Two Worlds

3.5K 142 16
                                    

Roian's POV

Habang nagkakasiyahan sa may garden ay may kukunin lang sana ako sa kwarto ni Cy dahil nandoon yung bag na dala namin ng harangin ako ng Daddy ni Cy.

"Can I have a minute with you?" Mababang boses na tanong nya kaya napatango ako. Hindi ko alam bakit kinabahan ako. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang salas pa ng bahay nila na.

"Thank you for caring Cyrll.." saad nya pero hindi maalis yung lungkot sa mga mata nya. Is something wrong? Hindi mawala yung kaba ko.
Lumunok ako at tumango.

"I know this is too much but...." napatingala si Tito at hinilot ang balingusan ng ilong nya. Nagulat ako ng tumulo yung luha nya.

"Roian..." his voice cracked hindi ko alam bakit naalarma ako.

"Tito....okay lang po ba kayo?" Tanong ko...do I need to call Cyrll? My ghad! Her dad is crying in fuckin' in front of me! Talagang natense ako.

"Roian I know this too much to ask but.....can you save the life of my another child?" Pagmamakaawang iyak nya at nagpipigil humikbi.

Naguluhan ako? Si Kuya Mj? But He can ask it to my sister.

"Another Child?" Naguguluhan kong tanong.

Parang hirap na hirap syang napatango at pinunasan nya ang mga luha nya na ayaw tumigil.

"Why me? Alam po nila na ano....?" Sobrang hindi ako komportable sa usapin na 'to kase alam ko sina Kuya MJ lang at Cy ang magkapatid. Nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ko...

"Roian please.....Save my daughter....save Gale.." humihikbing saad nya at parang nabingi ako ng marinig ko yung pangalan nung anak nya. Nanlamig yung buong pakiramdam ko.

"L-like Cyrll......Bumigay si Gale.....Tumakas sya sa katinuan.....Sa buong buhay nya....ikaw lang yung gusto nya....please save my Gale..." pakiusap nya habang umiiyak. Hindi ko alam bakit mabilis ding nag unahan sa pagtulo yung mga luha ko. Hindi okay si Gale....hindi okay yung kaibigan ko!

"Nahihirapan ako kung paano gagawin na matulungan si Gale ng hindi nasasaktan si Cy....Cy was really mad at me to the point that she want me to be out in our family......akala nya binibigyan ko si Gale...akala nya nakikihati sya sa yaman ng pamilyang ito....hindi alam ni Cy na lahat ng meron si Gale ay pinaghirapan nya yun....Kaya nagmamakaawa ako sayo...tulungan mo ako na maibalik sa tamang pag iisip si Gale....kapag naging okay sya...lalayo na kami.....maninirahan na kami sa Europe." Pagmamakaawa nya.

Napalunok ako.

"H-hindi po ako pwedeng magdesisyon agad...." hindi pa man natatapos yung sasabihin ko ng humirit ulit sya. Pag aawayan namin ni Cyrll ito...ayokong magtrigger ulit sya ng dahil sa akin na naman.

"Si Cyrll ang dahilan ng breakdown ni Gale because of you....Both of my children are in love with you.....gusto kong magalit sayo dahil buhay ng mga anak ko yung nawawasak dahil sayo....Gusto kong ilayo sayo si Cyrll....pero hindi ko magawa....seeing Cyrll's eyes how madly in love with you hindi ko magawa....at hindi ka na ibang tao sakin.....do something for Gale..." pagmamakaawa nya. Paano ko sya ililigtas? Yung kay Cyrll pinupunan ko ng pagmamahal lahat ng alaala at lahat ng paghihirap nya. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko kay Gale.

"Naiitindihan kita kung hindi mo kaya....Please wag mong sabihin kay Cyrll itong pag uusap natin....salamat sa oras." Saad nya at tumayo at naglakad na papasok ng isang kwarto.
Yung luha ko ayaw tumigil. Gumuho ang mundo ni Gale na isa sa amin walang nakapansin....gusto kong murahin yung sarili ko ng dahil na naman sa akin!

Napahilamos ako ng mukha ko sa frustration na nararamdaman ko. Hindi ko din malaman kung paano ikukompronta si Cyrll regarding dito dahil sobrang sensitibo ng sitwasyon nya.  Napakuyom ako ng mga palad ko.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon