Promise

3.4K 134 5
                                    

Roian's POV

"Mommy I'm okay...I'm sleepy..." napangiti ako ng marinig ko ito sa anak ko sa kabilang linya. Malamang nakanguso na ito ngayon dahil sa antok.Ganitong oras kase yung nap time nya sa tanghali after kumain ng lunch. Hindi ko kase mapigilan na hindi sya kulitin ngayon.

"Anak...okay lang ba sayo na bumalik tayo sa ibang bansa?" Hindi ko alam bakit biglang pumasok sa isip ko iyon. Napatingin ako sa mga ulap at may ilang ibon na lumilipad sa himpapawid. Napangiti ako. I want my Yuan to be like them...to be free to conquer the world.

"Yeah...as long I have you Mom." Pagkasabi nya ay napahikab pa sya. Napangiti ako. Napakalambing talaga ng anak ko.

"Okay take a nap baby, tawagan ulit kita mamaya..." ng umalma sya.

"We almost talking the whole time Mom...hindi ko na po mabuksan yung laruan na bigay ni Lola Mama." Reklamo nya kaya napatawa ako.

"Awww! You dont want to talk to me? Are you mad?" Kunwaring hinampo ko pero napapangiti ako.

"Nah! I love talking to you but....I'm just so excited for my new toy...but I'm sleepy...gosh! How come I have two doors here in my room..." amaze na sabi nya at talagang antok na antok sya. I feel guilty...bakit kase ngayon ko naisipan na kulitin sya.

"Okay baby take a nap now...I love you..." sabi ko.

"I love you too..."

Pagkaputol ko ng tawag ay mariin akong napahawak sa railings sa veranda ng kwarto ni Cy. Pangatlong araw na namin dito sa mansyon nila.

Yung daddy ni Cy ay umalis na din after nung pag uusap namin.
Gale....hindi ko talaga alam kung saang paraan ko sya matutulungan. Wala akong namalayan ni isa sa kanila na ganito na pala yung nangyayare. Nabaliw si Cyrll ng dahil sa akin 6years ago. Yun lang yung nakuha kong sagot sa tanong ko na hindi ko man lang nalaman yung nangyare kina Gale, Shannon, Carol at lalo na kay Yvie. Kausap ko sila sa email at kavideocall the whole duration ng anim na taon pero ni isa kanila wala akong alam. Kung anong nangyayare sa kanila that time. And I'm damn curious to Yvie...6years yung nagdaan na hindi kami nagkita at ni isa wala syang naikwento sakin maliban sa sya ang nagbantay kay Cyrll. Lahat sila walang sinasabi sa akin.

"Tang ina! Bakit ngayon ko lang namalayan?" Bulong ko sa hangin. Mas lalo akong napraning para sa amin ng anak ko. They are all capable of killing each other for godsake! Ano pa yung kaya nilang gawin sa anak ko?

"Okay ka lang..." paglingon ko si Cyrll. May pag aalala sa mga mata nya kaya ngumiti ako na okay lang ako para assurance.

Tumabi sya sakin at nakitanaw sa magandang tanawin sa harap ko.
"I know you have a question....pwede kang magtanong." She said without bothering to look at me. Doon ako nagulat.

"Balisa ka simula nung dumating tayo dito...I know there is a problem. Nalilito ka. Ask me and I'm willing to answer it." Humarap na sya sakin at inipit nya yung ilang hibla ng buhok ko sa tenga ko.

Napahinga ako ng maluwag.
"Paano mo nasaktan yung kapatid mo?" Diretsang tanong ko and she look confuse.

"Hindi ko kayang saktan si Kuya MJ...." sabi nya

"Not Kuya MJ....Si Gale...paano mo sya nagawang saktan?" Sa totoo lang natatakot na ko sa kanya. Ayokong masagot yung isang hinala sa isip ko kase hindi kakayanin ng puso ko. Lalo na ng puso ni Yuan.

Napangiti sya...ngiti na sobrang lungkot ng mga mata nya. At parang expected na nyang alam ko na.
"Gale is my bestfriend and everyone knew that but no one knows is the 'PROMISE' that we made 10years ago...." tumingin sya sa akin na may halo halong emosyon ang nabubuo sa mga mata nya and her lips are shaking pero nilalabanan nya. Hurt is banging in her chest while remembering all the moment that they share to each other.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now