CRUSH.

170 15 3
                                    

CRUSH
🖋Felicity Moon

"psst" tawag ko sa babaeng dinidilaan ang kanyang sarili.

"Huy, ganyan kaba maglinis ng iyong katawan? " tanong ko rito kaya napatigil s'ya at tumingin saakin, pero agad itong tumayo at hindi man lang ako kinausap.

"Sungit purkit crush na kita dyan" bulong ko. Napatingin ito at sinamaan ako nang tingin. Makikita mo sa mata nito ang mala berde nitong kulay.

"Bakit ganyan tingin mo saakin? Crush mo rin ako noh?" tanong ko pero mas lalong sumama ang tingin nito saakin.

"Gwapo ko talaga" pagkasabi ko nun ay agad n'ya akong sinugod at kinalmot ng matulis n'yang mga kuko.

"A-aray masakit" sabi ko at dahil sa sakit at hindi ko sinasadyang maitulak s'ya kaya nalaglag s'ya sa sahig.

"H-hala sorry nasaktan kaba? " tanong ko pero tinignan lang ako nito at umalis.

**

"Kamusta kayo? Bakit andami mong kalmot? " tanong saakin ng tropa ko.

"Kinalmot ba naman ako ng crush ko sa bahay" sabi ko at tinitignan ang mga kalmot ko.

"Don't tell me na..."

"Oo sya nga" putol ko sa sasabihin n'ya.

"What the fuck?  Pati ba naman pusa? Nahihibang kana" sabi nito saakin kaya napatingin ako sakanya.

"Pake moba?  Sya ang gusto ko e. Support nalang kayo" sabi ko at tumayo para umalis pero bago ako makaalis narinig kopa ang sinabi nito.

"Tangina? Baliw na talaga"

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon