Weak Point

3.8K 166 4
                                    

Roian's POV

Nagmagandang loob yung kapitbahay namin na sa kanila muna si Yuan  habang hindi pa dumadating yung nanay ko. Sinugod namin ni Yvie si Cy sa hospital nina Yuri na malapit lang din sa condo na tinitirhan namin. Pagkarating namin sa hospital may sumalubong sa amin na mga nurse at isang duktor...mukhang natimbrehan na sila ni Yvie.

"Jacque...si Cy...." natatarantang saad ni Yvie at tulad ko nang gigilid na din yung luha sa pag aalala.

"Pabalik na si Yuri..nasabi ko na...kami ng bahala....sa office muna kayo ni Yuri..." saad nung duktor at dinala nila si Cy sa emergency room.
Inakay ako ni Yvie sa isang kwarto.

"Y-Yvie...madalas bang mangyare ito?" Nanghihinang tanong ko kase sobrang nagtataka na ko sa nangyayare. Parang alam na alam na agad ng mga duktor yung gagawin soon na si Cy yung pasyente nila. Walang tanung tanong na bakit, anong nangyare sa biktima o so what...

Hindi makatingin si Yvie sa akin.
Tumulo yung luha ko.

"6years na ganito si Cyrll, tama ba ako?" Nakakainis parang dinadagukan yung dibdib ko. Yung mahal ko nasasaktan ng ganito ng wala akong magawa.

"Pagbalik ni Yuri....sa kanya mo itanong...hindi ko kaya..." nanghihinang saad nya.

Bakit sobra yung epekto sa kanya nung nangyare 6 years ago? Paulit ulit ko naman sinasabi sa kanya na napatawad ko na sya at handa na ko makasama sya sa pagtanda.
Maraming mali yung nangyare 6 years ago na ni isa ay sinikreto nila sa akin.

Para akong mababaliw sa tagal dumating ng duktor. Ibinalita ni Yvie sa pamilya ni Cy yung nangyare at sabi nila na pauwi na din sila. Nasa London ngayon ang buong pamilya ni Cy gawa ng negosyo nila.
Mayamaya ay pumasok na yung duktor. Napatingin sya sa akin bago tumingin kay Yvie.

"Yvie, stable na sya at natutulog sya ngayon dahil sa sobrang stress na inabot nya....sorry but...hindi pa kayo allow na makapasok sa kwarto nya bilin ni Yuri.....Yuri will explain everything she's on her way na..." saad nung duktor. Nalungkot ako bakit hindi pwede?  Sobrang kating kati na ko makita sya.

"Salamat, Jacque...buti at on duty ka..." saad ni Yvie.

"Ano ba kayo...hindi naman kayo iba sa Pinsan ko...saka nakavideo call si Yuri habang ginagamot ko si Cyrll. Hindi sya makahiyaw sa akin dahil kasama nya yung Girlfriend nya ata..." natatawang saad ni Jacque.

"Yuri have a girlfriend?" Takang tanong ni Yvie.

"Oo...pinakilala nya sa Lola namin....wait...ikaw yung Girlfriend ni Cyrll...gosh! Sobrang eksakto talaga yung pagdidescribe nya sayo...you are beautiful..." amaze na saad ni Jacque at nahiya ako.

"Jacque nga pala....friend din ako ni Cy.." at nakipagshakehand ako.

"Roian...nice to meet you..." saad ko.
Napatawa sya.

"Ano ka ba kumalma ka nga, ang lamig ng kamay mo eh...okay na si Cyrll..nagpapahinga lang sya at kung ako yung masusunod papasukin na kita dun kaya lang hindi kase under sa akin si Cy...baka sakalin ako ng pinsan ko." Saad nya.

"S-salamat sa pag assist kay Cy..." saad ko at ngumiti ako sa kanya.

"Gagaling na sya...andito ka na eh..o paano maiwan ko na kayo baka less than hour nandito na si Yuri....." saad nya at muli kaming nagpasalamat bago sya lumabas ng silid.

Pagtingin ko sa orasan ay 11pm na. Tumabi sa akin ng upo si Yuri at inakbayan ako.

"Okay na si Cy...huminahon ka na...mamaya makikita na natin sya..." saad ni Yvie at napatango ako. Hindi ko napigilan at napaluha ulit ako.

"Mali talagang naniwala ako sa kapirasong sulat na iyon 6 years ago....dapat pinilit ko na nasa tabi nya ko nung mga panahong iyon...hindi okay si Cyrll..hindi pa din sya okay hanggang ngayon....dapat sinunod ko yung guts ko na umuwi nung pagkapanganak ko kay Yuan.....promise ko sa kanya yun eh...sasamahan ko sya sa lahat..." yung luha ko hindi mapatid patid.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now