Matalino ka diba?

102 4 0
                                    

Boy: Ang cute mo.

Girl: (Napatingin kay Boy)

Boy: Bagay sayo yung headband.

Girl: Salamat.

Boy: Nakapag-review ka na?

Girl: Hindi pa.

Boy: Weh? Hahaha, ikaw? Di pa?

Girl: Paano ako makakapag-review kung text ka nang text sakin kagabi? Tapos dinadaldal mo naman ako ngayon.

Boy: (napaubo) Shhh, baka may makarinig.

Girl: Makarinig ng ano?

Boy: Baka isipin nila gusto kita.

Girl:....Tss, sino naman mag-iisip ng ganyan? Hindi tayo bagay.

Boy: Bakit hindi?!

Girl: Bakit ka sumisigaw?

Boy: Ibig kong sabihin, hindi talaga tayo bagay asa ka pa. Tss.

Girl: Hindi ako aasa, lalo na sayo.

Boy: BAKIT HINDI NA NAMAN?!

Girl: Bakit mo ba ako sinisigawan?!

Boy: EWAN KO SAYO! DI BA MATALINO KA?! ALAMIN MO!

Girl: Hindi ko sasayangin ang talino ko sa katulad mo.

Boy: BAKIT BA HINDI?!

Girl: Ano nga kasi yon?!

Boy: GUSTO KITA! TANGA!©

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon