Capacity

3.5K 154 10
                                    

Gale's POV

"Beg for your life, sister..." natatawang saad ko at dahan dahan akong lumapit sa kanya habang hawak ko yung patalim na binigay nila. Sa sobrang excited kong mawala sya hindi ko maramdaman yung masasakit sa buong katawan ko.

"Dalawang hakbang mula sakin luluhod ka." Kampanteng saad nya at napangisi ako. It will never happen!

"Really?" Sarkastikong tanong ko.

"Trust me...I'm your fucking half sister right?" Natatawang saad nya.

Nang malapit na ko. Parang naliyo ako. Hindi ako makahinga! Lahat ng memorya nung araw na iyon bumalik sa isip ko....sinong nagpapatugtog ng musikang yun! Napaluhod ako at nanlalamig ang sikmura ko at parang nilalamon ako ng kadiliman.

"Turkish March....bakit hindi mo sinabing paborito mo ito Gale?" Nang uuyam nyang tanong.

Lahat! Lahat ng ala alang binaon ko sa limot bumabalik sa isip ko. Nanginginig ako. Napaluhod akong maigi at hindi ako makatayo sa takot. Hawak ko ang pulso nya at tinulungan ko sya para hindi na huminga. Dad look at me intently habang hinahabol nya yung hininga nya, Mom cheering me up while I'm doing it. Yung music na pinapakinggan ni Dad kagaya din ng tumutug ngayon habang dahan dahan kong dinidiin yung patalim sa pulso nya. Hatred, anger and feeling Numb this things....it kills my emotion and my heart.
Yung pagsirit ng dugo nya sa pulso nya ay sumasabay sa saliw ng tugtog ni Mozart. Ibang saya yung nararamdaman ko pero nung pinilit ng nakagisnang ama ko na magsalita....my world crashed down...
'I....hate you...' yan yung huling salita na binitawan nya sakin bago sya nalagutan ng hininga at yung musikang yon nilalamon yung ulirat ko. At di ko nakayanan.Natutuyo na yung lalamunan ko.....

"Bangon Gale...wag kang mahina..." boses ni Cyrll.

Lumapit sya sakin at yumukod.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may melophobia ka? Napakahina mo Gale...." natatawang saad nya. Parang lumalakas yung tugtog sa buong paligid...Hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko na kaya........nagdilim na yung paligid ko.

Hunter's POV

Wala ng malay si Gale at dumudugo na yung ilong nya. Torture tong ginagawa ni Cy sa kanya. Pero mas grabe pa din yung ginawa nya sa kaibigan ko.

"Iwan mo yang si Gale sa harap ng bahay ni Raffy....Introduction lang ito at sigurado ako di nya malilimutan itong araw na nagpakilala ako bilang kapatid nya..." nakangising saad ni Cy.

"Ang hina naman nito para maging kapatid mo...." saad ko at sinenyasan ko yung tauhan ko na buhatin si Gale.
"Pupunta na kong Singapore....isusunod ko ang tatay ko."

Walang ganang saad nya at humakbang palayo. Sobra yung sakit yung naipon sa isip at dibdib nya at nilalabanan nyang sumabog. Goodluck kay Roian kung magagamot ba nya itong si Cy.
Ang galing din nyang magpanggap na magaling na sa harap ng lahat....

Roian's POV

Bandang 7pm ay tumawag si Cy na nasa Singapore na sya. Alam ko na hindi sya makakapagwalangya doon kapag kasama nya yung pamilya nya.
Napaigtad ako sa gulat ng makita ko na tahimik na nakaupo si Hunter malapit sa plantbox ng resturant ko.

"Hunter...." tawag ko at masaya syang ngumiti sakin.

"Roian!" Para syang batang lumapit sa akin kaya napatawa ako. Ang cute nya.

"Why are you here? Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Takang tanong ko at inagaw nya sa isang kamay ko yung dala dalahan ko.

"Binilin ka sakin ni Cy...sunduin daw kita habang wala sya." Masayang saad nya.

Parang di naman ako mananalo sa isang 'to kapag sinabi kong wag na kase sobrang loyal nito kay Cyrll.

"Tara na...sa bahay ka na din magdinner para mameet mo din yung anak ko." Nakangiting saad ko.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon