BESTFRIEND ALWAYS WIN (2)

34 2 0
                                    

BESTFRIEND ALWAYS WIN [PART2]
— Felicity Moon

"Okay ka na ba?" tanong ko kay Helsey, girlbesfriend ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at biglaang pagsusuka sa harapan ko, nataranta ako kaya agad ko s'yang inalo sabay dinala sa cr nila.

"Sorry," paghingi ko ng tawad. Pilit s'yang napangiti habang pinupunasan ang kan'yang bibig. Gustong-gusto kong ichat ang girlfriend ko kaso hindi ko magawa, napatingin nalang ako sa cellphone ko na nakalapag sa desk n'ya.

"Take this," sabay abot ko sa kan'ya ng gamot. Kinuha n'ya ang gamot at agad na ininom, napabuntong hininga nalang ako.

"Gala tayo, bukas?" pag-aanyaya nito saakin. Nakatingin ako sakanya at kinunutan s'ya ng noo.

"Please? Isama mo nalang GF mo,"dagdag n'ya pa. Napapikit ako at napahawak sa ulo ko. Bukas ang mahalagang araw namin ng girlfriend ko at hindi ko s'ya pwedeng isama.

"Please? Or else—"

"Fine,"putol ko sa sasabihin n'ya. Nakita ko ang pag ngisi nito na ikinainis ko pero hindi ko nalang ipinahalata dahil baka kung ano pang mangyari, inalagaan ko s'ya at binantayan, halos wala na akong oras na naibibigay sa girlfriend ko dahil sa kan'ya.

"Bawi ako." Lagi kong sinasabi sa kan'ya pero nagiging kabaliktaran ang lahat. Napatingin ako sa natutulog na si Helsey, hindi ko akalain na dito ako dadalhin ng tadhana.

"Thank you," narinig kong bulong nito, nananaginip ata s'ya. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang tadtad na mensahe mula sa girlfriend ko pero parang wala akong lakas ng loob para harapin s'ya.

Kinabukasan ang date namin sana ng girlfriend ko kaso hindi s'ya sumama kaya kami lang ni Helsey ang nandito ngayon sa mall. Dala ko ang bag nito at nasa loob din nito ang mga gamot n'ya, todo alalay ako sakan'ya dahil baka mapano s'ya at ako pa ang mananagot kung sakali.

"Saan mo gusto?"tanong ko, nakita ko ang pagningning ng mga mata nito at agad akong hinila sa kung saan. Matagal kaming paikot-ikot at minsan naboboring na ako pero pinakikisamahan ko nalang s'ya, hawak n'ya ang phone ko kaya hindi ko ma-update ang girlfriend ko. Shit.

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya agad akong napatingin sa kamay n'ya, hawak-hawak n'ya kasi, tinignan n'ya rin ako at unknown number ang tumatawag kaya hinayaan n'ya akong sagutin 'yun.

"Si Hadie.." agad akong nataranta, umiiyak s'ya habang binabanggit ang pangalan ng girlfriend kong si Hadie.

"Ano pong nangyari?" kinakabahang tanong ko. Nakatingin lamang si Helsey saakin habang nakataas ang isa nitong kilay. Hindi ko na s'ya pinansin at nagfocus sa tawag.

"Inatake.."

"Are you excited?" tanong saakin ng kapatid kong babae. Napangiti ako at inayos ang dala-dala kong regalo para sa girlfriend ko.

"Ofcourse, Kobe lang malakas," medyo natatawang sabi ko. Tumawa naman ang ate ko sabay tinap ang likod ko, pampalakas siguro ng loob.

Mahigit isang taon na ang lumipas mula sa pagitan ng family namin at family nila Helsey. Napabuntong hininga ako sabay napatingin sa relo ko at tinignan ang oras.

"Ang tagal naman ni Kiro," reklamo ko. Si Kiro ang kaibigan ni Hadie, balita ko ay nagkagusto s'ya rito but swerte ko dahil ako ang pinili ni Hadie.

"On the way na raw, kasama ata kapatid n'ya or girlfriend?"patanong na usal ng ate ko, nagkibit balikat nalang ako sa tinignan ang cellphone ko. Hanggang ngayon ay s'ya parin ang wallpaper ko at s'ya parin ang minamahal ko.

"I miss her.." bulong ko sa hangin.

"Oh tara na, ikaw mauuna ha." Napatango ako sa sinabi ng ate ko kaya agad na akong sumakay ng kotse, at the last time napatingin ako sa pinagawa kong bahay, isa 'yun sa dream house ni Hadie kaya pinagpursigihan kong matapos.. Siguradong matutuwa s'ya kapag nalaman n'yang tapos na ang pinapangarap nitong bahay.

Nakarating na kami sa pupuntahan namin kaya napatingin silang lahat saakin. Alam kong nag-aalala sila at ang iba ay pinapalakas ang loob ko.

"Mauna kana, susunod kami," saad ni Kiro. Kalalabas lang n'ya ng kotse at may nakita akong pigura ng babae na nasa loob ng kotse n'ya pero hindi ko nalang pinansin. Tumango ako at dumiretso papunta kay Hadie, nasa kalayuan pa lamang ay napangiti na ako.

Damn, I really miss her. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa mga regalo ko sa kan'ya, nanginginig ang kamay ko habang hawak ito.

"Flowers for the beautiful and strong woman that I love," ngiting usal ko sabay nilapag ang bulaklak sa tabi nito ang ang iba pa. Pilit kong pinapatatag ang boses ko pero maya-maya pa ay hindi ko na rin nakayanan pa.

"H-hadie.. It's been a years.." nanginginig ang boses ko dahil pinipigilan kong hindi maiyak, nakaluhod ako ngayon sa tapat n'ya at nakayuko.

"I'm really really sorry.." naramdaman ko ang luhang lumalabas mula sa mga mata ko.

"If I can turn back the time, pero alam kong imposible na. Hadie, I'm really sorry for not taking care of you. I was blackmailed by Helsey's family that's why.." patuloy lang ako sa pagkekwento sakanya kahit alam kong hindi s'ya sasagot saakin.

"Pinagbantaan nila ang buhay mo, kasama ang pamilya mo. They faked Helsey's illness, niloko nila ako. Wala s'yang sakit at nalaman ko na mahal n'ya pala ako kaya n'ya ginawa 'yun. She's totally crazy.." Mabigat ang paghinga ko habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata ko, nakatingin lang ako sa pangalan nito at nakaluhod.

"I miss you, I really really do Hadie. Bangon ka na d'yan, please. Miss na miss ka na namin, hindi pa nga ako nakakabawi saiyo.. Iniwan mo na ako. I planned to propose to you but wala akong time that day, masyado nila akong kinukulong at pinahihirapan.. Sorry kung hindi ko na sabi, ayoko lang dumagdag pa sa iisipin mo." Hinimas ko ang puntod nito at pilit na ngumingiti, nagsimulang umagos ang mga ala-ala naming dalawa kaya lalo akong napaiyak dahil doon.

Her smiles, laughs, jokes, silly sides, puppy eyes, and more. How I wish.. I can see and hear those again, but it's too late. She's now gone.

"Hadie, wala akong pinagsisihan sa lahat. Nakulong na ang family ni Helsey, malaya na sana tayo pero iniwan mo na ako. Ang sakit-sakit pa rin hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na sa kada paggising ko wala ng Hadie na sasalubong saakin, wala na 'yung taong nakasanayan ko.. Sobrang sakit. " Kinuha ko ang papel na isinulat nito saakin dati at sinimulang basahin 'yun.

" Are you now happy? Kobe, mahal na mahal kita kahit nasasaktan ako. This is not the Kobe I met before, nagbago kana but yeah kahit ganoon hindi naman nagbago ang pagmamahal ko towards you. Kobe.. Kung mawawala man ako, gusto kong ituloy mo ang buhay mo kahit wala ako, gusto kong bumuo ka ng sarili mong pamilya at maging ganap na masaya. 'Yung mga plano natin, tuparin mo sa babaeng makakapagpalambot ulit ng puso mo, hindi ko hawak ang buhay ko Kobe at sorry kung inilihim ko ito saiyo dahil ayokong maging pabigat pa. 'Yung bahay, anak, at iba pang plano natin, tuparin mo sa iba. H'wag na h'wag kang iiyak ha, ayokong nakikita kang umiiyak nasasaktan ako. Be happy Kobe, your happiness is my happiness too. I love you."

At dahil nabasa ko ulit ang liham nito saakin ay tuluyan na akong napaiyak lalo kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Nakaramdam ako na parang may yumayakap saakin kaya nilagay ko ang mga braso ko sa puntod nito at doon ako nag-iiiyak.

"Mahal na mahal kita, Hadie.."


Don't hide something in your partner for you not to regret at the end, communication is the best solution. Also don't judge others without knowing the whole story and the both sides.

Open for criticism/Errors ahead/

One Shot Stories CompilationHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin