Kite

3.2K 147 7
                                    

Roian's POV

Pinipilit kong maging normal sa harap ng mga magulang ko at lalo na sa harap ng anak ko. Walang alam sina Mommy sa mga nalaman ko nung gabing iyon. At simula nung gabing iyon iniwasan ko munang makita sina Cyrll. Ayoko muna silang makita at makausap man lang.

"Mommy this is the best vacation ever!" Masayang sigaw nya habang nakatingin sa view na nadaraanan namin.

Magababakasyon kami ngayon ng anak ko. Gusto ko munang dumistansya sa kanilang lahat. Wala akong lakas ng loob na harapin sila dahil sobra yung poot na nararamdaman ko sa paligid ko at lalo sa sarili ko.

Si Yuan na lang ang meron ako at sobrang natatakot ako na malapit pa sya sa mga kaibigan ko.

Nakarating kami sa isang exclusive resort sa Zambales. May mga staff agad na nag asikaso sa amin para dalhin sa kwartong pinareserved ko. Sobrang galing ng ng nagdesenyo ng interior ng kwartong ni-rent namin. Morocan style. Feeling mo nasa abroad ka kapag andito ka.

Nag ayang kumain si Yuan dahil excited sya sa seafood na handa para sa mga guest nila.

Magkahawak kamay kami ni Yuan papuntang hall...

"Wow! Look like a Goddess!" Amaze na saad ng anak ko kaya napakunot yung noo ko kaya sinundan ko yung tinitingnan nya. May isang magandang babae na nakikipag usap sa mga staff.

"Ma'am this way po." Alalay sa amin ng staff kaya napatingin sa amin yung mga nag uusap.

Nang lumingon sa amin yung babae ay ngumiti ito. Lumapit sya at nag-hi sa amin. Si Yuan ang pula ng mukha sa hiya sa babaeng lumapit sa amin.

"Hi...If I'm not mistaken you are Roian Kaye of Pent Corporation." Nakangiting tanong nya. Ang ganda ng mga mata nya parang nangungusap din.

"Yes...ako nga..." alangan kong sagot kase hindi pa naman ako bumabalik doon. Si ate Belle lang.

"Cielo Santillan....My Mom own this resort." Nakangiting saad nya.

Okay medyo nalito ako... dalawa yung Mommy nya kaya napaisip ako sino kaya dun?

Narinig kong mahina nyang pagtawa.

"Sorry...my stepmom to be exact...Harra." saad nya.

"Ah! Sorry nalito ako....." sabi.

"Tara..." aya nya at ewan napasunod kami ni Yuan. I mean ako lang pala kase nagpakarga sya dahil hindi sya makalakad sa hiya kay Cielo.

Sya ang nag assist sa amin sa table namin at pinaserve nya yung best seller nilang pagkain.

Nakwento nya na nakilala na nya si Yvie dahil sa pinsan nya. Parang nanliligaw daw yung kaibigan ko sa pinsan nya. Wala akong maipayo sa kanya regarding sa bagay na ito...'takbo hangga't may lupa' o 'mas uto ang maniniwala sa uto' yan lang yung pamimilian nila dahil si Yvie yun! Sinungaling! Pero alangan naman siraan ko yung isa baka pasalvage na lang ng mga Santillan yung babaeng yun.

"Siguro pahirapan na lang ng pinsan mo si Yvie..." nakangiwing saad ko.

"Tita Yvie is a joker!" Sabat ng anak ko at napatawa si Cielo.

Mayamaya ay nag excuse sya ng matanaw nya na may pumasok sa entrance.

"Where's your Mom and you're ate Ashie?"

Paglingon ko ay isang babae ang kausap ni Cielo. She's look like a chinese. Sobrang sopistikada at ang ganda. Totoo talaga yung usap usapan na magaganda talaga yung mga napabilang sa pamilyang iyon.

"Wala pa po sila pero nagtext si Ate na baka 2pm ay nandito na sila." Paliwanag ni Cielo.

"May kasama ka?" Tanong nung babae.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now