Secret Code

3.7K 166 1
                                    

Roian's POV

Gabi gabi na lang nagigising kami dahil binabangungot sya at yung pinaka worst ay hetong nagdudugo yung ilong nya na hindi nya namamalayan kaya nagpapanic ako. Nasa CR kami ngayon at naghihilamos sya. Hinahagod ko yung likod nya at panay ang tanong ko kung ano ang masakit sa kanya. Pagtingin ko sa wallclock, 2:16 am.

"Pagbalik natin ng Manila ay pupunta tayo kay Yuri..." saad ko. Napatukod yung dalawa nyang kamay sa magkabilang lababo at nakayuko sya habang nakapikit ng mariin. Yung tumutulo yung tubig sa ilang hibla ng buhok nya at ganun din sa mukha nya dulot ng paghihilamos nya. Napadako ako sa damit nya na puno ng dugo dahil sa pagdurugo ng ilong nya. She looks helpless!

Nasasaktan ako na makita syang ganito. Yung wala syang maalala tapos sumabay pa yung mga panaginip nya.
Kumuha ko ng isang shirt.

"Cy....magpalit ka muna ng damit..." saad ko at humarap sya sa akin. Nabigla ako dahil heto na naman yung walang kabuhay buhay na mga mata nya. Parang wala na naman sya sa sarili nya. Yung sobra na naman ang lalim ng pagkaitim ng iris ng mga mata nya. Napalunok ako pero nilabanan ko yung takot ko.
Hinawakan ko yung kamay nya.

"Cyrll.....I Love You...." bulong ko. Napayuko sya at napapikit ulit ng mariin.Na wari ba'y may nilalabanan sya sa isip nya. Pagtingin nya sakin ayun...parang nagising sya. Ngumiti sya sakin.

"Really?" Masayang saad nya at hinubad nya yung t-shirt nya. Napaiwas yung tingin ko. Ang nipis talaga ng tyan nya. Kinuha nya yung t-shirt sa kamay ko at sinuot nya yun.

"Yup! I love you..." saad ko.

"Kulang yung salitang yan para idescribe yung feelings ko sayo....higit pa sa salitang yan yung pagmamahal ko sayo..." saad nya at ewan, yung overwhelm sa puso ko sagad kaya napayakap ako sa kanya.

"Okay na pakiramdam mo?" Tanong ko. At tumango sya. Humiwalay ako ng yakap sa kanya at hinawakan ko yung dalawa nyang kamay.

"Cy..." tawag ko sa kanya.

"Hmmmm?" Tugon nya.

"Magpagaling ka....nandito lang kami ni Yuan para sayo....nasasaktan kase ako kapag nakikita kitang ganito....let's forget that night" saad ko.
Hindi ko alam kung naiintindihan ba nya ko dahil di naman nya maalala yung part na yun pero sana magets ng puso nya yun para di na paulit ulit yung panaginip nya.

"Magpapagaling ako promise!" Masiglang saad nya kaya napangiti ako.

Hinilot ko ang sentido nya hanggang sa makatulog sya ulit. Nababahala ako sa tuwing lumilitaw yung ganung emosyon sa mga mata nya. Yung parang hindi nya ko nakikita at nakikilala.  Pinagbigyan ko si Cy na mag extend pa kami ng isang araw dito sa Palawan. Sobra syang nawili sa ganda ng dagat. At sabi nya one time ay mag Hawaii daw kami at kasama na si Yuan doon. 

"Any time baka bumalik na ko sa kumpanya...." saad nya habang magkahawak kamay kaming naglalakad kami sa tabing dagat. Sya may bitbit ng tsinelas naming dalawa.

"Really? Yung dating posisyon ba?" Tanong ko. Medyo nag aalala ako, kaya na kaya nya?

"Oo....sa condo na ulit ako tutuloy...kapitbahay nyo na ulit ako." Natatawang saad nya.

"Sa amin ka na kakain ng breakfast and lunch..." presinta ko at ang lawak ng ngiti nya parang nanalo sa lotto.

"How about, sa condo ko na lang kayo tumira...kasama si Mama..." saad nya.

"Kaya mo na kaming buhayin?" Natatawang sabi ko.

"Wala ka bang bilib sa akin?" She rolled her eyes.

"Magastos si Yuan..." natatawa kong saad.

"Dapat pala mag invest na ko para sa education plan ni Yuan...." napapaisip nyang sabi kaya napatawa ako.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now