Half

3.5K 154 4
                                    

Yvie's POV

Magkasama kami ni Hunter ngayon sa isang bar. May benda sya sa kanang braso nya.

"Nasa iyo daw yung pumutol ng brake ng sasakyan ni Cy." Utos ni Yuri ito eh yung paamuin itong si Hunter para ilabas nya yung taong nagtangka kay Cy.

"Nakatali." Saad nya at lumagok ng alak.

"Saan?" Usisa ko. Natatakot kami baka may gawin syang bagay na hindi dapat.

"If I tell you willing ka bang itali din kita kasama sya? Cy need 5 days of peacefull time...kapag 5days na pakakawalan ko sya." Walang ganang saad nya. Napasabunot ako ng bangs ko! Idiomatic expression lang ni Cy yun! Pero niliteral nya yung pagtali dun sa tao!

Ngayon ko naaappriciate yung kabwisitan ni Carol!

"Don't mess around Hunter..." saad ko with frustration. Sobrang galing talaga ni Yuri regarding sa salitang pasensya.

"Tsss."

Mayamaya ay narinih namin yung kantyawan ng ibang tao. May Dare Game na naman. May nakapiring na isang babae at parang lasing na lasing ito.

May nag flash sa screen. 'Kissing Stranger'.

I'm about to drink at paglingon ko sa gilid ko wala na si Hunter. Tang ina nasan yun!

Naghiyawan yung mga tao and there I saw Hunter kissing the stranger na nakablind fold.

Tawang tawa sya ng bumalik sya sa tabi ko.

"The hell Hunter!" Pagalit ko sa kanya. Kailan pa sya naging ganito!

"I'm saving faces here..." saad nya.

"What?" Naguguluhang tanong ko at nginuso nya yung babaeng hinalikan nya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at parang naliliyo ako kung sino iyon.

"Tang ina ka Hunter! Kaibigan ko yun!" Bulyaw ko kay Hunter na natatawa lang. Kainis! She loves messing around!

Carol's POV

This is a bad idea! Moral lesson ito, wag magbabar mag isa.
Nakapiring ako ngayon at naririnig ko yung kantyawan ng mga tao.

"Bawal yung ex!" Saad nung pasimuno ng Dare Game.

"Shit!" Rinig kong saad ni Jasper. Akala ba nya di ko sya kayang palitan.
Parang huminto yung tibok ng puso ko ng may tumatamang hininga sa bandang labi ko. Ang bango...strawberry wine...yan yung amoy ng bibig nya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung sino ito.

"I'll be gentle..."

Babae!?

Next thing I knew she is kissing me. Parang huminto yung buong pagkatao ko ng dahil sa halik nya o dahil ito yung first time ko na mahalikan ng isang babae. Ang lambot ng labi nya...she's kissing me like I'm vulnerable that anytime na magiging harsh sya mababasag ako. It's different....

Nang maghiwalay yung labi namin.

"No one dare to kiss you so....I save you..." natatawang bulong nya.

"Mayabang!" Bulyaw ko sa mukha nya. Swerte nya nakatali kase yung kamay ko kung hindi patay sya sakin.
Pagkaalis ng blindfold ko wala na ito sa harap ko at mga taong nagsasayaw, naglalakaran at nag iinuman na lang yung nasa paligid ko. Sino sya dito?? Bawal naman nilang ituro sakin kung sino iyon. Argggggh! Hihingin ko kay Shann yung cctv footage bukas!

"Carol!" Tawag sakin ni Yvie. Lumapit sya sakin habang kinakalagan ako ng nung emcee.

"Anong sumapi sayo at sumali ka dun?" Takang tanong nya.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon