New Start

4K 154 4
                                    

Roian's POV

Ilang araw lang namalagi si Cy sa hospital  bago sya pinayagan ni Yuri lumabas. Si Yuan akala mo ilang taon silang hindi nagkita ni Cy. Ayaw nya bumitaw ng yakap dito at kasama din namin sya sa pagtulog. Ito yung pangarap ko dati yung matanggap kami ni Cy heto ang saya ko dahil natupad na.

Nasosolo ko lang si Cy kapag pumapasok sa school si Yuan o kaya hinihiram sya ni Mama. Yung buong unit ko sumaya dahil sa ingay nina Yuan at Cy. Sobrang kating kati ako na umuwi ng maaga makita ko lang sila.

"I'm home..." sigaw ni Cy kaya napangiti ako at sinugod ko sya ng yakap at muntik na kaming nabuwal. Kakahatid lang nya kay Yuan sa school.

"30minutes lang tayo di nag kita..." natatawang saad nya habang yakap nya ko.

"Kahit na..." saad ko at pinalupot ko yung dalawa kong braso ko sa leeg nya.

Napatawa sya. 

"May pupuntahan ako mamaya..." saad nya.

"Sama..." saad ko.

"Hindi pwede....meeting yun para makabalik na ko sa kumpanya. Date na lang tayo after..." nakangiti saad nya at sumang ayon ako.

Hinatid muna ko ni Cy sa meeting place namin ni Shannon. Si Carol kase nasa Vietnam ngayon, si Gale ewan ba kung saan nagsusuot yung isang yon.

"Sis!" Kaway sakin ni Shann. Lumapit ako sa kanya at yinakap nya ko.

"Ang saya mo ah..." natatawang saad ko at napairap lang sya.

Naglakad kami papasok ng mall at pumunta sa favorite namin na resto.

"Ang saya ko okay na kayo ni Cy..." saad nya at napangiti ako.

"Isa lang yung inaalala ko, yung custody ni Yuan soon na malaman ito ng pamilya ni Alvin." Saad ko. Hindi ko alam kung paano gagawin ko.

"That's easy..." sagot ni Shann kaya napatingin ako sa kanya.

"Really Shann?" Sarcastic kong saad.

"Kapag in love ka...you can do crazy things...." at sumubo sya ng pagkain.

"Crazy thing like?" Siraulong babaeng 'to.

"Ninang ako ni Yuan...kapag nasaktan yung inaanak ko...madami akong kayang gawin." Nakangiting saad nya.

"Shann don't tell me..."

"Hindi ako nanakit ng pisikalan....Roian kapag nagkagulo ng dahil sa pamilya ni Alvin about Yuan...iuurong ko yung pagsusupply ko ng mga materiales sa company nila. Remember, kaya lang naman kami nag invest kina Alvin ay gawa mo at gawa ni Yuan...saka ang yaman ni Cyrll kayang kaya nyang buhayin yung apo nila." Walang ganang saad ni Shann.

"Ang sadista mo Shann....Hindi naman naging masama yung mga magulang ni Alvin sa akin. Mag love life ka na nga ng dapuan ka naman ng tamis sa katawan....pakla eh" Sabi ko at napasimangot ako sa kanya.

"Pinakielaman ko ba yung love life mo?" Nakataas ang kilay nyang saad.

"Ano ba Shann ang hilig mong mang away! Kainis ka, kawawa magiging partner mo sayo wala kang sweet na emosyon...ang dahas mo 'te!" Ganti ko at kumain ako.

Mayamaya ay nagring yung phone nya. Napatingin pa sya sakin bago sinagot yung tawag. Para syang may tinatago sa akin.

"Hello...kumakain na ko kasama ko ang kaibigan ko...ang kapal mo! Pag iisipan ko muna. As if gagawin mo lang akong katulong...kumain ka na..sasagutin ko yang tanong mo mamaya...bye." ewan parang nakislap yung mga mata ni Shann

"Shann in love ka ba?" Tanong ko at nasamid sya.

"No." Plain na sagot nya. At nagkibit balikat na lang ako. Sabi nya eh.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now