The Beast's Nightmare

11.1K 226 4
                                    

Chapter 1

Cyrll’s POV
Hinawakan ko ang balikat ng kuya ko at ngumiti ako sa kanya kahit naiinis ako sa paraan ng pagtingin nya sakin. Awa. Yan yung mababasa mo sa mga mata nya.
“Hindi na ko pwedeng humawak ng mataas na pwesto sa kumpanyang ito, Kuya Mark.” Saad ko at muli akong naupo sa katapatang sofa.
“Bakit hindi? You deserve everything…” saad nya pero pinigilan ko sya.
“Mag aalangan na ang mga investors dahil sakin..You deserve everything in this company…matagal akong nawala. Marami kang nagawa para dito.”sabi ko.
“Ayos ka na naman na bakit hindi na pwede?” minsan parang bata itong kapatid ko.
“I’m not okay…Saka tutulungan pa naman kita just in case..” nakangiting sabi ko at batay sa mga mata ng kapatid ko parang suko na sya makipagdiskusyon sa akin.
How can I be okay? I’m literally broke. Emotional broken and worst mentally  broken.
Dalawang linggo palang simula ng makalabas ulit ako ng mental hospital.
“Nanaginip ka ba ulit?” tanong ni Kuya.
“Medyo…minsan nga parang ayoko ng matulog.” Saad ko at komportable akong sumandal sa kinauupuan ko.
“Anim na taon na simula ng mangyare yun,kailangan mo ng magmove on…” saad ni kuya.
“Hindi ko na sya iniisip kuya…pero yung mga ala ala yung pumapasok sa isip at panaginip ko.” Sabi ko kay kuya. Kahit anong tulong ko sa sarili ko bumabalik pa din ito sa isip ko.
“May pamilya na yung tao…may anak na sya at masaya na sa ibang bansa. Cy alam naman natin na hindi mo ginusto yung nangyare.” Sabi ni kuya sakin.

Ang tanga ko kase…bakit ako bumigay nung mga oras na yun? Para kase akong nanaginip ng mga panahon na yun. Nagising na lang ako nasa isang hospital ako at ililipat na sa isang mental hospital. 3 months daw akong wala sa sarili at iba iba ang sinasagot sa doctor ko. Bakit? Bakit hindi ako nagising agad?
Sabi ni Kuya…nang nadatnan nila ako sa bahay namin duguan na ko at tulala. Akala nila nakapatay na ko. 50-50 yung taong naging biktima ko ng mga panahong yun.
Ang pinagtataka ko bakit di nila ko dinemanda? Bakit sila nagpaareglo sa mga magulang ko? Deserve ko makulong sa bilangguan…walang kapatawaran yung ginawa ko. Pinagkatiwalaan nila ko para sa anak nila pero anong ginawa ko?
Sobrang gumuho yung mundo ko dahil sa nangyare. I lost everything.
After ko makipag usap kay Kuya Mark ay dumeretso na ko sa doctor ko.
“How’s your day Cy?” tanong sakin ni Yuri. Sya yung doctor ko.
“Ayos lang…maganda yung sikat ng araw para sabayan ng drama ko.” Saad ko na nakangiti at napangiti sya.
“Pero sapat na tulog mo sa gabi ang gusto ko.” Kaswal na sabi sakin ni Yuri.
Natahimik ako. Hindi ko kase magawa iyon.
“Yuri…” mahinang tawag ko sa kanya habang nakayuko ako at ramdam ko tinuon nya yung tingin nya sakin.
“Naalala ko na lahat ng ginawa ko nung gabing iyon…” sabi ko. Ilang minuto yung katahimikan yung bumalot sa amin na wari ba inaantay nya ko magkwento. Sa totoo lang matagal ko ng naaalala iyon siguro may limang buwan na. Akala ko imagination ko lang lahat ng scene na yun sa isip ko hanggang sa panaginip ko sinasakop na ng ala alang yun.
“Ready ka na ba na ishare sakin?” mahinahong tanong nya at tumango ako.
Huminga ako ng malalim at tumingin ako sa kanya.
“N-nung araw na yun naghiwalay yung mga magulang ko.Si Mommy devastated wala ako magawa… Nakayanan ko pa yung sakit kase alam ko pag uwi ko ng bahay namin nadun sya para sakin. The same day, tumagilid yung kumpanya dahil sa mga pinaggagawa ni Daddy…lahat ng responsibilidad nasa balikat ko.  Dapat may gawin ako para di magback out yung tatlong investors namin. Gulong gulo na yung isip ko ng mga oras na yun pero sinarili ko. Hindi ko alam bakit hindi ako umiiyak that time..sobrang namamanhid yung katawan ko….yung utak ko hindi na tumatanggap sobrang blanko. Ang gusto ko lang ng mga araw na yun eh ang makauwi kay Roian…..” napahinto ako at napangiti ng mapait. “Sya na lang kase ang meron ako ng mga sandaling yun.Kahit maghirap ako basta sya yung kasama ko matatanggap ko.” Dugtong ko at tumingin ako kay Yuri.

“And then? What happened?” mahinahong tanong nya.
“Hindi sumang ayon yung tadhana sakin….that day I found out…” sumisikip yung dibdib ko at pakiwari ko kahapon lang nangyare lahat.
“Nalaman ko na pinagdadalang tao ni Roian yung anak nila ng ex-boyfriend nya. In a snap nawala na ko sa sarili ko…tumakas na yung isip ko sa katinuan….I hurted her so badly and I didn’t mean it….God’s know hindi ko ginusto yun gawin sa kanya….bu-buti hindi ko napatay yung baby sa tummy nya kundi di ko mapapatawad yung sarili ko…..” saad ko para bang pinipiga ang puso ko everytime na naaalala ko yung mga bagay na ito.
“Ito ba lahat yung napapanaginipan mo?” tanong ni Yuri habang nagsusulat sya ng mga notes.
“Medyo…” napayuko ako napahawak ako sa batok ko.
Napahinto sya sa ginagawa nya at napatingin sakin.
“Yuri yung panaginip ko…paulit ulit…Yun eh kung paano ko sya halos mapatay sa mga kamay ko. Sana nagising ako at hindi ko hinantong sa ganung paraan….nagagalit ako sa sarili ko dahil nasaktan ko sya ng pisikal….paulit ulit din yung eksena na nagmamakaawa sya para sa buhay nilang mag ina pati yung tinawag nya akong halimaw…..” lahat ng iyon di nakayanan ng utak ko at ng puso ko kaya literal na bumigay ako. Nang dahil lang sa isang araw na sabay sabay nangyare sa akin yun nawala ang lahat sa akin.
Lahat ng iyon laging laman ng panaginip ko kaya minsan ayokong matulog. Sobrang nilalabanan ko. Hindi man ako nakulong sa kulungan pero yung sumpa na araw araw kada ipipikit ko yung mga mata ko yun yung paulit ulit na pumapasok sa panaginip at isip ko. Napakasimple sa iba pero sobrang torture nito sa akin. Dahil sa sobrang paglaban ko sa depresyon na ito dalawang beses na bumigay ang isip ko at halos gawin ko ng habang buhay na bahay yung mental hospital.
Sinabi ko kay Yuri na gusto ko munang umuwi dahil pagud na pagod ako sa di ko malamang dahilan at pumayag naman sya.

Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si Yvie na naghihintay sakin.Bestfriend ko sya simula ng high school kami. Sinabihan din sya ng pamilya ko na wag ng sabihin ni kahit kanino yung sinapit ko at yung pagpapagaling ko sa isang mental hospital ni sa mga kaibigan namin lalo na kay Roian.
“Para sayo…” abot ni Yvie sakin. Kinuha ko yung sobre at pagbukas ko…High School reunion ng klase namin.
“Roian is there….” Saad nya at napatingin ako sa kanya.
“Hindi ako aattend…” saad ko. Baka matakot lang sya sakin at bugbugin ako ng mga dati kong kaibigan na tinalikuran ako after nung sa amin ni Roian. Di ko naman sila masisisi kase ako naman talaga yung may kasalanan duon.
“Guilty much…” taas kilay na tanong nya.
“Yes I Am…” saad ko.
“Kukuha lang tayo ng tyempo para makausap sya at makahingi ka ng sorry sa kanya…to make your bad dreams to stop.” Saad nya.
“Saying Sorry is not enough…..” sabi ko ng putulin nya yung sasabihin ko.
“Kung nakita lang nila o makikita lang nila ngayon yung pinagdadaanan mo daig mo pa yung nakulong….Cy yung makausap mo lang sya ulit sa tingin ko matatapos na ito at makakapagsimula ka na ulit sa buhay mo.”
Baka nga iyon na lang yung kulang. Yung makahingi ako ng tawad sa kanya. Ilang taon akong nawala sa ulirat kaya hindi ko iyon nagawa sa haba ng panahon.
…………
Back in the business guys!
Thank you for reading guys.
Vote and comment kayo para ganahan at sipagin ulit si author.
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now