Mind of it's own

3.7K 153 8
                                    

Cyrll's POV

All my defenses fell down ng tuluyan na syang nakapasok sa grupo namin. Katakot takot na pagpipigil ko sa puso at isip ko na wag maramdaman sa kanya 'to. Kaya kahit na nasa isang grupo kami ay iniiwasan ko sya ng pasimple hanggang sa maggagraduation noong 4th year high school kami.

One day hindi ko alam kung ano yung magiging reaction ko ng dumating sya sa room namin na mugto ang mga mata. Napatingin lang ako saglit pero umiwas din agad at muling nagbasa ng libro na padala sakin ni Yuri na nag aaral sa US. Alam ko makakasundo din nila si Yuri soon na ipakilala ko sa kanila ito.At hindi na inintindi yung usapan nila.

"Nakipagbreak ka?" Takang tanong ni Carol sa kanya ewan bakit hindi ko napigilang napataas yung kilay ko dahil doon.

"I-I didn't know...nafall out ako." Mahinang saad nya.

"You are in love with somebody else...." hula ni Yvie.

"Yan din ang tingin ko....hindi ka naman mapo-fall out kung hindi ka nakatingin sa iba...." saad naman ni Shann.

Gusto kong matawa, si Yvie okay pa magpayo kase may love life sya eh...pero si Carol at Shann ang gagaling eh kay lalamig ng love life nila. Saan nila hinugot yun?

"Sa tingin mo Cy?" Tanong ni Shann sakin.

"Malay ko...never naman akong na in love...." sabi ko pero gusto kong pagmumurahin yung sarili ko dahil sa kasinungalingan na yun. I saw Gale looking Roian's face like she admire it. Bakit hindi ko magustuhan yung idea na mukhang may gusto sya kay Roian.

At parang may mabilis na sakit na dumaan sa mga mata nya....o imagination ko lang yun ng salabungin nya yung tingin ko.

Naglalakad ako papuntang parking lot  mag isa ng matanaw ko sa waiting shed si Roian mag isa. Nag aamba pang uulan. Sina Shann kase nagkayayaan pang gumala sa mall bago daw umuwi hindi naman ako pwede kase akala ko kasama si Roian doon. Kahit anong iwas ko na mangyare na dalawa lang kami sa iisang lugar at iisang pangyayare hindi ko talaga maiiwasan.

"Hindi ka pa uuwi?" Kunwari kalmadong tanong ko pero yung puso ko nagwawala na at sobrang lakas na ng kabog nito.

"Inaantay ko kase si Mama....may dinaanan pa kase sya." Alanganing ngiti nya.

Napatingin ako sa langit, magdidilim na at parang uulan pa.

"Hatid na kita..." kahit ako nabigla din sa sarili ko bakit ko nasabi yun kahit sya parang nabingi kung tama yung narinig nya.Wala na naioffer ko na eh!

"Tara na..." sabi ko at naglakad na ko papunta sa kotse ko. Gusto kong pagsasapakin yung sarili ko dahil nagawan ko pa syang pagbuksan ng pintuan sa harap.

Pagkasara ko ng pintuan ewan bakit hindi ko napigilang mapangiti...natigilan ako. Hindi! Wag!

Pagkasakay ko ng driver's seat. Parang naiilang sya kaya napataas yung kilay ko.

"Problema mo?" Tanong ko kaya napabaling sya ng tingin sakin.

"Wala. Dapat ba may problema?" I can't believe her....nagmamaldita na sya kaya napangisi ako.

"Maldita talaga..." bulong ko habang kinakabit ko yung seatbelt ko. Binato nya ko ng tissue kaya natawa ako. Papaandarin ko na sana yung kotse ng mapatingin ako sa kanya, parang namula yung mukha nya nung napalingon sya sakin.

"Ano?" Alangan nyang tanong.

"Feeling ko kikiligin ka kapag ako pa yung nagkabit ng seatbelt mo..." natatawang pang aasar ko sa kanya kaya lalong namula yung mukha nya sa hiya.

"Pakayabang...." bulong nya habang kinakabit yung seatbelt nya.

Habang on the way kami sa bahay nila ay naipit kami sa traffic at umulan pa talaga.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now