A Paper

3.3K 135 3
                                    

Roian's POV

"Sa tingin mo anong maganda ditong design ng wedding gown?" Tanong ni Ate Belle habang nasa harap ko yung mga design.

Hindi ko naman kasal bakit ang hirap mamili? Yung sa kasal kase namin ni Alvin sya na yung pinag ayos ko dahil wala ako sa ulirat ng mga panahon na yun dahil sa kakaisip kay Cyrll.

"This one...." maganda kase yung kulay.

"Wow! This is my option also..." at iniabot nya iyon sa designer.

"Ate, dapat si Kuya MJ ang kasama mo dito?" Nakangusong sabi ko dahil hindi ako nakasama kina Cy at Yuan sa paggala.

"Nag aayos sya ng venue ng kasal....sobrang minamadali na kase nina Mommy." Sabi ni Ate.

"Ito sa mga abay....maganda ba?" Tanong ni Ate.

"Yes! This is wonderful......" maganda talaga gumawa itong kaibigan ni Ate.

Pagkatapos namin magcake tasting ay hinatid ko na si Ate sa bahay. Hindi na ko dumaan dahil nagmamadali akong makasunod kina Cyrll sa park.

Pero sa kalagitnaan ng biyahe ko ay may tumatawag sakin. Unknown number....

"Hello?" Pagkasagot ko.

"Wanna know why Alvin do that to you?" Boses ng lalake at biglang nanlamig yung buong pagkatao ko naramdaman ko na gumewang yung kotse ko habang umaandar kaya natauhan ako.

"Who are you?" Nanginginig yung boses ko.

Namatay yung tawag at may nagpadala ng isang mensahe. Address.

Kahit natatakot ay binaling ko sa kabilang kanto yung sasakyan but to my surprise someone cut me kaya napatili ako ng muntik na kong mabangga sa kotseng humarang sa akin.

Bumaba si Hunter sa passenger's seat sa harap. Napasinghap ako ng mauligan ko yung mga mata nya. It look the same nung una ko syang nakita sa resturant ko....sinenyasan ako ni Hunter na alisin yung pagkakalock ng pintuan kaya ginawa ko at walang pakundangan na sumakay sya at inagaw yung phone ko.

"Drive." Plain na sabi nya.

Gusto nyang sumama? Kaya wala akong nagawa kaya pinaandar ko na ulit yung sasakyan.

"Alvin Samaniego was your first boyfriend right?" Tanong ni Hunter sakin at napatango ako.

"He was drag by his brother that night...He doesn't like to ruin your life...." kwento ni Hunter.

"Who told you that?" Nahihilo na ko kung ano ba yung totoo. At sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa manibela.

"Your father in law....We have a calm conversation a week ago." Saad nya kaya nagsalubong yung kilay ko sa kanya.

"You never calm down with bad people! Anong ginawa mo?" Naiiyak ako sa kalokohan ng isang ito!

"Nah! Nothing...." sabi nya.

Piling ko isang araw mahahawa na ko sa kanila!

"Follow this address...." at binasa nya sakin kung saan. Bakit lalabas na kami ng syudad?

"This day all your pain will vanish...." saad ni Hunter. Lahat ng lumalabas sa bibig ni Hunter nangyayare. Lagi sya ang naghaharap sa akin ng katotohanan. Alam ko kung bakit nya ginagawa ito dahil kay Cyrll.

Sa isang sementeryo kami nakarating. Nakahawak ako sa braso ni Hunter habang naglalakad kami at parang wala lang sa kanya yung dinadaanan namin.

"Para kang kuting..." natatawang sabi ni Hunter kaya kinurot ko sya napadaing lang sya saglit pero natawa ulit.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now