Gale

4.2K 162 5
                                    

Chapter 7
Roian’s POV
Hindi nag explain sa akin si Gale ng kahit na ano kaya lalo akong naguluhan.Umalis sya na wala akong idea sa mga iniisip nya.
Naglalakad kaming mag ina sa tabing dagat habang may hawak syang maliit na stick. Sina Mama eh nagluluto pa ng tanghalian namin actually late na tanghalian.
“Anak…” tawag ko sa anak ko at humarap sya dakin.
Hinawakan ko yung kabilang kamay nya at niyakag ko syang maupo kami sa nakahigang katawan ng isang puno.
“Anong napag usapan nyo ni Ninang Gale mo?” tanong ko sa anak ko.
Napanguso yung anak ko at waring nagdodrawing ng bilog sa buhanginan.
“Makulit po si Ninang Gale..lagi nyang tinatanong sakin kung maganda daw po sya?” napatawa ako sa narinig ko parang yamot na yamot kase yung anak ko.
“Anong sagot mo?” tanong ko.
“Hindi.” Sagot ng anak ko kaya lalo akong napatawa.
“Hindi ka nagagandahan kay Ninang Gale?” amaze na tanong ko.
“Maganda sya Mommy pero…” hindi matuloy tuloy ng anak ko na para bang kinikilig habang parang may inaalala.
“Pero?” usisa ko.
“Mas maganda po kase yung babae na nakita ko nung pumunta tayo sa bagong bahay natin..parang matangkad lang sya sayo ng kaunti.” masayang sabi nya.
“So may maganda tayong kapitbahay sa condo unit natin?” tanong ko.
“Opo Mommy..somewhat she looks familiar din..parang nakita ko na din sya dati na hindi ko maalala kung saan.” Sa tono ng anak ko para syang may gusto doon sa babae.
“Nagbibinata na yung anak ko ah…” natatawang sabi ko at inakbayan ko sya.
“Tapos..si Ninang Gale lagi nyang sinasabi sakin na Love ka nya pero dapat di mo malaman secret lang daw po namin. Eh mas mahal kita ng sobra mommy..” saad ng anak ko na wari bang nakikipagkompitensya sya kay Gale.
“Syempre alam ko naman na ako yung Number one mo eh..” sabi ko at humalik ako sa pisngi ng anak ko.
“Sabi pa nya, hindi si Daddy yung First love mo kundi yung gumawa ng scar dyan sa noo mo Mommy…” saad ng anak ko at doon na ko nabigla. What the Heck Gale! Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa anak ko?
“Di ba Mommy nakuha mo iyan sa isang aksidente? Mali mali naman si Ninang Gale…” parang naguguluhan din yung anak ko.
Lumuhod ako sa harap ng anak ko habang nakaupo pa din sya doon sa katawan ng puno.
“Ganito anak…habang nandito tayo sa Pilipinas gusto ko kapag may narinig ka o ano kay Mommy ka magtatanong huh? Daddy told us na tayong dalawa lang yung magtatanggol sa isat isa hindi ba?” tumango naman yung anak ko at yumakap sa akin.
Gale ano bang gusto mong mangyare?
Pagkatapos naming kumain ay pinaidlip ko ng tulog yung anak ko at pinangakuan ko sya na mamasyal kami kasama sina Mama mga bandang 6pm.
Pumunta ako sa veranda dala yung cellphone ko.
Ilang ring bago sumagot si Gale.
“Ano yung pinagsasabi mo sa anak ko?” inis na tanong ko sa kanya.
Narinig ko na napatawa sya saglit. “Relax Roian…”
“How come na marerelax ako kung anu ano yung pinagsasabi mo sa anak ko Gale!” sobrang naiinis ako sa kanya.
“Gusto kong malaman ni Yuan lahat…” hindi ko sya pinatapos.
“Gusto mong malaman ni Yuan lahat? For godsake Gale..mag aanim na taon pa lang yung anak ko! Sa tingin mo maiintindihan nyang lahat? Ayokong magalit yung anak ko sa isang sitwasyon na hindi naman nya naiintindihan ang lahat.. don’t push me to my limit na kahit ikaw hinding hindi ko hahayaan na makakalapit sa anak ko kahit kailan…” saka ko sya binabaan ng cellphone.
Ito yung pinakaayaw ko sa lahat yung gagamitin yung anak ko sa personal na galit ng iba.
Shannon’s POV
Ibang iba na sya. Di na sya katulad ng dati na makita mo lang sya yung hindi ka maaanong lumapit kase sobrang alwan at friendly ng awra nya pero ngayon kulang na lang itim na usok yung bumalot sa kanya. Para syang papatay ng tao. Hay…kaya naman talaga nyang pumatay ng tao.
“Para saan ba ‘to?” malditang tanong ko at napatingin sya sakin ewan parang nakaramdam ako ng takot kahit yung mata nya di naman nanlilisik.
“Tungkol to sa kaibigan mo…” saad nya. Alam ko na si Gale yung tinutukoy nya.
“Which is na kaibigan mo din..” natatawang sabi ko at napaismid sya.
“Pigilan mo yung kaibigan mo…” saad nya
“Bakit hindi ikaw ang pumigil?” tanong ko. Sa lahat si Gale yung ayaw kong pakielaman sa bagay na pinag gagawa nya.
Napangisi sya.
“Kapag may nangyaring masama doon sa bata…papatayin ko sa harap mo si Yvie..” kaswal na saad nya.
“Hindi mo kayang gawin yun dahil si Yvie na lang ang meron ka…” saad ko.
“Paano mong nalaman na hindi ko kayang gawin?” tanong nya na direkta sa mga mata ko kaya napakuyom ako ng mga kamay ko.
“Nakalimutan mo na yung ginawa ko kay Roian?” nakangising tanong nya kaya napasinghap ako.
“Haist! Gale wants Roian alone…” pag aamin ko. Nakakainis tong babaeng to! Alam nya na si Yvie yung kahinaan ko.
“Nasa kamay mong lahat kung paano mo mapoprotektahan yung bata. “ sabi nya at parang kampante syang gagawin ko iyon.
“Hindi ba ikaw din muntik mo ng mapatay yung bata sa sinapupunan ni Roian, di ba?” malditang tanong ko. Kase nakakainis! Saka di ko naman hahayaan na masaktan si Yuan eh somewhat mamanipulahin ko lang yung mga magulang ni Alvin para kunin nito yung kostodiya ng bata. Ngayon sobrang nahihirapan ako dahil sa pakikialam ng isang to.

“That was exactly my idea. Ako ang papatay sa kanila.” Sarcastic na sabi nya at nakangisi sakin.
“Baliw ka.” Saad ko.
“Tama ka..baliw ako.” Sagot nya ng direkta sa mga mata ko at seryosong tono ng boses.
Si Carol lang talaga yung matino sa amin.

Roian’s POV
Sinabi ko sa mga magulang ko na sa mansyon na lang silang magbonding na magLo-Lola para sa hapon eh makikita ko din yung anak ko. Hindi ko alam bakit napraning na ko simula ng sabihin sakin ni Cy na wag kong iwawaglit sa paningin ko yung anak ko gayong alam mo yun muntik na nya kaming patayin na mag ina pero mas na praning ako sa ibang tao.
Pagpasok ko sa opisina ng resturant ko nagulat ako ng sobrang daming puting rosas dito. Tinawag ko yung secretary ko at tinanong ko sya kung saan galing ang mga iyon. Inabot nya sakin yung isang card.
‘I’m sorry. I will make it up with you and it wont happen again.’
At galing ito kay Gale.
Hindi ko alam bakit mas naapektuhan ako sa isang pulang rosas na natanggap ko nung isang umaga kesa dito sa isang dosenang puting rosas.
Napailing ako sa sarili ko.
“Have you meet your Ex again?” wala sa hulog na tanong ko sa secretary ko at napangiti sya sakin.

“Opo ma’am” sagot nya.
“Anong naramdaman mo?” tanong ko kase sobrang nakucurious ako.
“Wala naman po Ma’am…narealize meron po” sabi nya.
“Ano yun?” usisa ko kase baka pareho kami.
“Narealize ko po Ma’am na napakahayop po pala nya…” natatawang sabi nya kaya lalo akong napatawa.
“Bwiset ka Jennifer…” sabi ko.
Mayamaya ay may kumatok sa pinto kaya pareho kaming napatingin doon. Si Ren yung receptionist namin.
“Ma’am may bisita po kayo..” sabi nya
“Sino?” tanong ko.
“Si Miss Yuri Alcantara may kasama po syang dalawang babae.” Sabi ni Ren.
Ganun na lang yung kabog ng dibdib ko. Taragis! Biglaan  naman to. Andito din si Cyrll. Argggh!
……………
Vote and comment kayo guys.
Thanks for Reading
~dark

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now