Sa Jeep

181 11 0
                                    


Nakaupo ako sa dulo ng jeep. Siksikan at mainit. Nagsimulang umandar ang jeep kaya ako nakaupo lang ng maayos.

Lumipas ang ilang minuto tahimik sa loob ng jeep, ingay lang ng sasakyan ang maririnig, ngunit naputol ang katahimikan ng biglang sumigaw ang isang babae.

"Ano ba??! kanina pa iyang buhok mo ha. " sabi nito sa babaeng katabi niya, at medyo sinabunutan ng pasimple yung katabi niya.

"a-aww s-sorry po" daing ng babae sa babaeng katabi niya at inayos ang buhok nito.

"halos ipakain mona nga sakin eh tsss badtrip"sabi ng babae at tila galit na galit.

"sorry talaga" sabi ulit ng katabi niya.

"bakit kasi 'di marunong magtali ng buhok buwisit" bulong pa nito.

Tinignan ko ang babaeng katabi niya saktong nakatingin ito sa gawi ko at maya maya tinanggal niya ang buhok niya.

Naka wig siya?.

Oo naka wig siya. Nakangiti parin siya at nang matapos niya na itong tanggalin nakita namin ang kalbo niyang ulo at may sugat sugat pa ibig sabihin.

May Cancer ang babaeng sinisigawan kanina ng babaeng katabi niya.

One Shot Stories CompilationOnde histórias criam vida. Descubra agora