That kid!

3.3K 144 1
                                    

Shann's POV

Sabi ko last na yung sa warehouse pero heto na naman kami ulit.

Gale is really mad. Hindi ko sya mapigilan kahit ako eh sobra din galit ko.

"Amin na..." saad ni Gale habang may hawak na bakal sa kaliwang kamay.

"M-maawa kayo...please...wala akong alam." Pagmamakaawa nung lalakeng nadampot ni Hunter na lumabas sa imbestigasyon namin ay isa sya sa nagpakalat ng video. Buti naagapan namin kaya napigilan yung pagkalat nun.

Hunter is silently watching Gale. Ayokong tingnan kase knowing Gale gago yan eh.

Mayamaya ay dumadating na si Yvie.

Inagaw nya yung bakal kay Gale.

"Napakatagal nyo dito, tang ina naman may meeting pa ko ng alas dos!" Singhal ni Yvie.

Nagsquat si Yvie para magpantay sila ng lalakeng nakaluhod habang nakatali ang mga kamay at paa.

"Kilala mo ba kami?" Tanong ni Yvie sa lalake.

"H-hindi po....pakawalan nyo na po ako...." saad nya at umiiyak na.

"Sya...hindi pa sya magaling pero tumatakas lang sya sa mental hospital para gumawa ng libangan kagaya nitong nangyayare sayo..." turo nya kay Hunter.

"Ito naman yung nanakit sayo....hindi pa namin sya naiipasok sa mental, may kaso kase sya...napatay nya yung tatay nya kase may krung krung sya. Kaya please umamin ka na...kase kung hindi soon na iabot ko sa kanya yung bakal na ito hindi ko na sya mapipigilan hanggang sa isunod ka nya sa tatay nya....at ang mas malala eh i-damay nya yung mag iina mo?" Sabay pakita ni Yvie ng isang larawan sa cellphone nya at nanlaki yung mga mata nito at nabalot ng takot.

Dahan dahang tumayo si Yvie habang nakikipagtitigan doon sa lalake at dahan dahang iniaabot kay Gale yung bakal. Napalunok ako ng pagbibiglang pagbabago ng mga mata ni Gale....Katulad ito ng kay Cy nung nawala ito sa katinuan.

"This is fun." Masayang turan ni Hunter.

Gale is about to hit that guy ng humiyaw ito at binigkas ang isang pangalan.

"Kayo ng bahala...may meeting talaga ako!" At walang anu ano ay nilayasan kami.

That's it! Si Yvie lang pala yung kailangan.

"Bahala na kayo Hunter....yung pera nandun....." sabi ko at naglakad na din palayo.

Hindi namin sya papatayin....hindi namin kaya pero ewan kay Gale...bahala na nandun naman si Hunter. Papalikasin lang namin yung lalake para hindi na madamay yung pamilya nya. Inaayos lang namin ang lahat para kahit papaano makabawi kami kay Roian. At ayaw namin itong makarating pa kay Cyrll mas hindi namin kontrolado yung ugali nya kapag nagagalit sya.

Pagsakay ko ng kotse nakasakay na din dun si Yvie.

"Hatid mo ko, wala na kong kotse wala din akong cash dito...." ngiting ngiting saad ni Yvie.

Kakainis! Wala akong nagawa kundi ang pahiramin sya ng pera. Ginawa na nya kong human ATM.

Ang kulit kase sabi ng magbagong buhay tuloy hirap na hirap syang magpakitang gilas doon sa magulang ng taong gusto nya.

Pagkaparada ko sa harap ng mga Santillan.

"Bumaba ka din..." sabi ni Yvie

"Tang ina bakit? Ayaw ko nga init init!" Singhal ko sumosobra na itong isang 'to.

"Nasa labas yung mga pinsan nya kapag ako lang yung lumabas malamang magtataka sila kung sino yung naghatid sakin dito.....kayo yung susunod kong papahiramin ng isla after nina Roian promise!" Napakagaling talaga sa negosasyon ng isang 'to.  Okay para sa monthsary!

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now