Home

3.7K 135 6
                                    

Yvie's POV

Napatas ang kilay ko habang nakatingin ako kay Shann na hindi mapatid patid ang ngiti sa mga labi nya habang nag autocad sya. Hindi ko alam kung nakuha nya lahat ng details na sinabi ko para sa bagong bahay na ipapagawa ng Mommy ko sa kanila. Biglang nagkaroon ako ng idea.

"Nagsex ba kayo ni Yuri? Ang saya mo eh." Saad ko kaya lang bigla nya kong hinataw ng dala nyang Ruler.

"Inamo ka isa ka pa! Wag mong balutan ng kadiliman yung isip ko para kang si Roian! Kainis." Singhal nya. Napatawa ako.

"Bakit anong tinuro sayo ni Roian? Dapat sakin ka nagtatanong NAPAKADAMI kong kaalaman na willing kong ituro sayo..." natatawang saad ko kase alam ko si Yuri ang unang naging karelasyon nitong kaibigan ko.

"Isa Yvie! Wag nyong arrghhhh! Halayin yung utak ko tang ina naiisasabuhay ko!" Inis na inis na saad nya kaya napatawa ako ng malakas.

"Sorry na late ako..." Uupo sana si Yuri sa tabi ni Shann pero hinila ko sya para mapaupo sa tabi ko. Napangisi ako ng mapasimangot si Shann.

"Dito ka. Walang matatapos yang isang yan." Saad ko na nakangisi kay Shann na hindi maipinta ang mukha.

"Huh?" Tanong ni Yuri na akala mo naapi din dahil hindi nakatabi si Shann.

"Tang ina yang mga hormones nyo aactive...ayaw maghiwalay? Lapit lang nyo mga te..." sarcastic kong sabi.

Sasamain talaga itong si Shann sakin kapag wala syang natapos na design.

"Panira!" Bulong ni Shann na nakasalubong na ang kilay.

"Ayos ka, bestfriend mo ko Yuri bakit kay Roian at Carol ko pa nalaman na kayo na nitong si Demonyita?" Tanong ko.

Napangiwi si Yuri. "Yvie hindi sya demonyita...." bulong ni Yuri kaya lalo akong napatawa.

"Anong masarap ang ipinakain sayo ni Shann? Iba na kategorya ng angel at devil para sayo ah?" Nanunuksong tanong ko.

"Yung masarap na bagay na hindi maipatikim ng imaginary girlfriend mo..." masungit na sabat ni Shann. Si Yuri natahimik at pulang pula ang mukha.

"Ow! Em! Gee! May nangyare sa inyo? Alam kong sabik itong kaibigan ko pero Bakit sinuko mo agad?" Inarte kong tanong ko kay Yuri at nanlaki yung mata nya pulang pula yung mukha nya. Akala ng Shann na to hindi ako magaling mang asar.

"What the hell! Jerk! Bwisett!" At sinampal ako ni Shann sa inis. Pulang pula din yung mukha nya.
Natatawa akong hinihimas yung pisngi ko.

"Defensive nyo kamo....halata kayo na may ginagawa kayong milagro.....magpa orientation kayo kina Roian at Cy kung paano umacting na kunware hindi kagagaling sa lampungan..." natatawang sabi ko.

"Kayo ni Roian ang nagbabawas ng bilang ng buhay ko..... Ako na....ako na sasagot ng plane ticket ng girlfriend mo...please utang na loob bigyan nyo ko ng kapayapaan....." malditang saad ni Shann at napangiti ako.

"Honeymoon tour na lang in Paris....3days." Saad ko at napataas ang kilay nya sakin.

"Sinuswerte ka? Kami muna...." saad ni Shann at muling binuksan yung laptop nya.

"Maghahoneymoon? Makisig ka Shann!" Natatawang saad ko.
Sinipa nya ko sa binti. Ouchhh!

At ang sama sama ng tingin nya sakin. Pakapikon talaga.

"Alam mo, mas may sense talagang kasama si Yuan sa inyo...." bulong ni Shann.

Paglingon ko kay Yuri nakatingin sya kay Shann na parang nagniningning yung mga mata nya. I'm glad that Yuri saw how beautiful Shann's soul.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now