Sa Jeep

73 2 0
                                    

[SA JEEP]
— Felicity Moon

Nag-aabang ako ng jeep dahil papauwi na ako sa'min.

"Tsk. Ang tagal naman" bulong ko. Kanina pa ako maghihintay pero lahat nang dumadaan na jeep ay puro puno. Nagtipa ako ng cellphone ko para kahit papaano ay hindi ako maboring. Sa gitna nang pagcecellphone ko ay may bumusina kaya agad akong napatingin doon.

Nakita ko ang maluwang na jeep kaya napangiti ako agad tapos pinara ito. Huminto ang jeep sa harapan ko, sinuksok ko naman ang cellphone ko sa aking bulsa sabay nakangiting umakyat sa jeep.

"Hayst" buntong hininga ko. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan kolang. Magkatapat kami ng upuan at hindi ko maitatangging gwapo ito, wala akong katabi sa kaliwang side ko pero sa kanan meron. Tinignan ko ito at para s'yang kriminal na ewan kaya medyo umusog ako ng kaunti.

Sinulyapan ko ulit ang lalaking nasa harapan ko, naka earphone ito at familiar ang school uniform na suot n'ya. Dumako ang tingin ko sa ID nito at kung seswertehin nga naman oh, nakaharap ang ID n'ya kaya agad kong nalaman na Ace ang pangalan nito. Napangisi ako sa aking isipan dahil doon.

"Nice" bulong ko. Nakita kong napatingin sa'kin si Ace at ang lalaking katabi ko naman ay dikit ng dikit sa akin kaya ako naman ay iwas ng iwas. Nagkatitigan kami ni Ace at bigla itong nagsalita na ikinagulat ko.

"Love" nakatingin usal nito sa'kin. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisnge, ang sexy ng boses nito.

"Hey love" nakatingin s'ya saakin kaya nagtaka ako. Ako ba ang tinutukoy nito?

"Why are you not answering? " sexy na usal nito pero para s'yang estatwa na nakatitig sa mga mata ko, shocks feel ko walang garter ang underwear na suot ko at unti unti nalalaglag kahit nakaupo ako dahil sa titig n'ya.

Biglang dumistansya ang lalaking kanina pa dikit ng dikit sa'kin. Ito siguro 'yung nabasa ko sa facebook na magpapanggap ang isang lalaki na girlfriend ka n'ya para hindi ka mamanyak. Agad naman akong kinilig doon, kala ko peke 'yun. Totoo naman pala. Hehe baka maging boyfriend ko talaga s'ya sa totoong buhay, malay natin gano'n nabasa ko sa facebook eh.

Nginitian ko si Ace pero nakakunot parin ang noo nito at sa mata ko parin naka tingin.

"Can you please talk? " iritang usal nito. Maririnig n'ya kaya ako kapag nagsalita ako? E naka earphone s'ya.

"Me? " mahinang usal ko. Kunot parin ang noo nito kaya hindi na ako nakapagpigil at tinabihan s'ya, bigla naman s'ya napasinghap dahil doon. Siguro sa lakas ng impact ng pagkakaupo ko. Wala kasi s'yang katabi.

"T-thank u ha." Bulong ko pero hindi ito sumagot at nakatingin sa kawalan..

"I'm your boyfriend, you should talk to me" iritadong usal nito. Naks ang sungit naman nito, may instant boyfriend ako sa jeep.

"S-sorry na love hehe" speed lang, love agad itatawag ko, hindi ko alam endearment na gusto n'ya eh. Sarap pala sa feeling na tinutulungan ka ng lalaki.

"What?! " parang gulat na usal n'ya. Hindi s'ya nakatingin sa akin o kung kanino man kaya inayos ko nalang ang bag ko.

"Wala sabi ko salamat" wika ko habang naghahanap ng pamasahe ko.

"Yeah, I'm sorry. I love you" mahinahong saad nito na nagpakarera ng puso ko. N-nag iloveyou s-sya?  S-saakin? Itong gwapong Ace na kakakita ko lang?

"You should always take care of yourself, lalo na kung wala ako" pagsasalita ulit nito. Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya.

"Sorry." Eh? Bakit s'ya nag sosorry?

"H-huy, okay lang ako love" sagot ko sa kanya.

"Malapit na akong bumaba" si Ace.

"T-thank you ulit ha?" Baka kasi kung hindi dahil sa kanya ay baka nabastos na ako.

Biglang huminto ang jeep at nakita kong kinapa ni Ace ang hawakan sa jeep. Tinanggal n'ya ang earphone n'ya at pumuwesto na para bumaba. Nakakalungkot baka hindi na kami magkita ni Ace.

"Miss, paalalayan naman si Kuya." usal ng driver, nakatingin ito sa'kin.

"P-po? " naguguluhang tanong ko.

"Bulag kasi si Kuya, pakialalayan naman" halos tumigil ang mundo ko dahil sa narinig ko, b-bulag?

"WAAHHHHH LOVEEEEE! " rinig kong sigaw sa labas ng jeep kaya napatingin ako roon. Nakita kong may pumasok na lalaki at inalalayan pababa si Ace.

"Crazy as always my love" rinig kong usal ni Ace.

"Sorry if hindi ako nagsasalita sa call kanina love. Nagtatampo kasi ako sayo" malambing na saad ng babae. Tangina.

"It's okay. Atleast nagsalita ka, kung hindi pa'ko magpapanggap na iritado hindi ka magsasalita tsk. Iloveyou" si Ace.

"Iloveyoutoo love" sagot nung babae.  Tapos umandar na ang jeep at nakita ko pang inalalayan nila si Ace.

Potangina? Kala ko magkakalovelife na'ko. Bwiset na bulag 'yun.

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now