GREAT PRETENDER

30 2 0
                                    

GREAT PRETENDER

I have this friend, I mean bestfriend of mine named Mine. Isn't weird? Kaya kapag tinatawag ko s'ya mula sa malayo ng 'Mine' napagkakamalang in a relationship kami. Hindi ko ba alam bakit Mine ang ipinangalan sa kan'ya ng magulang n'ya.

Mine is annoying, makulit s'ya at fuck para s'ya bata. Childish, like that. Pero because of her traits lalo kaming nagiging malapit sa isa't isa.

"Libre nalang kita gusto mo?" masayang usal nito habang inaantay ang sagot ko. Narito kami ngayon sa bench at sobrang problemado ko, medyo naiinid ako sa presensya ni Mine pero agad ding nawala dahil sa pinapakita n'ya.

"Bawi nalang sa next sem." pangungumbinsi n'ya saakin. She's right, bumagsak kasi ako ngayong sem. kasi nagkasakit ang mama ko kaya nawala ako sa focus, minsan si Mine pa ang nag-aalaga sa may hospital at minsan hindi na s'ya pumapasok para ako nalang daw muna.

"Thank you, Mine." Tumawa lang s'ya at agad na hinila ang kamay ko. Dinala n'ya ako sa Ice-cream vendor at doon inabutan ako ng libre n'yang ice-cream.

"H'wag kang sad na ha? Babawi si Them!" Napangiti ako dahil sa pagche-cheer nito saakin kaya pinisil ko nalang ang pisngi nito. Nakapacute n'ya talaga.

Papunta ako sa cafeteria nang matanaw ko si Mine na may katabing babaeng umiiyak. Pumunta muna ako sa counter at umorder bago sila tinitigan. Ano kayang nangyari? Nakita ko kung paano mag-alala si Mine sa kan'ya, pilit n'ya itong pinapatawa. Panigurado akong she's cheering that girl up, comforting. Kaya maraming nagmamahal kay Mine dahil gan'yan s'ya, kamahal mahal naman talaga s'ya.

"Fighting!" Dinig kong usal nito sabay nag-acting pa, maya-maya ginaya 'yun ng babae kaya sabay silang napatawa. Niyakap n'ya ito at hinagod pa ang likod sabay may binubulong. Napailing nalang ako dahil doon. Damn, she's good.

"Hey, sinabi ni Sir hindi ka raw nagpasa ng project mo!" singhal nito saakin. Napatakip nalang ako ng tainga dahil doon.

"Bakit hindi ka nagpasa ha?!"sigaw n'ya ulit. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Binugbog ako sa kanto, fuck look. May pasa-pasa pa ako kaya nawalan na rin ako ng ganang gumawa." 'Yung galit n'yang mukha biglang napalitan ng pag-aalala.

"Shit. Tara sa clinic lilinisin kita." Hindi pa ako nakakasagot dahil hinila nalang n'ya ako bigla, kaya nagpahila nalang ako. Mamaya magalit pa saakin e.

"Sorry, hindi ko alam. Here. Ako na ang gumawa para saiyo." Sabay may nilapag s'ya na folder, organisado masyado at may pangalan ko na rin. Nakatingin lang ako roon habang s'ya ay nililinis ang mga pasa ko.

"W-why?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumawa lang ito at hindi ako sinagot. Ang effort n'ya gumawa kaya dahil doon ay bigla ko s'yang niyakap pero s'ya natatawa lang sa inaakto. Malaking grades ang mawawala dahil wala akong project but heck, s'ya na ang gumawa para saakin. I'm so lucky.

Ilang araw na ang lumilipas noong biglang hindi pumasok si Mine sa school. Marami ring naghahanap sa kanya kasi tuwing umaga at bago mag-uwian ay niyayakap sila ni Mine at pinag-iingat pauwi. Minsan pa'y hinahatid sila ni Mine sa labas ng school dahil wala pa ang mga sundo ng iba kaya labis silang nagtaka sa biglang pagliliban nito sa klase.

"Ms. Buenavista?" Pagtawag ng teacher namin pero wala ni isang sumagot. Yes, kaklase ko s'ya. Nagsimula ang bulong-bulungan dahil doon.

"Ms. Buenavista?"naglingon-lingon ang teacher namin upang hanapin si Mine pero absent nga s'ya.

"Ms. Bue—"hindi na natuloy ang sasabihin nito dahil biglang may babaeng pumasok sa room. Mugto ang mata nito, kaya agad na lumapit si Ma'am sakanya. Nakita naming nag-uusap sila pero 'yung babae ay iyak lang ng iyak, maya-maya pa ay umalis na ang babae at nakita kong umiiyak na rin si Ma'am. Labis kaming na bahala dahil sa inakto nila.

"What happened?"
"Who's that girl?"
"Weird"

"O-okay class.." Nagpunas si Ma'am ng luha bago yumuko at agad na tumingin saamin. Naghalo-halo ang opinyon ng iba dahil sa biglaang pag-iyak ni Ma'am pero ako naghihintay lang ng sasabihin n'ya.

"Sino ang k-kaibigan ni Ms. Buenavista rito? Can you describe her?"ngumiti si Ma'am at inantay ang estudyante n'ya na sumagot.

"Anyone?" tanong ulit n'ya. Biglang nagtaasan ng kamay ang karamihan. Kaya agad na nagturo si Ma'am.

"You." Sabay turo n'ya sa president namin.

"She's like a sister to me, noong nahirapan ako sa pag-aarrange for the events she was there para tulungan ako."

"She always there for me too Ma'am. Lagi n'ya akong cinocomfort."

"Kapag kailangan ko ng taong makakausap she's always free herself for me to prioritize mine."

"She's the possitive woman I've never met."

"She's the happiest girl here."

"She's cute and good."

"Masipag s'ya and have good traits Ma'am."

Sagot nila. Puro possitive ang sinabi nila, well totoo naman. Tsaka kung magkakanegative man ay 'yun like she fail on the class, absents etc. Pero nakakabawi s'ya because like one of out classmates' said, she's possitive woman.

"Mr. Them?" Nagulat ako dahil biglang bumaling saakin si Ma'am. Actually hindi ako nagtaas ng kamay dahil ang dami nila.

"She's my bestfriend eversince, lahat ng traits na magaganda na sa kanya. She always prioritize others tham herself, I noticed it. The day na wala akong project because nabugbog ako that time Ma'am, ginawan n'ya ako. Hulog ng langit Ma'am." After that she smiled on us.

"And behind those efforts, wala s'yang napasa saakin na project n'ya sa subject ko. Kinausap ko s'ya and sinabi n'ya na babawi s'ya but until now wala pa rin." Nagulat ako sa sinabi ni Ma'am. Means? Inuna n'ya ako bago ang sarili n'ya? Bakit hindi ko alam 'yun? Bakit n'ya sinakripisyo ang grades n'ya for me?

Umupo na ako at inantay pa ang ibang sasabihin ni Ma'am.

"She's really an angel. Talaga ngang totoo ang mga balitang naririnig ko that's why s'ya ang modelo nitong room. Hindi ko akalaing may ganoong tao tulad ni Ms. Buenavista. Minsan n'ya na rin akong tinulungan. It was a rainy day at nalaglag lahat ng papeles ko sa daan and dahil nakita n'ya ako agad s'ya tumakbo papunta saakin. Hindi n'ya inisip na mababasa s'ya ng ulan, agad n'ya 'yung pinulot at tarantang taranta pa s'ya. After that inabot n'ya saakin, nakapayong ako n'on habang sya ay hindi. Isinilong n'ya sa payong ang mga nahulog para hindi na mabasa pa lalo. Akala ko magrereklamo s'ya dahil basa na s'ya pero tumawa lang s'ya roon at ipinag-ingat ako." Patuloy na kwento ni Ma'am, lahat kami ay seryosong nakikinig sa sinasabi nito.

"Hindi s'ya tulad ng iba na kahit anak mayaman ay mang-aapak na nang kapwa n'ya. Lagi ko s'yang nakikita na palakad lakad at minsa'y may kayakap pa. May naririnig din akong negatives sa kanya but alam kong walang katotohanan 'yun, akala ko papatulan ni Ms. Buenavista but she just smiled at them. Hindi s'ya pakitang tao."

" Right, lagi n'yang inuuna ang iba bago ang sarili n'ya. Hindi natin alam kung ano ba ang tunay n'yang nararamdaman because masyado tayong nagpapabulag sa pagpapanggap n'ya" Naging emosyonal si Ma'am lalo na ang kaklase naming mga babae rito. Parang may alam na sila sa nangyayari.

"But Ms. Mine Buenavista is now died." Agad akong nanigas sa kinauupuan ko at biglang nag-iyakan ang iba, tila hindi makapaniwala. Maski ako, lumunok ako ng paulit-ulit. Ayaw magsink-in sa utak ko. Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na prank lang ang lahat pero.. Ayaw tanggapin ng sistema. It hurts a lot.

"Stop joking Ma'am, she's so always happy when she's around"
"She's the happiest girl I've met Ma'am"
"She always says' she's fine"

"She's a great pretender, she can hide all of her thoughts, pains and more by herself. But now she commited suicide. Suffering from severe depression and anxiety" Pagpapatuloy ni Ma'am habang nagpipigil ng luha. Hindi ko napansin na bigla na rin akong natulala ay tumutulo na ang luha sa mga mata ko. It can't be...

"She's now a real angel. She always there when you all needed her, but where are you when she needed atleast one of you?" And that lines hit us.


Open for critisms || I'll make part 2, Mine's POV||

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now