Other Side

3.6K 138 9
                                    

Carol's POV

Ayaw akong tantanan ng ex boyfriend ko at sunod sya ng sunod sakin mula Vietnam hanggang sa makauwi na ko Pilipinas. Nakakainis cheater syang baog sya!  Nasa parking lot kami ngayon ng isang bar.

"Please Carol ayusin natin 'to..." nagmamakaawang saad nya at napapaigtad na ko sa sakit ng pagkakahawak nya sa pulso ko.

"Ouch!" Nanggigilid na yung luha ko.

"Inipit lang ako ng mga kaibigan ko sa sitwasyon na yun...." frustrated na saad ni Jasper.

"So you keep banging with that bitch? Naipit ka sa sobrang sarap at hindi mo napigilan? Libog mo din noh?" I said directly to his eyes. Sinungaling talaga!

Nagdilim yung paningin nya at napakahigpit ng hawak nya sa pulsuhan ko. Napapikit ako ng mariin.

"Bawiin mo yang sinabi mo!" Bulyaw nya sakin. Nagulat ako ng bigla syang bumagsak sa lupa.

Gale?

May hawak syang baseball bat,  at walang emosyon yung mga mata nya at nakangisi sya habang nakatitig sa nakatumbang gagong ex boyfriend ko.

"Wala syang babawiin..." walang ganang saad ni Gale.

Napaupo si Jasper at hawak hawak nya yung part ng ulo nya na hinataw ni Gale. Dumudugo iyon. Nagpanic ako.

"Wanna die?" Kaswal na tanong ni Gale kay Jasper. Nanginginig akong lumapit kay Gale at inawat ko sya

"G-Gale tama na....tara na please..." parang papatayin nya si Jasper.

"Magtutuusan tayo in some other time..." saad ni Gale at inakbayan nya ko at ginaya paalis sa harap ni Jasper.

"Sinasaktan ka ng gagong yun ng hindi ka nagsasabi sakin." Walang ganang saad ni Gale. Ang ganda ganda nitong kaibigan ko na 'to pero wala sa itsura nya yung kaya nyang manakit kagaya kanina. Nung college nga kami ang tawag sa kanya ng mga estudyante, Megan Fox.

Ipinalupot ko yung mga braso ko sa bewang nya kaya yakap yakap ko sya. Sobrang sanay lang na ganito ko sa kanila....pero kay Yvie hindi ayaw kase nun magpayakap, si Roian lang nakakayakap dun...choosy!
Tumaas yung kilay ni Gale sakin.

"Natatakot ako magsumbong sayo...kilala kita eh...oa ka magalit." Pag aamin ko.Napaismid sya.
Pinagbuksan nya ko ng pintuan ng sasakyan nya sa harap bago sya pumasok sa driver's seat.Mabait naman itong si Gale kaya lang sumpungin saka sa kanilang lahat sya lang nagbe-baby sa akin.

"Gale pa sleep over sa condo mo..." sabi ko bago ako nagseatbelt. Napataas yung kilay nya.

"Balak mo pang magkalat dun."
"Eeee..namiss kita eh..sige na."
Pangungulit ko.
"Tsss...knowing you gagawin mo lang akong audience sa pag iyak mo sa baog na yun." Masungit na saad nya.

"Hindi promise...why would i waste my time for crying?" Saad ko.

Nakakainis lang talaga yung part na niloko nya ko. Husay nya.
Walang nagawa si Gale kaya sinama nya ko sa condo nya. Dumeretso sya sa salas at ako naman sa ref nya. Nagugutom na ko kanina pa. Nagdala ako ng pagkain at tumabi ako sa kanya.

Naglalaro sya ng mobile games.

"Amina cellphone mo." Saad nya kaya binigay ko at nag install sya ng game na nilalaro nya.

"Ikakampe kita kapag bulok ka palalayasin kita dito..." seryosong sabi nya at naalarma ako.

"Gago ka Gale? Hindi ko alam 'to!" Histerikal na sabi ko. Pagkainstall ay ikokonek daw nya yung isang account nya.

Parang nagcreate sya ng isang room....at ini add nya ko.

"Rank game to ayusin mo..."  saad nya. At nung pilian na ng character na rattle ako at nagkamali pa ko ng pili kaya napahiyaw si Gale.

"Carol ano ba! Bakit yan?! Hilda talaga!?" Napasabunot ng buhok nya si Gale sa inis.

"Aba! Malay ko! Gale kakalimutan mong kaibigan mo ko ng dahil lang sa larong 'to?" Kakainis malala pa sya kay Yvie at Shannon.

"Kapag hindi ka nakabasag ni isang tore sinasabi ko sayo Carol..."  banta nya. Sa buong duration ng laro pota!

Yung puso ko halos hindi na masuplayan ng mga dugo ko para magfunction, napakatindi magalit ni Gale. Kakainis tong babaeng to...alam mo yung sobrang taranta ko after game dun ko lang narealize na boots lang pala nabili ko, bwiset kase tong babaeng 'to! Buti na lang nanalo!

"Isa pa..." sabi ni Gale.

"No way! Baka sa susunod friendship end na gawin mo kapag natalo...matutulog na ko.." at tumakbo na ko papasok ng kwarto nya. Bahala sya maglaro mag isa nya.

Humiram ako ng damit sa kanya at alam ko yung lagayan ng mga bago nyang panty.

Pagkahiga ko sa kama nya sya naman yung naligo. Pagkalabas nya, nakataas ang kilay nya sakin.

"Sobrang komportable mo ah..." saad nya at nagpatuyo sya ng buhok.

"Syempre! Para na tayong magkapatid eh..." saad ko.

"Oo nga, sobrang abusado mo nga eh..." seryosong sabi nya.

"Mag girlfriend ka na nga Gale ng bumait ka...." saad ko at bored na bored syang tumingin sakin kaya napatawa ako.

"Hindi mo naman kase mapipilit si Roian..." saad ko.

"Pwede ba kitang saktan kahit isang beses lang?" Tanong nya kaya napaismid ako.

"Hanap na lang kita gusto mo?" Masayang tanong ko.

"Sa pagpili mo nga ng sarili mong boyfriend sablay ka na tapos ihahanap mo pa ko, aba nanaginip ka..." seryosong sabi nya kaya napaikot ying mga mata ko.

Mayamaya ay tumabi na sya ng higa sa akin.

"Gale, I want you to be happy..." saad ko at napahikab na ko sa antok.

"I will never be happy..." plain na sabi nya.
"Bakit naman?" Tanong ko.

"If I told you, you will be still my friend?" Seryosong tanong nya.
Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya.

"Syempre kahit ano pa yan....parang magkakapatid na tayo di ba.." saad ko and She smiled slightly.

"I am capable of hurting people..." saad nya sus! Alam na alam ko naman yun.

"Jusko! Alam ko naman yan..." natatawang saad ko.

"Really?" Sarcastic nyang sabi

"Oo..." sagot ko.

"Carol, I am mentally ill..." prangkang sabi nya at napahinto ako.

"You what?" Napalunok ako.

"I'm sick...I have mental illness...stupid can't even understand." Parang tamad na tamad nyang pag aamin.

"Dati pa ba yan?" Tanong ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.
Tumango sya.

Nagulat sya ng yakapin ko sya.

"Ayos lang.....never mo naman akong sinaktan...Kaibigan kita alangan namang pabayaan kita..And you always be here with me, kaya dapat ganun din ako sayo." saad ko and there, this was the first time I saw Gale smile that she's really happy.

"Don't tell everyone...Hindi pa ko ready. Feeling ko nabibiyak yung puso ko kapag nalaman nila....Mas naasahan lang talaga kita kahit napaka slow mo..." sabi nya kaya napasimangot ako.

Gale's POV

Bandang alas 3 ng umaga ay bumangon ako, tulog na tulog si Carol. Tulog mantika!
Pumunta ako sa salas...napatanaw ako sa mga ilaw ng syudad. Kung sa akala mo Cyrll checkmate na ko...you are fucking wrong...

"Cy, let's play bloody game..." mahinang anas ko.

As soon na sumikat ang araw...babaliktad na ang mundo nyo.

"Showtime....."
............
Thanks for Reading
Vote and Comment kayo Guys
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon