I WAS ONCE A KILLER

74 5 0
                                    

"Kailangan ata nito ng attention"

"Ang tanga mo ha"

"HAHHAA sis may away"

"Hayok hahaha"

"Toxic mo"

"Kadiri ka naman, hindi kana nahiya"

"Balitang balita ngayon... "

"Kaawa ka"

"Mamatay kana"

Pigil hininga kong basa sa mga komento. Parang pinipiga ang puso ko dahil doon. Pinunasan ko ang luha sa'king mga mata at lumabas na sa kwarto.

"Oh bakit namamaga 'yang mata mo? " tanong sa'kin ni Dad habang nag-aayos ito ng makakain.

"Nag wattpad kasi ako huhu kakaiyak 'yun dad" pagpapanggap ko. I'm used to it kaya hindi na mahirap para sa'kin. I'm always hiding my true feeling because I don't want them to be worried.

"'Yan, 'yan wattpad pa. Para kang tanga" napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Dad.

Kumain na kami at tahimik lang ako. Hindi mawala sa isip ko ang mga masasakit na salitang sinasabi nila sa'kin. They judging me without knowing my side, they insulting me like they know the whole story, they killing me... Not physically but mentally.

Kahit na libangin ko ang sarili ko sumasagi at sumagi lagi sa isip ko ang mga nabasa ko. Inopen ko uli ang facebook account ko. Hindi na'ko nagulat kung puno nanaman ang notification ko.

"Papansin masyado"

"Manloloko"

"Hindi ka nababagay dito"

"Walang kwenta. "

"Walang ambag sa pinas"

"Invite n'yo ako sa burol ha"

"Dot para updated"

Ilang araw... Paulit ulit... Iba't ibang mga masasakit na salita. Sa araw araw na gano'ng nangyayari ay kinakain na'ko ng lungkot, galit at hinanakit.

I prayed them... Pinagdasal ko sila na sana mamatay sila. Lalo na ang pasimuno ng lahat ng ito. She is Shane. Sikat at pinaniwalaan agad ng iba, boto sa side n'ya dahil sa mga tagasunod nito.

Pinagdasal ko na sana... Sana... Mamatay na s'ya. I deactivate my account para hindi na'ko mamention pa sa iba't ibang post at panghuhusga.

I always prayed na mamatay sila. Hindi man agaran basta 'yun. Hindi lang 'yun pinagdasal ko na sana ang mga magulang nila ang magbayad sa ginagawa nila sa'kin, pinagdasal ko kahit alam kong mali.

Paulit ulit kong sinasabi sa isip ko na sana mawala na sila o kaya ang isa sa pamilya nila. Wala ako sa tamang pag-iisip. Galit na galit ako, marami naring nagbago sa'kin. Naging tahimik, hindi palakibo, loner na ako. Hindi na'ko nakikipag-usap dahil tumatatak sa puso't isip ko ang panghuhusga nila.

Until one day I created a new account. Iba ang pangalan. Almost 2months bago ako bumalik then I saw my wished come true.

Shane parents died. Ang iba rin ay naging inactive dahil sa iba't ibang problema. Mayroong na stroke, nagkataning at iba't ibang paghihirap. Dahil doon naging inactive sila.

Nagtingin pa'ko ng iba at mayroon din silang ibang inissue, marami at pilit pinababagsak sa mabulaklak nilang mga salita para mauto ang karamihan. Para silang kampon ni Satanas at may mga alagad.

Kalaunay nawala rin. Mga demonyo sila. Buti naman at nangyari ang inaasahan ko.

I smiled. They deserve it.

"Karma"

One Shot Stories CompilationNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ