To Stay

3.9K 161 6
                                    

Roian's POV

Nakaidlip na ko at hindi na muling dinapuan ng antok sa pagbabantay kay Cy. Mahimbing ang tulog nya, malaking bagay ito para makabawi sya ng lakas. Hindi ko talaga sya kayang iwan. Tinitigan ko ang mukha nya. Hindi nakakasawa yung ganda nya. Nagsalubong yung kilay nya marahil sa liwanag ng paligid, 7 am pasado na kase. Dahan dahan syang dumilat at parang hindi pa nya ko napapansin. Hinilot nya yung sentido nya gamit ang isang kamay nya dahil may dextrose sya sa kabila.

"Damn you Yuri!...." mahinang reklamo nya. Nabanggit sa akin ni Yuri na ginamitan ng pampatulog si Cy.

"Goodmorning...." bati ko at parang nagulat pa sya kaya napatawa ako.
Hindi sya makareact at nagbaling ng tingin. Yung mga mata nya para na namang walang emosyon. Dati natatakot ako kapag ganito sya pero ngayon nasasaktan ako. Hindi ko natulungan yung mahal ko kaya sya nagkaganito.

"Bakit nandito ka?" Hindi ko alam kung anong tono yung ginamit nya doon pero ewan bakit napangiti ako. Ang cute kase. Para syang nagtatampo na ewan.

"O bakit ayaw mo na sakin?" Tanong ko. Babalian ko 'to ng buto kapag mali sagot nitong babaeng to.

"Gusto....pero...." saad nya kaya napangiti ako sapat na yung sagot na yun.

"Yun naman pala....gusto mo magbreakfast? Wala pa tayong kain since kagabi..." sabi ko at nagtext ako kay Yvie dalhan kami ng pagkain.

"You did'nt sleep." Saad nya at naupo sa ibabaw ng kama. Parang masakit ang ulo nya dahil napapayuko sya.
"Nakaidlip ako kanina...kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko.

"I'm fine."

And then a moment of silence. Marami akong gustong sabihin sa kanya, hindi ko lang alam kung saan ako magsisimula. Alam ko kase na right after nito madami kaming problema na susuungin.

"I'm sorry..." yun ang kumawala sa bibig ko at parang napatulos sya.
Tumabi ako ng upo sa kanya. Bakit mag kaiba yung pagkamiss ko sa kanya ngayon kumpara sa dati....

"I'm sorry sa lahat....that time sariling galit ko lang yung inisip ko....hindi ko naisip yung sakit na dinulot ko sayo....dapat talaga sinunod ko yung guts ko na hanapin ka at inalam ko dapat bakit hindi ka nakasunod." Nung paghinga ko ng malalim sumunod yung luha ko.

"Bakit kase nasanay ako na laging ikaw yung humahabol sakin..." at dun pinunasan ko yung luha ko.

"Promise yun di ba." Saad nya.

"Oo alam ko...pero inabuso ko....at hindi maganda yung outcome na laging ikaw yung humahabol." Naiiyak na saad ko. Sobra kase yung panghihinayang ko sa nawala sa amin at sobrang nasasaktan ako sa nangyare sa kanya.

"T-this time around wala ng habulan....either you like it or not you will be with me. Panindigan mo lahat ng pangako mo sakin lalo na sa anak ko. He can't afford to loose you..." mayamaya nagulat ako ng hilahin nya ko pahiga ng kama at nakadagan na sya sakin. Inalis nya yung dextrose nya. Talaga naman!

Nakatitig sya ng diretso sa mga mata ko na wari bang sinusuri nya yung kaloob looban ko.

"Seryoso ka?" Tanong nya.

"Huh?"

"Sa mga oras na 'to alam ko na alam mo na yung sitwasyon ko....mas malala ako kesa dati. This will be huge issue sa side ng tatay ni Yuan. I have history of hurting people." Saad nya at bumalatay sa mga mata nya yung sakit.

"Sinadya mo bang lahat saktan yung mga taong yun? Hindi ka ba nag eeffort na magpagaling?" Tanong ko at napahinto sya.

"Cy, kung mahal mo ko makipagcooperate ka sakin please...hindi talaga namin kaya ni Yuan na wala ka...nung nawalan ka ng malay sa harap nya same yung takot nya nung nawala si Alvin sa amin. Magpagaling ka tutulungan ka namin...saka alam ng lahat bago pa man kami ikasal ni Alvin, alam ng pamilya nya na ikaw talaga yung mahal ko. Talagang nabulagan lang ako ng galit kaya ko nagawang ituloy yun....pero kung alam mo lang nung mga oras na yun...parang namatay yung puso ko." Umiiyak na saad ko.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now