kilala sa dami ng hindi ko na alam sa kanya.

“Bakit ba sobrang galit mo kay Cyrll? Kung tutuusin mga kaibigan lang nya tayo labas tayo sa desisyon nya pero bakit parang minamanipula mo si Roian sa mga desisyon nya. Pati kay Yuan kinukwento mo yung galit mo duon sa tao?” prangkang tanong ni Yvie

Lahat kami natigilan. Si Shannon napatingin kay Yvie na ngayon poker face.
“Parang medyo iba yung galit mo kay Cy, Gale. Para sakin nga okay lang sumama si Cy satin as long magbago sya at hindi sasaktan yung kaibigan natin.” Sabi ni Carol
“Saka ano naman kung magkabalikan sila. Eh sa mahal nila yung isa’t isa. Wait! Unless…” natigilan si Yvie at waring may narealize sya.
“Gale are you in love with Roian? Nagseselos ka…” di makapaniwalang tanong ni Yvie. Si Carol nabigla din. Si Shannon parang alam nya kaya kiber sya. Umamin na sya sakin nung nakaraan pero di ko naman dinibdib kase hindi akala ko biro lang nya.
“What if I say yes what will you do?” nakangising saad ni Gale.
Biglang nag iba din yung ekspresyon ng mukha ni Yvie at diretsong nakatitig sa mga mata ni Gale.
“So…hindi ka pala mapagkakatiwalaang kaibigan….” seryosong sabi ni Yvie at nakita kong napakuyom yung kamao ni Gale at iba na yung tingin nya kay Yvie.
“Wala kang alam.” Saad ni Gale.
Ngumisi si Yvie.
“You think so?” nanghahamong tanong ni Yvie. Tumayo sya at lumapit kay Gale at may binulong sya dito na kinabigla nito at kinaputla ng mukha nito. Kaming dalawa ni Carol sobrang nakucurious sa kung ano yung binulong ni Yvie. Bakit parang ang dami nilang alam,at parang kami yung naiiwan sa kanila.
“Uwi na ko…” natatawang sabi ni Yvie at walang lingon lingon na umalis.
“Anong binulong nya sayo?” tanong ko kay Gale at parang di sya makapagsalita sa sobrang pagkabigla.
Si Carol nakatingin din kay Gale.
“Gale…bakit pa nya binulong yung pangalan ni Alvin?” sabi ni Carol. Narinig pala nya.
……………
Thanks for reading.
Vote and comment kayo guys.
~dark19



Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now