APHENPHOSMPHOBIA

48 2 0
                                    

APHENPHOSMPHOBIA
—Felicity Moon

"Angelique lumabas kana d'yan!" sigaw saakin ni mama pero nanatili akong nakaupo sa gilid ng kwarto ko habang balot na balot ang aking katawan ng jacket.

"M-mamaya napo!" sigaw ko pabalik. Napabuntong hininga nalang ako habang pinipisil ang aking sariling kamay. Laging ganito ang aking routine, nag-iisa, hindi nakikisalamuha sa iba.

"Buti lumabas kana" ngiting wika ni mama kaya ngumiti rin ako. May nakita akong lalaki na kasama nito pero hindi s'ya familiar saakin, kaunting mukha lang ang natatandaan ko kasi hindi ako palalabas ng kwarto ko.

"Oh s'ya. Siya si Marcus, ang anak ng kaibigan ko. May regalo raw para saiyo" napatango nalang ako dahil doon. Akma n'ya akong hahawakan ay bigla akong umiwas sa kaniya.

Agad na nangatog ang aking katawan dahil doon, s'ya naman ay nakakunot ang noo.

"J-just put it there" sabay turo ko sa lamesa. Naweirduhan ata saakin si Marcus pero sumunod nalang ito. Hinawakan ko ang
dibdib ko dahil ang bilis ng tibok nito.

"Aakyat na ako ma" tugon ko. Tumango naman si mama at nag-usap na sila ni Marcus.

**

Ngayong araw ay bumisita nanaman si Marcus dito sa bahay, pansin kong napapadalas ang pagbisita n'ya. Pero ako sumisilip lang ako sa pintuan ng kwarto ko dahil ayokong makihalubilo. Minsa'y nahuhuli n'ya pa akong nakatingin sa kanya pero s'ya naman ay ngumingiti lang.

"Angelique" sabay katok nito sa pintuan ko. Hindi ako nagsalita at patuloy lang s'ya sa pagkatok hanggang sa binuksan na n'ya ito. Hindi naman kasi naka lock.

"Why are you there? Ayaw mobang lumabas? It's your birthday" malambing na usal ni Marcus na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Alam kong mali ito, maling mali.

"S-stay away." hahawakan sana ako nito pero umiwas ako at tinignan s'ya ng masama.

"Totoo nga ang sinabi ni tita about sa Phobia mo, fear of being touched? " sabay ngiti nito, napalunok ako dahil sa sinabi niya.

"D-don't touch me, please" pagmamakaawa ko pero ngumiti lang ito saakin at inilahad ang kamay n'ya sa harapan ko.

"Trust me. Angelique, I'm Marcus, it's your day. Dapat na-eenjoy ka" dahil sa sobrang pagkangiti nito ay nakikita ko ang malalalim nitong dimples.

"A-ayoko. S-stay away Marcus" sabay iwas ko ng tingin sa kanya. Umupo s'ya sa harapan ko at pinantayan ang aking mukha.

"Angelique, para kang buwan. All I can do is to stare to you. I want to touch you, I want to feel your hugs, I want to hold your hands" malambing na usal nito kaya napatingin ako sa kanya.

"W-what do you mean? " utal na sabi ko. Ngumiti ito bago sumagot.

"Gusto kita. Gustong gusto" nakita ko kung paano mamula ang mga tainga nito.

"Please, hold my hand. Trust me. " lahad n'ya ulit ng kamay n'ya.

"Angelique, Please? " lumunok ako ng ilang beses bago dahan dahang inabot ang kamay n'ya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at s'ya naman ay nakangiti lang saakin.

"Thank you for trusting me." pinisil n'ya ang kamay ko at dahan dahan akong itinayo.

"Stop trembling" natatawa nitong usal.

"Let's go, Happy birthday"

This time nagtiwala ulit ako sa isang tao kahit na may Aphenphosmphobia ako; fear of being touched. Nakuha ko ang phobia na ito because I'm a rape victim. I got raped by my own father.

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now