Experimental Feelings

4K 154 5
                                    

Roian's POV
Pagkarating namin ngTagaytay ay agad kaming naghanap ng hotel dahil bukas na lang kami ng umaga uuwi para makapag empake naman ng dadalhin namin sa Palawan. Nang makapagcheck in na kami ay bumaba kami para kumain. Habang nag aantay kami ng order namin ay may lumapit na dalawang lalake sa table namin at kinukuha yung pangalan namin. Swerte nila dahil wala sa wisyo yung kasama ko kung sakali sang katutak na panglalait yung aabutin nila.
Itinaas ko yung isang kamay ko at pinakita ko yung singsing sa daliri ko kaya napatahimik sila. Kamot ulo silang bumalik sa table nila. Napangiti ako.Pagtingin ko sa katapat ko hindi maipinta yung mukha nya at ang sama sama ng tingin nya sa singsing na suot ko.
"Para saan yang tingin na yan?" Natatawang tanong ko.
Nag iwas sya ng tingin at parang nakanguso na sya. Para talagang bata.
"Pinagseselosan mo ba yung sarili mo? Ikaw nagbigay nito sakin." Saad ko  at napatingin sya sakin.
"Yes Miss ikaw po nagbigay nito sakin noong sinagot kita...." sabi ko at sakto dumating na yung order namin.
"You love making me jealous.." saad nya at pinaglalagyan nya ko ng pagkain sa plato ko.
"No. I'm not...ikaw nga nagbibigay ng sakit ng ulo sa akin noon...napakadaming umaaligid sayo....hindi ko malaman kung paano ko nadispatya lahat ng mga yon..." natatawang kwento ko.
"Roian..." malambing na tawag nya sakin.
"Po!" Masiglang tugon ko.
"My heart told me that I'm madly in love with you....parang ang hirap kimkimin sa dibdib kapag hindi ko ito nasasabi sayo. Kahit may part ako na hindi ko maalala pero nilalamon ako ng puso ko na maramdaman na sobrang mahal kita...." malambing na saad nya. I'm melting....she's my old Cyrll...na sobrang maboka pagdating sa nararamdaman nya.
"Hindi pa naman late, tuparin na natin yung pangarap natin...magkasama tayong tatanda at ngayon kasama na si Yuan." Saad ko. Wala na ata akong mahihiling pa kase nasa akin na yung dalawang pinakamamahal ko pati na rin yung pamilya at mga kaibigan ko.
Pagkakain namin ay nagsimula na kaming mamasyal sa buong Tagaytay...sa totoo lang di naman first time dito pero dahil walang maalala itong kasama ko ay nagmukha kaming member ng mga estudyanteng nagtutour dito.
Pinarada ko yung sasakyan ko sa gilid ng kalsada para bumili ng kape at ang sabi ko sa kanya na antayin na lang ako sa loob ng sasakyan.
Habang inaantay ko yung order ko ay natanaw ko mula sa kinatatayuan ko sa loob ng coffee shop na bumaba si Cy ng kotse at masayang nakatanaw sa bulkang Taal. Napangiti ako, ang sarap nyang panuorin kapag ganitong masaya sya. Humabol pa ako ng order ng chocolate cake at kasama din ito sa take out ko. Pagtingin ko kay Cy wala na sya dun sa kinatatayuan nya. Baka pumasok na sya ulit sa loob ng kotse. Mga ilang minuto nakuha ko na yung order ko at nakapagbayad na. Pagtawid ko ng kalsada ay napakunot na yung noo ko sa natanaw ko kaya lumapit ako. May isang babae na nagpapatulong kay Cy.
"Ah...miss mukhang okay pa yung gulong mo..." saad ni Cy habang inoobserbahan nya yung mga gulong ng sasakyan ng babae.
"Eehhh...malabot talaga sya eh...please paki tingnan Cyrll.." malanding saad ng babae kaya napakuyom yung mga kamay ko sa hawak ko.
"You know me..." takang tanong ni Cy. Sino bang hindi makakakilala sa kanya dahil sa yaman ng pamilya nya. At alam ng buong bansa na she's into girls!
Tiningnan ko yung kabuuan ng haliparot..dress to kill ang lola nya...sinong normal na babae ang magsusuot ng sleeveless na pang itaas at halos nasa singit na yung iksi ng maongshorts dito sa Tagaytay City! Lalong nag init yung ulo ko dahil habang nakayuko si Cy sa gulong ng sasakyan nito ay parang sinasadya nyang ibangga yung mga legs nito sa girlfriend ko.
"CYRLL!" Hiyaw ko at parang napaigtad pa sya at napatulos na ng tayo. Pinandilatan ko sya ng tingin at sinenyasan ko syang lumipat dito sa tabi ko. Namumutla syang lumapit sa akin.
"Cyrll teka yung gulong ko..." himaktol nung babae.
"Hindi mekaniko ang GIRLFRIEND ko!" Mataray kong pambabara dun sa haliparot.
"Eh Cyrll..." hihirit pa yung babae at talagang di ko na kinaya yung inis ko.
"Kung ipagpipilitan mo yang gulong mo sa Girlfriend ko hindi ako mangingiming ako babaklas nyan para ipukpok ko yan sa bunbunan mo para makalimot ka sa pang aakit dito sa kasama ko!" At tiningnan ko sya ng masama at napaatras sya. Lumingon ako kay Cy at parang gulat na gulat sa nangyayare.
"Sakay." Plain na utos ko sa kanya at tumalima sya. Habang nasa loob kami ng sasakyan. Hindi pa din maalis alis yung inis ko. Hinagis ko sa lap nya yung alcohol.
"Aanhin ko 'to?" Takang tanong nya.
"Punasan mo yung braso mo...kiniskis nya dyan yung legs nya..madumi." saad ko at narinig ko syang mahinang napatawa.
"Selosa..." mahinang bulong nya.
"No...kakalabas mo lang ng hospital at sobrang imune mo sa BACTERIA." Sarcastic kong sabi.
Natatawa syang tumalima.
"Magpakasal na kaya tayo...bilis mong maaning eh..." natatawang saad nya at sa pagkabigla ko ay napaapak ako sa preno kaya parang muntik na syang mapasubasob. Buti walang ganong sasakyan
"Awww! Pakakasalan naman kita pero wala namang umpugan sa dashboard Babe..." maktol nya.
"Papakasalan lang kita kapag di kana natingin sa ibang babae!" Bulyaw ko. Kakagalit!
"Hindi ako natingin sa iba...sya lang lumapit sa akin eh saka ayaw nya maniwala na wala ako maalala sa pagkukumpuni at pagmamaneho ng sasakyan. Saka sinabi ko sa kanya na nabili lang yung Girlfriend ko ng kape namin....ikaw lang gusto ko..." parang batang hinanaing nya. Muli kong pinaandar yung sasakyan.
Haissst..bakit pagdating sa kanya di ko sya matiis...
"Kainis bakit ang selfish ko pagdating sayo..."

Yuri's POV
"Hindi ako makapagconcentrate! Please Shannon huminahon ka.." pagpapakalma ko sa kanya.
"Naririnig mo ba yang sarili mo? Kalma? Ng ganitong dalawang dangkal yung sugat ko??" Hiyaw nya sa akin na umiiyak. Minsan naiinis na sin ako sa sarili ko dahil sobrang bait ko sa mga ganitong uri ng tao.
Napabuntong hininga ako at pinagpantay ko yung paningin namin.
"Shann...calm down and look at me...trust me, I will do my best to lessen the pain...." saad ko at humihikbi syang napatango. Habang ginagamot ko sya ay nagkukwento ko sa kanya ng kung anu ano para ng sa ganon ay kahit papaano ay hindi sya matuon sa ginagawa ko sa sugat nya.
"See, I told you hindi kita pababayaan at buti dito mo naisipan pumunta..." nakangiting saad ko at pag angat ko ng tingin ay nakatitig pala sya sa akin.
"I-ikaw lang kase yung kilala kong duktor na okay lang sigawan..." nag iwas sya ng tingin kaya napatawa ako.
"Kain tayo..." yaya ko. Alam ko naman na mabait syang tao at nakwento na sa akin ni Yvie na naiipit lang ito sa sitwasyon sa pagitan ni Gale at Cy.
Pumayag syang sumama sa akin na kumain sa isang japanese resturant malapit sa clinic ko. Hindi sya makakain ng maayos dahil nasa kanang braso nya yung sugat nya na kakatahi ko lang.
Habang nakahain na yung pagkain namin. Kita ko sa mga mata nya na favorite nya lahat ng pagkain sa harap namin.
"Nagkiss naman na tayo...okay na siguro itong isang chopstick..." sabi ko at sinubuan ko sya ng pagkain. Napatawa ako ng mahina dahil pulang pula yung mukha nya habang ngumunguya at hindi sya makatingin sa akin.
"Bakit ba ayaw mong kalimutan yun?" Masungit na ismid nya sa akin.
Pagkaaubo ko ng pagkain ay sya naman yung sinubuan ko.
"Unlucky...that was my first kiss... you stole it. Para sana sa first love ko yun..." natatawang sabi ko pero totoo sa first love ko sana iyon eh.
"Kanino? Kay Yvie?" Mataray nyang saad kaya napataas yung kilay ko.
"Tanga ka? Bestfriend ko si Yvie..yuck kiss with her? No! Di ba ikaw may gusto kay Yvie bakit sakin mo pinupukol?"  Saad ko.
"Eh kung ganun kanino?" Usisa nya.
"Para sana kay Hunter....pero hindi pwede pa sa ngayon....bawal pa kami." Saad ko.  That was my dream...Hunter be girlfriend pero hindi pwede...private patient ko sya gaya ni Cyrll. Sobrang daming rules kaya di ako makaporma.
"Swerte nya sayo...mabait ka." Nakangiting saad nya.
"You think so?" Napayuko ako. Pero di naman ako makita ni Hunter sa paraan kung paano ko sya tingnan.
"Yuri...." tawag sakin ni Shannon kaya muli akong napatingin sa kanya.
"Ano bang pakiramdam ng may nagmamahal sayo?" Tanong nya at yung mga mata nya nababalot na ng lungkot.
Parang kinapos ako ng hininga dahil hindi ko din alam. Minsan naiinggit din ako kina Cyrll at Roian dahil sobrang mahal na mahal nila yung isa't isa.
"Yuri let's do a game....try natin maging tayo...gusto ko lang maranasan yung may nag aalala sakin at yung may nag aalaga. At gusto ko din na maranasan yung may iniingatan ako na isang tao na equal yung pagtingin sakin. Pwede naman nating ihinto kung hindi talaga kaya...you know...experimental lang...." saad nya at ilang minuto hindi ako makasagot. Something in her eyes na hindi ko kayang tiisin. Lagi ba syang narereject ng mga nagugustuhan nya? Yan yung nababasa ko sa kanya. Lalo na sa mga mata nya.
"Okay...game. tayo na." Nakangiting saad ko. At parang nagliwanag yung mga mata nya.
"Isang rules lang....No kiss." Nakangiting saad nya. Okay lang...experimental lang naman ito eh.
Gusto ko lang din malaman kung paano yung nasa isang relasyon ka na equal yung feelings nyo.
...............
Thanks for Reading
Vote and comment kayo guys.
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon