Her Like

3.6K 166 6
                                    

Roian's POV

Masamang utusan si Hunter period! May ganito pa palang tao ngayon na kapag may iniutos ka sa kanya sobrang stick sya doon. Iba! Iba sya sa lahat ng kaibigan ni Cyrll. 

"Hindi ka nagtatrabaho?" Tanong ko habang umiinom kami ng milktea. Inaantay kase namin si Carol. Broken hearted kase ang lola nyo.

Tinuro nya yung ulo nya. Ano daw?
"Huh?" Takang tanong ko.
"Anong ilalagay kong experience dun sa resume ko? Homebase sa mental hospital?" At napaikot pa yung mga mata nya.

"Anong trabaho mo dati? Alam mo na bago ka...." hindi ko maituloy dahil baka maoffend sya.
"Winemaker....Sa Italy." Plain na sabi nya.

Nanlaki yung mga mata ko.

"Really?" Wow! Hindi ko ine expect,
"Yup! Magaling na winemaker ang tatay ko..." sabi nya.

"May naitabi ka bang gawa mo?" Tanong ko. Gusto kong matikman.
"Meron...I made it by remembering the taste of the lips ng first love ko." Proud nyang sabi.
"Talaga? May ganun sa wine?" Tanong ko.

"Did you remember your first kiss with Cy?" Tanong ni Hunter.
Inalala ko.....sobrang nakakalasing yun...nakakalunod. yung wala naman talaga syang lasa pero sobrang natatamisan ka na hindi ka mauumay bagkus ay hahanap hanapin mo. The taste of her mouth.....yun yung hindi ko mapagsawaan.

"That was the taste of good wine....hay! Basta mahirap ipaliwanag!" Parang nakukulitan na sya sakin.

"Kainis! Namimiss ko lang lalo si Cy...." bulong ko at halos maubos ko na yung milktea ko sa isang inuman.
Tiningnan ko yung phone ko ng magvibrate ito.

Si Shann...may sinend syang link.
Bubugbugin ko itong babaeng to kapag kabastusan na naman itong ipinadala nya sakin.
Napahawak ako ng maigi sa phone ko. Picture ni Cy at may kasama sya na parang half Chinese.

"Pinsan ko yan...may gusto sya kay Cy at mas binibisita pa nya sya kaysa sa akin na pinsan nya...." saad ni Hunter na nasa likod ko na habang umiinom ng milktea nya at muli syang naupo sa katapatan kong upuan.
Kakainis!

Wala na! Nayamot na ko! Nawalan na ko ng gana! Kaya pala kating kati sya magSingapore! Mahusay!
Hindi ako nagseselos! Nabubwisit ako! Napaka talaga.

"Oww my Ghad! You are mad....." parang batang saad ni Hunter.
"No I'm not!" Talagang nanggigil ako. Napatingin si Hunter sa milktea ko at napalunok sya dahil durog na yung tapioca balls dahil dun sa straw na sinasalaksak ko.

"You--- I mean...di naman sya nagustuhan ni Cy..." nagyon pa nya pinagtakpan yung kaibigan nya. Talaga naman.
"You dont want me to be mad at you right?" Tanong ko kay Hunter at napatango sya.

"Tell me everything about your COUSIN..." nilihis ko yung milktea ko sa gilid ng lamesa at buong atensyon akong tumingin kay Hunter.

"Haisttt! Wag ka ng magselos...mahal na mahal ka naman ni Cy....totoo yun." Kanda utal na banat ni Hunter kaya lalong napataas yung kilay ko.

"Hindi ako nagseselos! This is for safety measure!" Saad ko.

"What? Hindi killer yung pinsan ko." Banat ni Hunter.

"Isa!"

"Naman Roian, OA mo magselos..."

"Dalawa, Hunter, Dalawa!"

"Ginagawa mo lagi 'to? Mang stalk ng lahat ng babaeng umaaligid kay Cy..."

"Tatlo..." nagtitimping bilang ko. I'm not stalker!

"Okay! Okay!"

Good!

"She is...Miranda....isa sila sa mga investor nina Cy. She knew about Cyrll's condition from the start at tikom din yung bibig nya ukol dito kase kapag sumabog yun madadamay ako. She like Cy a lot but she know how to be off limit kay Cy. Hindi naman kase sya magugustuhan ni Cy dahil ikaw yung paulit ulit na panaginip nya nung mga panahon na iyon." Kwento ni Hunter.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now