Concern

3.3K 147 3
                                    

Roian's POV

Napakagaling talaga sa pagdedesign ni Shann. Sobrang nagterno yung mga lobo at rosas at yung mga ilaw na ginamit nya. Magtataka pa ba ako halos pag agawan nga sya ng mga malalaking kumpanya.

Naglatag kami ng tela sa damuhan at yung mga tanim na rosas ni Cyrll bumagay sa paligid. Nahiga kami at pinanuod namin yung mga stars. Nakaunan ako sa isang braso nya.

"Constelation Orion" sabi ni Cyrll at inalalayan nya yung daliri ko para i-trace yung position ng mga bituin. Napangiti ako.

"In greek story,He is the light of heaven...." saad nya at humalik sya sa pisngi ko.

Tahimik kaming nakatingin sa langit. I have my friends, my family, my son and Cyrll. Makakaya kong malagpasan itong problema ko.

"I really want to live at peace...kasama kayo ni Yuan...sa dating bahay natin." Sabi ko.

"Gusto mong umuwi tayo ngayon dun?" Tanong nya at napatango ako.

Yung kabog ng puso ko habang binabagtas namin yung daan ng dating bahay namin hindi ko mapigilan. Parang isa isang bumabalik sa gunita ko lahat ng memorya namin ni Cyrll nung umuuwi pa kami dito dati. Kung paano manggulo si Cyrll habang nagdidilig ako ng mga halaman namin sa garden. Yung pagtulong nya sakin sa paglalaba ng laundry namin dahil ayaw namin ng may katulong kami at yung paglilinis namin sa loob ng bahay. Yung paghabol sakin ni Cyrll kapag tinatakbo ko yung paper works nya hanggang sa umabot kami sa garden. Yung kapag umiinom kami ng kape namin sa umaga sa veranda ng kwarto namin. And how we made love in every coner of that house. Yung pinuno namin ng pagmamahal yung loob ng bahay namin pero gumuho ng lahat ng iyon ng dahil sa isang gabi na yun na dumurog sa bawat isa sa amin.

Naputol yung pagbabalik tanaw ko na maulingan kong kanina pa pala kami nakahinto sa tapat ng gate namin. Napabuntong hininga ako at nakangiting lumingon ako kay Cyrll. Cyrll hold my hand and smile at me.

"Ready?" Alangan tanong nya pero tumango ako sa kanya. Pinagbuksan nya ko ng pintuan.

Napupunan ng sari-saring emosyon yung puso ko. Nang mabuksan na ni Cyrll yung gate namin. Lihim akong napasinghap. I hold Cyrll's hand.

"Pina-renovate ko yung ibang parte ng bahay...ang tagal na kaseng hindi na natitirahan. Nag adjust din ako sa garden natin for Yuan...naglagay ako ng basketball court sa gilid para kapag nagbinata si Yuan hindi na nya kailangan gumala...everything he need inadjust ko na sa bahay natin."kwento nya habang naglalakad kami sa garden namin. Wala halos nabago at namaintain nyang lahat. Natutuwa ako dahil sinama nya yung anak ko sa desisyon nya sa bahay na ito.

"I love the whole house it reminds me of you....but this garden...pinakapaborito ko dito dahil sobrang alagang alaga mo ito dati....dito tayo parang tangang naghahabulan dati at talo pikon ka." Kwento nya at napakagat ko yung ilalim na labi ko.

Sobrang daming taon yung nasayang sa amin.Sobrang nanghihinayang ako sa lumipas na mga taon namin dahil umikot lang iyon sa galit at kasinungalingan.

Naglakad kami sa tapat ng front door namin. Nanginginig yung mga kamay ko at yung luha ko nanggigilid na. Pagbukas nya ng pintuan at pagkahakbang namin papasok ay tumulo na yung luha ko at lalo na nung buksan ni Cy yung ilaw. Nang mapatingin ako sa mga flower vases, paintings at lahat ng gamit. Ito yung iniwan naming gamit dati. Ito pa din yun. Yung mga gamit namin na saksi ng lahat lahat sa amin.

Biglang pumasok sa isip ko yung memorya na napupunan ng tawanan, asaran at away pusa na madalas gawin namin ni Cyrll dati. Dalawa lang kami dito pero napakagulo na ng bahay gawa namin. Pero mas riot kapag dumadalaw yung mga kaibigan namin.

"Let's Start all over again....let's fill this house with laughter and love again with Yuan." Saka nya ko yinakap.

Napaiyak na kong tuluyan ng bumulong si Cyrll sakin.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now