RED

52 1 0
                                    

RED

"Hey Red! " sigaw ko, nakita ko ang unti-unti nitong pagharap sabay salubong ng kanyang mga kilay, tsk lagi naman. Tumakbo ako papalapit sa kanya buti at hinintay talaga ako nito.

"I said stop calling me Red" agad na salubong nito saakin. Napatawa ako ng bahagya, inaasar ko kasi s'ya ng red kasi ayaw na ayaw n'ya ang kulay na iyon. I don't know why.

"Whatever Red, I mean Aries" sabay irap ko, nakita kong inunahan ako nito maglakad. Si Aries 'yung tipo ng taong walang emosyon, blanko lagi kaya mahirap mabasa, tahimik at walang pakielam sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Swerte ko nalang dahil nagkakausap kami kahit nuknukan s'ya ng sungit.

"Wait" sabay habol ko uli sa kanya.

**

"Aries bakit ayaw moba sa Red?  Favorite ko pa naman 'yun" Valentines day ngayon at s'ya ang Student Council president kaya naman wala kang makikitang kulay pula sa buong school. Naweweirduhan na nga ang karamihan sa kanya pero as always wala siyang pakielam.

"Shut up Dreii" tanging sagot nito habang tinitignan ang buong classroom. Chinecheck n'ya kung may kulay pula bang nadawit, ang weird pero okay lang mahal ko naman s'ya, syempre kaibigan eh tsk tsk.

"Valentines pero green? "
"Weird naman ni Aries"
"Yeah but gwapo parin"
"Oo nga hihi support nalang sa trip n'ya"
"Hahaha oo"

Ilan 'yan sa mga naririnig ko kaya napatampal nalang ako sa aking noo

**

"Flowers for you" usal ni Aries pero hindi s'ya nakatingin sa akin. Tinignan ko ang bulaklak at napatawa ako ng bahagya dahil hindi ito kulay pula.

"Hahaha, anong meron? " tanong ko sabay s'ya na ang naglapag ng bulaklak.

"Tsk, stop asking" then nakita kong namula ang tainga nito. Cute.

**

"What's with your house? " tanong nito habang niiscan ang bahay ko.

"What's wrong? " tanong ko sabay tingin sa mga tinitignan nito.

"I thought favorite color mo ang Red? Bakit wala naman akong nakikita red? " Aries.

"Pft. Syempre pupunta ka rito so I hide it all for you" napatingin ito saakin kaya kinindatan ko s'ya.

"I'm sorry" he sighed.

**

"You saw Dreii? " tanong ni Aries sa mga fresh man, umiling ang mga ito sa kanya kaya nakita ko ang pagkadismaya nito. Napangiti ako at agad na lumitaw sa harapan n'ya

"Boo!  Miss me Aries? " biglang nagbago ang lukot nitong mukha at napalitan ng saya. Akma n'ya akong yayakapin pero hinarang ko ang kamay ko sa harap n'ya.

"Red" bulong ko at ngumiti ng pilit.

"Damn." mura nito at napahilamos sa mukha.
"I already knew kung bakit ayaw mo sa color Red. Aries how many times should I say to you na that's fine. Ayos lang 'yun" nakita kong naglakad ito at pumunta sa pader sabay pinagsusuntok ito.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa nakikita ko.

"A-aries... " bulong ko. Nakita ko ang pag-agos ng luha nito sa kanyang mga mata at patuloy na pagmumura.

"DAMN DREII. DAMN IT" sabay suntok n'ya uli. Sinubukan ko s'yang yakapin pero walang epekto.

"DAMN DREII. IT'S ALL MY FAULT. YEAH YOU KNOW WHY I HATE RED BECAUSE YOUR BLOOD... NAKITA KUNG PAANO KA MALIGO SA SARILI MONG DUGO AND IT IS BECAUSE OF ME. HINDI KITA NATULUNGAN THAT TIME. NAPAKAWALANG KWENTA KO" napagulgol ako habang inaalala ang mga nakaraan.

Iyak s'ya ng iyak at patuloy na pinagsusuntok ang pader.

"I AM FOOL, JERK AND USELESS. DAMN, GUSTONG GUSTO KITANG MAKASAMA NOON PERO WALA KANA. WALA KANA DREII. OO NARITO KA, OO NAKIKITA KITA BUT FVCK NAGMUMUKHA AKONG BALIW. AKO LANG ANG NAKAKAKITA SA'YO"

"A-aries... "

"I'm deeply inlove with you Dreii, hindi ko agad naamin sa'yo 'yan noon nabubuhay kapa.  I can't replace you at wala akong planong gawin 'yun. Buhay ka man o patay you'll always have place in my heart. "

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon