Raffle Game

189 18 0
                                    

ESP subject namin ngayon at eto ako ngayon pinanonood ang nagkakasiyahang kaklase ko, nagpalaro kasi si Maam Torres ng Raffle Game at kung anong mabunot mo may katanungan na andoon at kailangan mong sagutin ng walang halong kasinungalingan

"AHAHAAHA Umamin din" sigaw ng isa sa mga kaklase ko at tawa sila ng tawa dahil umamin na si Nicholas na bakla pala sya kaya natawa na rin ako sayang sya

Tinignan ko si Jin sa kalayuan at kita kong may earphone na nakasaksak sa tainga nya ayaw nya sigurong maingayan or what

"Hoy Jasmine ikaw na bumunot" sigaw saakin ng kaklase ko kaya tamad akong tumayo at pumunta sa harap

"Blue or Red?" Tanong saakin ni Maam ng makapunta na ako

"Red" sabi ko at itinapat saakin ni Liah ang red box kaya ipinasok kona ang aking kamay upang bumunot

"Oops wag mo muna buksan" sabi sakin ni Liyah kaya tumango ko

"Go open it" sabi ni maam ,tumingin ako sa aking mga kaklase at tila silay nasasabik kung anong katanungan ang mapupunta saakin ,tumingin ako sa gawi ni Jin ngunit itoy nakapikit kaya umiling nalang ako at binuksan ang papel

"Basahin mo ng malakas" utos ni Maam kaya binasa kona

"Kung I dedescribe mo ang Future Husband mo, Ano ito?" Malakas na basa ko kaya rinig ko ang hiyawan nila

"U-uhm M-mundo maam" sabi ko at lalong nagpaingay sa room

"Mundo why?" Tanong ni maam

"Because He is my everything, No once can replace him to my heart, i know na wala akong chance but im still hoping that man will be my future husband soon" sabi ko sabay ngumiti kaya nagsigawan nanaman sila

"Pwede bang malaman kung sino iyan?" 
"Sinooo?"
"Wowwwww sweeet"

Rinig kong sigaw nila

"Sino ba iyang tinutukoy mo Jasmine?" Tanong ni Maam

"M-maam kelangan talaga s-sagutin?" Tanong ko at tumango ito kaya no choice ako

"S-si Jin po maam" sabi ko ,sana hindi narinig ni Jin dahil naka earphone naman ito

"JINNNN" sigaw ni Angel at mukang narinig ito ni Jin dahil tinanggal nya ang earphone nya

"Anong question ang nakuha mo?" Tanong ni Maam ,hindi naman sya bumunot kanina ah? Pano sya nagkaroon ng tanong?

"Kung liligawan ko ang babaeng nasa harapan ngayon sa tingin nyo may pagasa ako?" Rinig kong sambit ni Jin kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko

"Kyaaahhh"
"Sweeett"
"Oo namannnn"
"Yes nayannn"

"Jin come here" sabi ni maam kaya natuod ako sa kinatatayuan ko ng makalapit na ito

"Anong balak mo?" Tanong ni Maam kay Jin

"Balak kong ligawan si Jas sa ayaw at gusto nya" sabi nito sabay ngumiti kaya lalo syang gumawapo

"Pwede ba?" Tanong nito

"O-oo naman" nahihiyang sabi ko

"Anong balak mo Ms.Jasmine?" Tanong sakin ni Maam

"B-balak kopo syang sagutin" nahihiyang sabi ko

"Yiiiee"
"Lampoo"
"Nakakakiliggg"

"Hindi ka magsisi na pinayagan mo akong ligawan ka Jasmine, kasi gagawin ko ang lahat mapasaakin kalang Jasmine"

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now