Dog Ayki

181 20 3
                                    

[D O G A Y K I]

📅January 2015📅

"ARF ARF ARF grrr Arf" rinig kong malakas na tahol saakin ng aso habang padaan ako sa tapat nila, lagi ko nalang syang naririnig na tinatahulan ako kapag daraan ako sa tapat ng bahay nila

📅February 2015📅

"ARF ARF ARF"

"AaaaAa" nagulat ako dahil sa biglaan nitong pagtahol kaya tinitigan ko sya, may kasama siyang isang matandang babae sa tingin ko amo nya ito

"Pasensya na iha, masyado lang protective saakin itong si Ayki " nakangiting sabi ng matanda, kaya napangiti nadin ako ang nagumpisang lumakad kung saan ako papunta

📅January 2016📅

"Balitang balita ngayon ang isang Aso dahil sinubukan nitong iligtas nito ang isang matandang babae , pero siya ay nabigo" rinig kong sabi sa TV kaya agad ko itong tinignan, halos mapatakip ang aking bibig saaking nakita ,dahil ang asong iyon ay si Ayki at ang amo nya

Dali dali akong nagbihis upang puntahan kung saan ko laging nakikita ang mag amo na iyon

Pagkarating ko sa kanilang lugar ay nakita ko si Ayki at ang ilang rescuers na andoon , kita ko ang lungkot sa mata ni Ayki kaya nakaramdam ako ng pagkirot saaking puso dahil sa nangyari sa kanya at sa Amo nya

📅February 2016📅

"Ayki kain na" sabi ko kay Ayki pero wala itong gana at hindi ako pinapansin, tutal lagi ko naman syang nadaraanan napagisipan kong dalhan sya ng pag kain lagi

📅March 2016📅

"Aykii Eto oh may dala ako sayo" sabi ko at itinapat sa harapan nya ang pagkain na dala ko at iniwan na sya roon , dahil malelate nako

📅September 2016📅

"AYKIIIIII" masayang salubong ko sa kanya at ibinigay ang pagkain nya , bigla akong natuwa dahil kinain nya agad ito at pinansin na ako

📅December 2016📅

"Aykii tara" tawag ko sa kanya habang nasa malayo ako ,sinusubukan ko kung sasama ito saakin , lalo akong natuwa noong tumakbo ito papunta sa gawi ko

"Aykiiii" sabi ko at niyakap sya

📅February 2017📅

"AYKIIII BABYEE" paalam ko sa kanya at iniwan na sya sa sakayan ng bus dahil papasok na ako

**

"AYKIIIII inantay mo talaga ako ha" sabi ko at niyakap sya

"ARF" sagot nito, kaya sabay na kaming umuwi ni Ayki

**
1 buwan ganon ang routine namin ni Ayki , iiwan ko sya doon sa sakaya ng bus at paguwi ko makikita ko sya doon at sabay kaming uuwi

📅January 2018📅

"ARF ARF ARF ARF ARF ARF" rinig naming tahol ni Ayki habang nasa kwarto kaming pamilya ,kaya agad agad kaming lumabas at agad tinignan ang tinatahulan ni Ayki at isa itong nasusunog na papunta sa kuryente kaya agad itong pinatay ni Papa

"Waahh Ayki niligtas mo ang bahay natin " sabi sa kanya ni Mama

📅February 2018📅

"Ayyyy-- a-ayki?" Bulong ko dahil pag kababa ko ng bus ay wala si Ayki

"Ayki? Asan ka?" Patuloy na sabi ko dahil imposibleng mawala sya rito

"Kawawa naman"
"Nakakaawa"
"Anong nangyare?"
"Omay"

Rinig ko ang bulungan ng iba kaya napadako ang tingin ko roon at kita kong nagkukukulan sila ,kaya agad akong pumunta sa gawi nila upang malaman kung anong naroon

Halos manigas ang aking katawan sa aking nakita

"A-ayki? AYKIIIIIII AYKII GISING HUY , TULONGGG TULUNGAN NYO KAMIII " Walang nag balak saaking tumulong kaya binuhat ko ang duguang si Ayki

"A-ayki dadalhin kita sa doctor ,kapit kalang ha d-diba gagala pa tayo? D-diba promise ko sayo bibilhan kita ng maraming pagkain, wag kang pipikit"patuloy ang agos sa aking mga mata habang sinasabi iyon, tumakbo ako papunta sa gamutan ng mga hayop pero sarado ito

"BUKSAN NYO ITOOO, TULONGGGG " todo ang pag hampas ko sa pinto nitong nakasara

"TULUNGAN NYO ANG ASO KO, BUKSAN NYO ITO ,T-TULUNGAN NYO K-AMI MAAWA KAYOOO" todo ang iyak ko at pagkalampag sa pinto pero walang nagyayare sarado na talaga ito, agad akong bumalik sa kinaroroonan ni Ayki at kita kong nag hihingalo nato

"A-AYKIIIIIIII" sigaw ko dahil dahan dahan naitong pumipikit

Inalala ko kung saan kami nagkakilala , yung pagsusungit sya saakin, pagtahol, kung paano kosya sinuyo at inalagaan ,kung paano nya kami niligtas at pinapasaya

"A-aykiii huwag aaAa" iyak ako ng iyak habang yakap yakap ko sya at nakita ko na ang pagpikit nito na ibigsabihin na wala nasyang buhay

"AYYYYYKIIIIIIII"

-The End-

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now