I was

24 3 0
                                    

"I WAS"
—Felicity Moon

At the age of seven...

"M-mom he touched me, h-hinipuan n'ya ako,"pagsusumbong ko sa mama ko habang nagluluto s'ya. Imbis na pansinin n'ya ako ay hindi n'ya man lang ako nilingon kaya napagpasyahan kong sa iba nalang sabihin.

"That old man t-touched me," utal na usal ko. Akala ko ipagtatanggol nila ako pero tinawanan lang nila ako.

"Ang OA mo naman, nahawakan ka lang e,"sabay nagtawanan ulit sila.

At the age of 12...

"Bastos!" Sigaw ko habang tinatakpan ang katawan ko, binuhusan ko ng tubig ang pinto dahil may kung sinong naninilip doon. Inantay kong mawala s'ya upang ipagpatuloy ang pagliligo ko.

"M-ma.. May naninilip saakin tuwing naliligo ako,"sumbong ko kay Mama halos maiyak na ako.

"Baka naman hindi sinasadya, bata kapa wala pang masisilip sa iyo,"napayuko nalang ako dahil doon.

'Bata pa.. Kaya ba hindi ako pwedeng paniwalaan?'

At the age of 15...

Nasa bus ako ngayon dahil papasok na ako sa school at siksikan ngayon nang biglang may isang lalaki malapit sa likod ko at nararamdaman ko ang pagkalalaki nito, pilit ako lumalayo pero pilit n'ya akong idinidikdik. Napakagat ako ng labi ko at nagpigil ng luha. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw pero hindi kayang makicooperate ng bibig at katawan ko.

"M-ma..."salubong ko pagkauwi ko galing school, nakita ko ang pagod nitong mukha kaya hindi kona tinuloy ang sasabihin ko sana.

Gusto kong ikwento, pero walang naniniwala.

At the age of 18...

"D-dad..."mahinang usal ko dahil pumasok s'ya sa kwarto ko at hinihimas ang legs ko.

"Dalaga na ang bunso namin,"mala demonyo nitong usal. Napausog ako at pilit na tinatanggal ang kamay n'ya sa legs ko pero hinampas n'ya lang ako.

"Papalag na ba ang bunso namin?"pananakot nito saakin. Doon na nagsimulang bumuhos ang luha ko, wala akong nagawa dahil hindi ako makapalag. Hanggang na nagawa n'ya ang nais n'ya noong gabing 'yun, he forced me to touch myself while he was masturbating infront of me.

Nanatili akong tahimik dahil sa takot, naging iwas na ako sa tao, na trauma na ako, wala akong lakas para magsalita. I'm just crying alone and blaming myself.

Until one day I'm at the corner of our classroom when a girl approached me, we become friends and we shared a lot of memories together.

"Your place or mine?"tanong nito saakin, gagawa kasi kami ng project. "S-sainyo nalang."

Nakarating kami sa bahay nila at talagang maganda ito. "Kuha lang ako ng makakain, dito kalang,"

Tumango ako at tinuloy ang ginagawa namin, maya-maya pa ang may biglang may lalaking nakasandal sa pintuan. "Napakagandang nilalang, mukhang masarap," agad akong nakaramdam ng kaba pero hindi ko na lang s'ya pinansin.

"Tito anong masarap?"biglang pumasok ang kaibigan ko. "'Yung dala mo," sagot ng tito n'ya.

"Ah oo, gawa ko e," usal n'ya na mukhang walang kaalam-alam. Habang tumatagal ay nagiging mas komportable ako sa kanya. Kaya hanggang sa naikwento ko ang mga nangyari saakin, umiyak ako sa harapan nito at s'ya naman ay niyakap lang ako.

Sa loob ng ilang taon ngayon ko lang nalabas lahat ng hinanakit ko. Sobrang sakit at the same time nakakagaan ng loob kahit papaano.

After naming mapag-usapan 'yun ay napagpasyahan kong umuwi nalang. Pagkaopen ko ng social media ay may nakita akong post.

"I was..."bulong ko. Sinubukan kong gawin din 'yun kaya shinare ko, maya-maya ay nagcomment doon ang kaibigan ko. Chineer up n'ya ako, kaya nakatulog ako pero may kaba parin dahil kasama ko lang sa bahay ang isa sa bumastos saakin.

Pagkarating ko sa school ay nakita kong nagtitinginan sila saakin. Naririnig ko ba ang bulungan ng iba.

"Pabida lang 'yan"

"Kadiri"

"Oa masyado"

Kumunot ang noo ko dahil doon. Pupuntahan ko sana ang kaibigan ko pero iniwasan n'ya ako kaya nagtaka ako.

"'Yan ba 'yung biktima raw ng Sexual Harassment?"

"Pft. Loka ka girl, Attention seeker lang 'yan"

"Nagshare pa nga kagabi, kadiri"

Para akong nanghina sa mga narinig ko pero hindi ko nalang pinansin. Nasa gilid ako ng room at maya-maya pa ay may tumabi saakin.

"Kalat 'yung nangyari saiyo noon, about sa pangbabastos saiyo, "paumpisa ng presidente ng room namin. Kumunot ang noo ko dahil doon, paano nangyari 'yun?

"Hindi ko rin alam kung paano, bigla lang naging hot news sa buong campus." Pagkatapos kong marinig 'yun ay hinanap ko ang kaibigan na pinagkwetuhan ko n'on kaso hindi ko s'ya mahagilap. Umuwi nalang ako at nag-iiiyak.

Hindi na ako nakakakain sa tamang oras, hindi na ako pumapasok, nawawalan na ako ng interest sa lahat, hindi na ako nakikisalamuha sa iba dahil tingin ko gagawin din nila saakin ang ginawa saakin noon, nakatatak na sa puso't isipan ko ang mga pangyayari noon. Gusto kong magkwento pero noong sinubukan ko trinaydor ako, I trusted her... But ganito ang ginawa n'ya. Gusto kong magsumbong pero alam kong wala akong laban, gusto kong lumaban pero alam kong talo lang sa huli at baka itakwil pa ako at sabihin disgrasya ako sa pamilya.

I tried but I failed, maybe sapat na ang taon kung anong mayroon ako ngayon. Sapat na ang taon na binastos nila ako ng paulit-ulit, kaya ako na ang gagawa ng paraan para tumigil sila.

"I'm sorry, I'm not brave enough" After that I commited suicide.


If you're a victim of Sexual Harassment please be strong enough to fight and to voice out, Cheer up. To the people who's judging them easily stop dropping such a nonsense words. You don't know how hard it was for them to survive each day trying to forget those experiences.  If you saw someone posting like this, please cheer them up.


Open for critism||Fiction

One Shot Stories CompilationNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ