Answer

4.3K 182 3
                                    

Chapter 11
Yvie’s POV
May nakaakbay na babae sakin habang umiinom kami ng may humila sakin at laking gulat ko si Shannon.
“Talagang payayamanin mo yung ibang bar kesa sa bar ko.” Sarcastic na sabi ni Shannon at tinaboy nya yung babaeng nakaakbay sakin at waring nandidiri sya sa basong ginamit nito at maarteng hinawi palayo sa harap nya kaya napatawa ako. Nakakatawa talaga yung kaartehan nito.
“Gago ka Shannon.” Natatawang sabi ko.
“Bakit hindi ka dun sa amin?” tanong nya at sinenyasan nya yung bartender na juice lang.
“Buntot mo si Gale.Ayoko pa syang makita.” Prangkang sagot ko.
“Kamusta ka na? Hindi na tayo nagkakausap ng maayos kase kapag magkakasama tayo bawat isa sa inyo nag gigirian.” Sabi nya at parang napapagod na sya na laging ganun.kahit naman ako sinasawaan.
“Trigger kase si Gale.” Sabi ko at napatawa si Shannon.
Mayamaya naiserved na kay Shan yung juice nya.
“I’m fine…ikaw?”balik na tanong ko.
“Ayos lang. Si Cy kamusta? Huling pagkikita namin tang ina tinakot pa ko….hindi naman ako masamang tao gaya ng iniisip nya talagang binabalanse ko lang yung sitwasyon…... Namimiss ko na yung dati…sa school sama sama tayo, si Cy bahala sa atin kapag exam. Chismisan kapag overnight kapag may project kuno….” Napatingin sya sakin at lahat ng sinabi nya namimiss ko na din. Para kase kaming pamilya na. “Sana maging okay na si Cy…gusto ko na syang gumaling ng tuluyan.” Nagulat ako kase alam nya.
“P-paano mo nalaman?” tanong ko.
“Noong kasal ni Roian…nakita ko kayo at inutusan ko yung bodyguard ni Daddy na sundan kayo. After nung kasal pinuntahan ko yung lugar na sinabi sakin nung bodyguard namin. And I find out second breakdown na pala ni Cy yun. Don’t worry wala akong pinagsabihan kahit na kanino. Ni si Gale di ko sinabihan. Alam ko na gusto nyo si Roian mismo ang makaalam nun.” Saad ni Shan.
“Ayaw ng pamilya ni Cy na sisihin ni Roian yung sarili nya sa sinapit nito. Kase aminado din yung pamilya ni Cy na isa sila sa dahilan kaya sobrang nahihiya din sila kay Roian. Talagang nung araw na iyon gumuho lahat kay Cy kaya di nya nakayanan.” Saad ko.
Napainom ako ng alak sa baso ko at muli itong sinalinan ng bartender.
“Inaayos ko ang lahat sa pagitan nina Gale at Cy…ayokong magpatayan sila…Si Gale gusto ko syang isalba kase mas hindi ko alam yung pag ikot at kapasidad  ng isip ni Cyrll. Kaya nyang pumatay ng tao…” sabi ko at parang nabigla si Shan.
“Gale should stop doing mess ngayong gising na si Cy…” sabi ko kay Shan para gumawa din sya ng paraan para mawala yung tensyon dun sa dalawa.

Buong magdamag nag inuman kami ni Shan at nung bandang 1AM tiningnan ko yung cellphone ko nakailang missed calls si Mama. May isang text sya na pinapauwi muna nya ko sa bahay dahil wala yung mga kapatid ko. Pagtingin ko kay Shan lasing na lasing na at mukhang di na nya kayang magdrive.
Shit! Sinong hihingan ko ng tulong para ihatid tong babaeng to? Si Cy hindi ko na sya pwedeng gambalain malamang kakaidlip idlip lang nung isang yun. Si Carol ang tamad naman non. Si Gale naman sobra galit sakin minsan gusto ko na syang sakalin. Si Roian naman nakakahiya kung aabalahin ko pa sya ngayon. Tang ina bahala na…sakalin na lang nya ko bukas at sya na lang yung tinawagan ko.
“Hello Yuri…” bungad ko
Mga 15mins nakarating si Yuri.
“Problema mo?” minsan nakakatawa yung tono ng babaeng to galit na sya nyan pero ang lambing pa din ng boses nya.
“Pinapauwi ako ni Mama sa bahay namin…eh walang maghahatid dito.” Turo ko kay Shan.
“Sino to?” tanong nya at nilapitan nya si Shan na nakadudok doon sa counter at mahawi nya yung buhok ni Shan.
“Fuck! Yvie No!” reklamo nya pero bago pa sya makareklamo ay tumakbo na ko palayo. Hahahaha.
Yuri’s POV
Bwiset na Yvie na yan lagi na lang nya ginagawa ito sakin! Nakakainis.
“Hey..Miss Fajardo wake up…” at maingat ko syang niyuyugyog sa balikat para magising sya pero wala.
Humingi ako ng tulong sa mga waiters para madala itong kaibigan ni Yvie sa kotse ko.
Napabuga ako ng malalim ng makaayos na kami sa loob ng sasakyan ko at handa na ko ihatid sya ng maalala ko hindi ko alam yung bahay ng babaeng to.
Tinawagan ko yung number ni Yvie. Nakailang ring pa bago nya sagutin napaka talaga.
“Yuri promise bukas ibibili kita ng favorite ice cream mo.” Bungad ni Yvie sakin at talagang guilty sya.
“Yvie buwiset ka talaga lagi mo ko inaabuso sa mga ganitong sitwasyon! Saan ba nakatira yung babaeng to?” naiinis kong saad sa kanya.
“Ah Yuri…yung tono mo ba dyan eh Pabasa o galit ka na?” natatawang sabi ni Yvie.
“Sige asarin mo ko ihahatid ko ito dyan sa bahay nyo…” naiinis kong sabi.
“No Yuri...” at doon nya sinabi kung taga saan itong babaeng to.
“Gad! Yvie napakalaki ng lugar na yun san yung exact address ano ba?” ngayon naniniwala na ko kay Cy na sya nagdadala kay Yvie kapag exam.
“Eeeh! Sa bahay mo na lang susunduin ko na lang bukas ng umaga…” at binabaan nya ko ng tawag.
Kaya heto no choice ako at inuwi ko sya sa unit ko malapit sa hospital na pinatatatrabahuhan ko.
Nasa elevator na kami at akay akay ko sya. Malas malas ko talaga! Si Yvie nagdadala ng malas sakin kainis!
“Yvie?” at halata sa boses nya na sobra lango nya sa alak. Kinilabutan ako ng hawakan nya yung kabilang pisngi ko. Hindi ko sya mabitawan kase baka matumba sya.
“Miss…I’m not Yvie…” sabi ko at gumagawa ako ng paraan para maalis yung kamay nya sa pisngi ko.
“Yvie…I Love you…” at walang anu ano eh hinalikan nya ko sa labi. Putang ina! Yan lang yung nasa isip ko ng maglapat yung labi namin.
Lalo ako nahilo ng marinig kong bumukas yung pintuan ng elevator at sa gilid ng mata ko may tao.
“The heck Yuri!” at doon ko nabitawan tong lasing na babae sa harap ko.
Si Cy na gulat na gulat.
Leche! Sobrang malas nga naman.

Roian’s POV
Nag aayos ako ng mga gamit namin ni Yuan dito sa bagong unit na nabili ko para sa aming mag ina. Tinutulungan ako ni Mama. Sya yung naglalagay ng kurtina tapos si Yuan nasa bagong kwarto nya at inaalis yung mga laruan nya doon sa box.
“Ma….bakit hindi ka galit kay Cy?” tanong ko at naupo ako sa sofa dahil napagod ako sa mga damit naming mag ina.
“Noong una nagalit kami sa kanila  kase bakit ganun pero nung araw na Nakita namin na nasasaktan sya anak at nagsisisi sa nangyare sa inyo parang nawala lahat yung poot sa dibdib namin…at saka parang anak na din namin sya ng Papa mo..” sabi ni Mama.
“Bakit di nyo sinabi sakin?” tanong ko para kaseng ako lang yung nawala sa sirkulasyon sa kanila. Samantalang yung mga magulang ko mas marami pa silang alam kay Cyrll.
“Kase ayaw mong makipag usap sa amin kapag patungkol kay Cyrll…kaya nirespeto namin yung gusto mo.” Sabi ni Mama.
Naupo si Mama sa tabi ko.
“Nanghihinayang ka noh?” sabi ni Mama at napatango ako.
“Kaso ayaw na ng mga kaibigan ko na magkabalikan kami at balita ko ayaw na din sakin ng daddy nya…” sabi ko.
“Yun ba yung importante yung gusto nila? Paano naman yung gusto mo?” tanong ni Mama.
“Umayaw na din kami ni Cy…” malungkot kong sabi. “Wala naman kumikilos ni isa sa amin para magkaayos…lumapit lang sakin si Cy para humingi ng sorry. May iba na ding gusto yung tao.” Dagdag ko.
“Ayos lang yan anak…saka you have Yuan. You will never alone kase nandito kami para sayo…” sabi ni Mama at yinakap nya ko.
Nitong mga nakaraang araw ko nararamdaman lahat yung impact nung nangyare 6years ago. Akala ko pag uwi namin at nakahingi na ng sorry si Cy eh matatahimik na kaming lahat pero hindi. Ngayon nag aaway yung mga kaibigan ko dahil doon. At ngayon ako nasasaktan na wala ng Cyrll sa buhay ko na masasabi kong akin. Ganito pala yung pakiramdam na gusto mo pa din yung ex mo pero napagdesisyunan nyo na lang maging magkaibigan. Heavy! Baka lalo akong mautas kapag makita kong masaya na sya sa iba. Yung mas iibigin mo pang paniwalaan na flat yung earth kesa paniwalaan yung feelings mo na okay ka lang na hindi na ikaw yung nagpapasaya sa kanya.
Kinagabihan mag isa ako sa unit dahil sumana ulit si Yuan kay Mama. Medyo malapit ng maayos yung unit namin. Mayamaya ay may kumakatok at agad kong pinagbuksan iyon.
Nagulat ako si Cy.
“Cy? Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.
“Yun yung unit ko.” Sabi nya at tinuro nya yung pintuan sa katapatang unit namin.
Naalala ko nakita nga pala sya ng anak ko dito dati. Napatango ako ng marealize ko iyon.
“Nagdinner ka na?” tanong nya. At umiling ako.
“Tara…” hinila nya ko papunta doon sa unit nya.
Pagpasok namin. Ang ganda ng unit nya at ang ganda ng interior at spacing ng mga gamit. May nakahanda ng pagkain doon sa lamesa.
“Pwede mong libutin tong unit ko…hindi pa luto tong isa ko pang niluluto.” Sabi nya at tumalima ako.
Ang hilig pa din nya sa painting. Sobrang modern ng mga design ng mga furniture nya. Ang hilig pa din nyang magvideo games. Mayamaya may napansin akong isang bagay sa carpet nya. Kwintas at lagot ito at may pendant na letter ‘S’. Hindi ko alam bakit biglang pumasok sa isip ko na baka gamit ito nung babaeng gusto nya. Aww. Nagpupunta sya dito sa  unit ni Cy. Hindi ko alam bakit naiinggit ako sa idea na yun.
Lumapit ako kay Cy.
“Cy may nakaiwan yata nito.” Sabi ko
“Ah oo…may nakitulog kase dito kaninang madaling araw..” sabi ni Cy at kinuha nya yung kwintas at pinamulsa nya.
Kainis ayokong mag isip ng kung ano pero madaling araw yun! Argggh!
Pinagsandok ako ng kanin ni Cy at sya na din yung naglagay ng ulam sa plato ko. Nakakainggit malamang mas grabe pa nyang pagsilbihan yung babae nya.
“Don’t worry Babe hindi pa ko tumitingin sa iba..you know, ‘The three Month’s Rule’ kaya wag munang mag selos…” natatawang sabi nya.
“Hindi noh! Kapal mo!anim na taon na tayong hiwalay ngayon mo pa naisipan yang ‘Three Months rule’.” singhal ko sa kanya.
Tumingin sya sakin at parang nagnining ning yung mata nya.
“Don’t be feel insecure to others you know…medyo mahirap kang kalimutan.” Nakangiting sabi nya at doon alam ko sobrang pula ng mukha ko. Sobrang gustung gusto ko na sinasabi nya yung laman ng isip nya sakin.
Puso wag kang umasa bahala ka mababasag ka!
Pag kakain namin ay hinatid na ako ni Cy sa unit ko pero nagulat ako dahil nasa tapat ng pintuan ko si Gale at parang nabigla sya ng makita nya na magkasama kami ni Cy.
“Bakit magkasama kayo?” tanong ni Gale at nakita ko nakakuyom ang mga kamay nya.
“Sa tingin mo bakit magkasama kami at nasa pribadong lugar?” paglingon ko kay Cy heto na naman yung blangkong mata nya at wala ni kahit na emosyon. Bigla akong kinabahan.
“Kung gusto mong malaman kung ano yung ginawa namin kanina?” hindi ko alam bakit hindi ko sya mapigilan kase nag iba naman yung awra ni Cy ng makita nya si Gale.
Ngumisi si Cy at pinihit nya ko paharap sa kanya.
“Gale…nagkainan kami…” at timitig sya sakin at walang anu ano ay hinalikan nya ko sa labi ko medyo nangatog yung tuhod ko at ng magkahiwalay yung labi namin. Iba na naman yung emosyon ng mga mata nya…parang punung puno ng pagmamahal.
“Sorry Babe kung napagod kita…babawi ako bukas.” at tumingin sya kay Gale at ngumisi sya.
Para akong nasa roller coster sa emosyon ni Cyrll. Kanina okay sya ngayon nung nakita nya si Gale biglang iba na naman. At kung ano ano yung pinagsasabi nya.
“Sorry Tol..feeling ko akin pa eh…” sabi ni Cy at parang lalo nyang ginagalit si Gale.
“Stop…” sabi ko kase alam ko kaya nya pinagsasabi ang lahat ng ito para pasakitan si Gale. Kahit ako nasasaktan kase kahit alam kong part lang ito ng pang aasar nya kay Gale yung puso ko naniniwala sa kanya.
Pinamulsa ni Cy yung dalawang kamay nya at walang kabuhay buhay na tumingin kay Gale. Bago sya pumasok sa Unit.

“Mahal mo pa din ba sya?” tanong ni Gale at yung luha sa isang mata nya tumulo na.
Napalunok ako at kahit ako nasasaktan sa sagot ko.
“Oo.” Mahinang sagot ko.
…………………………………
Thanks for reading.
Vote and comment kayo guys.
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon