Paradise

4.2K 174 2
                                    

Chapter 14
Yvie’s POV
Nasa isang bakanteng warehouse kami at sobrang lakas ng ulan. Parang di na nakakatulong yung jacket na suot namin sa sobrang lakas ng ulan. Hawak ko yung isang baseball bat at pinapanuod ko yung galit ni Cyrll doon sa lalakeng nakasubasob sa putikan.
“Mamatay sya…” pang aawat ko kay Cy.
“Yun ang plano hindi ba?” walang kabuhay buhay na saad ni Cy.
“N-nagmamakaawa po ako…wala po talaga akong maalala…” bakas sa boses nung lalake eh umiiyak na sya sa sobrang hirap. Putok na yung labi nya at napapawi na lang ng ulan yung dugo nya sa mukha pero kita na yung dami ng sugat nya gawa ng kaibigan ko.

“Hindi mo kilala si Alvin Samaniego? How come na hindi mo kilala yung may ari ng kumpanyang pinapasukan mo dati?”  tanong ni Cy at tinatapakan nya yung sugat ng lalake sa may bandang paa nito kaya lalo itong napasigaw sa sakit. Napalunok ako sa ginagawa nya dahil parang wala lang sa kanya yung pagpaparusa nya dito sa lalake.

“Ahhh! Nagets ko na! Bakit hindi na lang tayo magdeal…” natatawang sabi ni Cyrll at nilabas nya yung swiss knife nya.
“Information kapalit ng body parts ng anak mo…alam mo yun kada pagsisinungaling mo sakin puputulin ko yung isang parte ng katawan nya….” Parang wala sa sariling pagapapliwanag ni Cy at doon bumakas yung takot sa mga mata ng lalake.
Hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas itong babaeng to pero nakaladkad na nya yung lalake papasok ng warehouse.
“Seryoso?” tanong ko kay Cy ng makita ko yung video ng isang batang babae doon sa projector.
Walang buhay yung mga mata nya at yung ngisi sa mga labi nya nakakatakot dahil alam ko parang natutulog na naman yung diwa nya sa nangyayare.
“N-nagmamakaawa ako…wag…” iyak nung lalake.
“Sinong nag utos sayo na pasabugin yung planta ni Alvin six years ago?” tanong ni Cy.
“H-hindi ko kaya…..papatayin nya ko at yung pamilya ko…” umiiyak sa frustration nung lalake.
“At sa tingin mo hindi ko kayang gawin ngayon yan sa inyo ngayon?” nakakaloko yung ngiti ni Cy.
“Please..kuya magsalita ka na…ako ng bahala sa proteksyon sa pamilya nyo magsalita ka lang…hindi ako nagbibiro..baliw itong kaibigan ko….” Ako na yung pumagitna kase kilala ko itong si Cy.
At batay sa mga kilos ni Cy parang naiinip na sya sa nangyayare. Gusto kong sakalin itong si Yuri mukhang mali yung declaration nyang matino na itong kaibigan ko.
“S-si Mr. Seo  Chan…..hindi ko alam kung sino sya o taga saan sya. Pero sya yung nagbigay ng mga gamit at pera sakin…nagmamakaawa ako kami ng anak ko…” sobra yung iyak nung lalake.
Tumango ako at sinabi ko na tutuparin ko yung proteksyon nila. Parang na divert yung isip ni Cy doon sa pangalan na binigay nung lalake.
Tama si Cy, may pumatay doon sa asawa ni Roian at hindi iyon aksidente.
Roian’s POV
Napatingin ako sa isang customer namin na nag iisa, nakayakap sya sa mga tuhod nya habang nakatingin sya sa labas ng bintana. Pang dalawahang tao yung inorder nya at lahat ang tatamis. Mahaba at itim na itim yung tuwid nyang buhok. Mapupungay yung mata nya at tama lang yung tangos ng ilong nya at may manipis at maputla syang labi. Lahat ng staff ko nagagandahan sa kanya. At ang tagal na nyang naghihintay.
Parang ang lalim ng iniisip nya.
“Ayos ka lang?” hindi ko napigilang lapitan sya at mukhang matatagalan pa yung iniintay nya.
Napalingon sya sakin at nagulat ako dahil yung way ng pagtingin nya sakin parang yung way ng pagkawalang buhay ng kagaya ng kay Cy.
“Yes…anong oras na?” malumanay nyang tanong .
“Mag aala una ng hapon…” sagot ko.
“Ang tagal ng kaibigan ko…” parang batang sabi nya.
“Baka na traffic lang…” sabi ko. At napatingin ako sa labas at malakas yung ulan.
“Nagpapakita ba talaga yung rainbow pagkatapos umulan?” tanong nya at para syang bata.
“Minsan…” sabi ko at sinenyasan ko yung staff ko na ihanda na yung inorder nito dahil narinig ko na yung pagkulo ng sikmura nya.
“That’s sad…” sabi nito. “Mauuna na nga akong kumain.” Bulong nya.
Para syang bata.
“Anong pangalan mo?” tanong nya.
“Roian…ikaw?” naupo ako sa upuan sa harap nya at ewan ba bakit parang nakakatuwang makipag usap sa kanya.
“Roian? Kapangalan mo yung bida sa kwento nung Gardener namin.” Blangko yung mata nya pero bakas yung pagka amaze nya sa pangalan ko.
Nilahad nya yung kamay nya at nakipagshakehand sa akin. “Hunter…”
Wow! Ang weird ng pangalan nya.
“Talaga kapangalan ko yung nasa kwento?” tanong ko.
“Yes…kapangalan mo yung rosas doon sa gitna ng garden namin…pero hindi ko maalala kung namulaklak na ba yung halaman na yun.” Kwento nya.
“Saang garden ba yun?” tanong ko.
“In the hospital…where the doctor heal our brain from sickness…” nakangiting sabi nya at doon ako napaisip. Mental?  Don’t tell me…itong babaeng to…

“Tama ka…” natatawang sabi ni Hunter
“Huh?”
“Kagagaling ko lang doon sa uri ng hospital na naiisip mo…” natatawang sabi nya.
“Wala naman akong iniisip…” palusot ko.
“Madali kang basahin….” Saad nya.
“Sorry…” bulong ko.
“Don’t say sorry…Pinili ko naman yun..ang hayaang bumigay yung isip ko dahil gusto kong takasan yung totoong mundo. Yung lumayo ng ikaw lang mag isa at walang makakasunod sayo dahil yung paraiso nasa likod ngisip mo…” saad nya at doon ako parang natigilan.
Yung sinasabi nya, parang kahawig ng sinasabi ni Cyrll sakin. Parang gusto kong malusaw. Paano nga kung ganito din yung conclusion lahat ng sinasabi nina Cy at Yvie sakin?

Pagkakain ni Hunter ay nagpaalam na sya at pupuntahan na lang daw nya yung kaibigan nya sa bahay nito. Iniisip ko lahat yung kilos ni Cy mula ng magkita kami muli. Normal lahat maliban doon sa mga mata nya na madalas blangko at walang buhay.
Alam ko wala akong sagot na makukuha kina Cy at Yvie, Tinawagan ko si Ivan.
“Ivan…record ni Cyrll sa mga hospital this past six years…isama mo na yung lahat ng mental hospital sa buong bansa.”

Sana. Sana hindi tama yung kutob ko. Sana nagtago lang sya sa mga probinsya dito sa Pilipinas dahil kung hindi…alam ko na ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganun. At hindi ko mapapatawad yung sarili ko kung mapapatunayan ko iyon.
Mga bandang 10pm papasakay na ko ng elevator paakyat ng unit ko ng mapansin ko si Cyrll na nakahalukipkip ng mga braso nya, may bitbit na paper bag at nakasandal sya sa gilid ng elevator habang nakayuko.
“Cy…” tawag ko sa kanya at sumara na yung pintuan ng elevator ng makasakay na ko.
Napatingin sya sakin at medyo kinabahan pa ko kase parang di pa nya ko nakilala. Ilang saglit parang natauhan sya.
“Sorry…masama kase pakiramdam ko.” Saad nya kaya napahawak ako sa noo nya. Ang taas ng lagnat nya. Kinuha ko yung bitbit nya at pagkita ko mga gamot at pagkain nya.
Pagkarating namin sa palapag ng unit namin. Sinabihan ko sya na pumasok na ng unit nya at susunod ako sa kanya at wag i-lock yung pintuan ng unit nya.
Pagpasok ko sinalubong ako ni Mama.
“Tulog na po si Yuan?” tanong ko kay Mama after ko mag mano.
“Oo..napagod sa kakalaro. Ano yang dala mo?” tanong ni Mama habang nakasunod sa akin ng silipin ko yung anak ko na mahimbing na natutulog.
“Kay Cy po ito…may sakit po sya at walang kasama doon sa unit nya.” Sabi ko at nagsimula na kong magbihis.
“Nagkabalikan na kayo? Dapat dito mo na sya patirahin…” masayang sabi ng nanay ko.
“Showbiz ka Mama…hindi kami nagkabalikan…nakakaawa lang yung tao dahil mag isa at walang kasama.” Sabi ko ng makapagpalit ako ng damit.
“Weee…tuwang tuwa nga si Kumare ng malaman nya na nag uusap na kayo ni Cy.” Sabi ni Mama.
“Mama ano ka ba…nakakahiya kay Mommy Jess…” sabi ko.
“Wow…Mommy pa din kahit mag ex na lang. Iba na yan anak.” Sabi ni Mama.
Napatawa ako. “O bakit Mama pa din tawag sayo ni Cyrll ah. Patas lang.”

“Sunduin mo na lang si Cy. Para Bukas ako na titingin sa kanya.” Sabi ni Mama.
Kalaunan nandito sa unit ko si Cy. Sina Mama at Yuan ang magkatabi sa kabilang kwarto. Sa salas na lang siguro ako matutulog soon bumaba yung lagnat nitong babaeng ito.
Habang pinapanuod ko sya kumakain kahit parang nahihirapan hindi ko mapigilang hindi malungkot, heto yung buhay nya sa loob ng anim na taon. Mag isa sya. Inabutan ko sya ng tubig at gamot ng matapos syang kumain.
Nung bandang 1am nilalamig sya at parang di sya makamulat sa taas ng lagnat nya. Kaya ang ginawa ko kumuha ako ng bimpo at palanggana  na may tubig. Pinunasan ko sya hanggang sa bumaba yung lagnat nya.
“Thank you….” Bulong ni Cy habang nakapikit.
Napangiti ako.  Nagulat ako ng hilahin nya ko kaya napahiga ako sa tabi nya at yakap yakap nya ko.
Yung kabog ng dibdib ko sobra. Sa maghapon ko..aaminin ko si Yuan at sya yung na-mimiss ko.
“We will wait for magic moment….” Bulong nya sakin.
Napatingala ako sa mukha nya.
“Hindi ko kaya… na May iba sa tabi mo at hindi ako.”
At sa mga oras na ito…heto na naman yung puso ko napunan ng pag asa na babalik sya sakin.
………
Thanks for Reading
Vote and Comment kayo guys.
~dark19



Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now