ANGEL OF DEATH

227 24 5
                                    

*UNANG KABANATA*

Sa madilim ng lugar ako napadpad hindi ko alam kung anong lugar ang aking tinatahak, masyadong madilim ,hindi ko alam kung bakit kusang gumagalaw ang akin mga paa tila ito ay may pupuntahan

'Psst'
'Pssst'
'Awo'

Ibat ibang himig na aking naririnig habang ako ay naglalakd dito sa may pasilyo, malamig ang gabing ito kaya napahawak ako sa aking braso habang ako ay nag lalakad

'AaaaaaAaaa' bigla akong napatigil dahil may narinig akong pagsigaw sa di kalayuan, hindi ko alam kung ako ba ay pupunta oh babalik nalang kung saan, pero kusang gumalaw ang aking mga paa para tahakin ang ingay na nagmumula sa di kalayuan, kaba ,takot ang aking nararamdaman habang ako ay naglalakad

'AaaaAaa' rinig ko nanamang sigaw ng kung sino man, tila ito ay nasasaktan at parang may umaatake sa kanya na kung ano, kaya biglang bumilis ang lakad ko dahil sa narinig ko

Nang makalapit na ako sa ingay na pinanggagalingan ay may nakita akong isang lalakeng naka hoodie at may hawak na malaking karet , ngayon lang ako nakakita ng karet dahil sa mga palabas ko lamang ito nakikita , nang tinignan ko ang buong pagkatao ng lalaking nasa harapan ko ay tila nagliwanag ang aking paligid at siya naman ay napatingin saakin ,pero may takip ang mukha nito

Tila nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan dahil sa pagtingin nito saakin, hindi ako nakaramdam ng tak0t o kaba ng makita nya ako

Nang tinignan ko ang kanyang mata ay naging kulay asul ito na kanina ay kulay pula , tila gulat sya sa kanyang nakikita pero hindi ko iyon pinansin, napadako ang tingin ko sa likod nito at may nakita akong isang babaeng nakahadusay roon

"Anong ginawa mo?" tanong ko sa lalaking kaharap ko ng walang halong takot ,ngunit hindi ito sumagot at umatras lamang

"Uulitin ko, ano ang ginawa mo sakanya" mahinahong tanong ko pero hindi talaga sya sumagot , ipinikit ko ang aking maya upang pakalmahin ang akin sarili ,didilat n sana ako pero hindi kona madilat ang mata ko

"You should go" rinig kong sabi ng lalaki kaya bigla akong nawalan ng malay

*Pangalawang kabanata*

Nagising ako sa init nang araw na tumatama saaking mga mata ,at pagdilat ko umaga na pala , nanaginip ako kagabi totoo kaya iyon? Sana hindi kasi ang creepy ,hindi ko alam kung anong ginagawa ko roon

Sumilip ako sa bintana upang tignan ang labas pero nagulat ako ng may lalaking nakatingin saakin sa di kalayuan , kinusot ko ang mata ko para matiyak na hindi sya ang nasa panaginip ko pero pagdilat ko wala na sya

"Aissh guni guni lang pala" bulong ko saakin sarili

Nagayos ako sa sarili ko at nagumpisang maglinis,habang naglilinis ako ay pansin kong may nakamasid saakin pero hindi ko na iyon pinansin

Nang ako ay malapit ng matapos ay bigla nanamang sumakit ang ulo ko ng hindi ko namamalayan at bumagsak ako ,pero bago ako mawalan ng malay ay nakita ko ang pigura ng lalaki sa panaginip ko

*Ikatlong kabanata*

Andito nanaman ako sa pasilyo kung saan ako ito ang nasa panaginip ko, kinurot ko ang aking sarili upang matiyak na ito ay isang panaginip pero nasaktan lang ako ,habang patuloy ako sa aking paglalakad ay may nakita akong lalaking nakatalikod malayo saakin at tila ito ay may isinasagawa kaya lumapit ako ng bahagya upang makita ito

Labis ang aking pagkagulat dahil may nakita akong kaluluwa na kausap nito at biglang nawala ,mukhang masaya ang kaluluwa dahil sa ginawa nung lalaki pero ako tila kinabahan, nang magdilim na ang paligid at pinigilan ko ang aking paghinga baka kasi marinig nung lalaki

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon